bc

Love in Disguise

book_age18+
387
FOLLOW
2.2K
READ
fated
drama
sweet
serious
illness
like
intro-logo
Blurb

Nawindang si Aleeza Smith sa nalamang may taning na ang buhay niya. Bata pa siya sa edad na 28. She is happy in her married life with two beautiful kids. Paano na lang ang mahal niya sa buhay na maiiwan niya. Hindi niya kakayaning makita ang mga anak na walang kumakalingang ina dito. How about her husband na sobrang mahal siya.

Si Apollo Smith ay 32 taong gulang at isang multi-billionaire na may iba't ibang business. Hindi lang ito nagfocus sa isang business lang. Isang well-known playboy until he meet Aleeza na naging sentro ng buhay niya. Hindi na masyadong sumasama sa barkada para makapambabae. He was caught by Aleeza's charm na hindi niya tinantanan at naging asawa na niya at nagkaroon na sila ng mga anak.

Paano na ngayon ang mag-ama niya kapag iniwan niya dahil sa sakit niya? It was a blessing in disguise ng malaman niya sa mama niya na may kambal siyang napawalay sa kanila. Lately lang niya ito nalaman na isang sikreto na itinago sa kanya. Kailangan niyang mahanap ang kambal para sa isang hiling niya dito bago niya lisanin ang mundong ito.

Ano ang magiging papel ni Ada sa buhay ni Aleeza at Apollo? Tunghayan ang kapana-panabik na buhay pag-ibig nilang tatlo. ❤️❤️❤️

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
#StaryThanksgiving I would like to thank all of you for following and reading my stories. It's been my dream to become a writer so I am thankful that I get to share my stories with you. Thank you from the bottom of my heart for every comments that make me proud that all of you appreciate my stories. Hoping for more followers and readers. God bless us all... **************************************** "Mommy wake up." Pagising ni Sabrina sa mommy nito na si Aleeza na pupungas-pungas pa. Aleeza Smith ay 28 taong gulang na may dalawang cute na mga anak. Si Sabrina 5 years old at Andrei 8 years old. Asawa niya si Apollo Smith na 32 taong gulang at isang bilyonaryo. Hindi na siya pinayagan magtrabaho ng asawa kaya nasa bahay na lang siya at nag-aalaga ng mga anak. "Baby you're early. Where's your dad?" Tanong nito sa anak na ang tinutukoy ay si Apollo na asawa niya. "Sa kusina siya mom. Nagluluto ng breakfast for us. Kuya Andrei is with him kaya halika na mom, inaantay na tayo." "Dad mo talaga, andyan naman si Aling Maring para magluto eh." Saad na lang nito sa sarili. "Mom what are you waiting." Saad pa ni Sabrina na four years old. Si Andrei naman ay five years old. "I'm coming baby. I'll just freshen up first." Sagot na lang nito na iniwan naman siya para bumaba na at puntahan ang kapatid at ama nito. Napapailing na lang siya sa katabilan ng anak. Nagmadali na lang siya na pumasok sa banyo at baka asawa na niya ang sumundo sa kanya. Napahawak siya sa tiyan ng bigla itong sumakit. Lately napapansin niyang sumasakit ito. Hindi niya maintindihan bakit napapadalas. Hindi na muna niya ito sinabi sa asawa at baka mag-alala naman ito sa kanya. Oa pa naman ito minsan magreact kaya hindi na muna niya sinabi ang nararamdaman dito. Balak niyang magpacheck up one of this days para malaman kung ano na ang nangyayari sa kanya. "Good morning everyone." Saad niya sa mga anak at asawa niya na abala naman sa paghanda ng mesa. "Good morning too my pretty wife." Sambit ni Apollo at ikinawit ang kamay nito sa bewang niya at hinalikan siya sa labi. Nakangiti naman ang dalawang anak nila. "Yehey ang sweet nila mom and dad." Sigaw naman ni Sabrina. "Sab you are so noisy." Pasupladong sambit naman ni Andrei. "Baby it's ok. Your sister is just happy." Nakangiting turan ni Aleeza sa nakakunot na anak. "Oo nga naman anak. Masaya lang ang kapatid mo kaya huwag ka ng magsungit diyan." Dagdag naman ni Apollo sa anak. "Love aalis nga pala ako for a meeting tomorrow. I'll be leaving for 3 days. Hindi kasi makakapunta dito sa Manila si Mr. Reyes kaya ako na ang pinapunta sa Cebu. We will have meeting there at site visit na din. Madami kasi kaming pag-uusapan so it will be a 2 days meeting. On the 3rd day babalik na ako dito." Paliwanag naman ni Apollo sa asawa. "It's ok love. Mag-iingat ka dun. Kaya ba hindi ka pumasok ngayon at para makabonding kami?" Tanong nito sa asawa. "Alam mo talaga love ha." Saad nito sa asawa at niyakap ito mula sa likod. "Of course love. I will be missing you and the kids so I want to have a quality time today so with that let's eat breakfast and we will be going to a mall." Sambit ni Apollo na kinatuwa ng dalawang anak nito. "Yehey. Thanks daddy." Sigaw pa ni Sabrina dito at yumakap sa legs ng ama na binuhat naman ni Apollo. "Let's eat breakfast kiddos." Aya na ni Aleeza sa mga anak. "Si mama nga pala love nasaan?" Tanong nito sa asawa na lumingon naman sa kanya. "Nagsimba siya love. Hindi ka na ginising at maaga umalis." Nasa poder nila ang ina niya kasi namatay na ang papa niya limang taon na ang nakakaraan. Wala namang makasama ang mama niya sa bahay nila kaya binenta na lang nila ito para pumisan na ito sa kanya na hindi naman tinutulan ng asawa. Napatango na lang si Aleeza sa asawa na maganang kumakain. Ang lawak ng ngiti niya habang tiningnan ang mag-anak niya. Wala na siyang mahihiling pa at may pamilya na siyang nagpapasaya sa kanya. A loving husband and adorable kids. "What's with the smile love?" Tanong ng asawa nito sa kanya. "I am just happy and contented with my life love. I have you and the kids. What else could I ask for." Naluluhang sambit nito kay Apollo na bigla namang tumayo para hagkan siya sa labi ng mabilis at yakapin siya. "I am so happy I married a beautiful person inside and out." Bulong nito sa kanya. "Aga nating magdrama love." Ganting bulong niya sa asawa na tumingin sa mga anak na kanina pa pala sila pinagmamasdan. "Ang mommy ninyo nagdadrama na." Saad na lang ni Apollo sa mga anak at pinagpatuloy na ang kanilang agahan. Pagkatapos mag-agahan ay naghanda na sila para sa pamamasyal sa mall. Hindi maikakaila ang kasiyahan sa mukha ng mga anak nila na nag-uunahan pa para matapos agad ng paliligo. "Ready love?" Tanong ni Apollo sa asawa na nagsusuklay na ng mahabang buhok nito. Maitim ang buhok nito na hanggang bewang nito. "Yes love I'm ready." Sambit ni Aleeza sa asawa. Napangiwi siya ng kumirot na naman ang tiyan niya. Hindi niya alam ano ang magiging reaction at ayaw niya ipahalata sa asawa. May pain reliever siyang pasimpleng ininom ng puntahan ni Apollo ang mga anak. Sisiguraduhin niyang pupunta siya ng ospital para magpacheck up kapag nakaalis na ang asawa. Nangangamba na siya sa nararamdaman. Baka kung ano na ito kaya dapat na niyang malaman agad. "Love are you all right?" Tanong ni Apollo sa asawa ng makitang mukhang uneasy ito. "I'm OK love. Hindi ata ako natunawan. Uminom na ako ng gamot." Sagot na lang nito at ngumiti na para hindi masira ang magandang mood ng asawa at mga anak. "Are you sure love? We can go to the hospital first before heading to mall if you want." Tanong pa uli ng asawa nito. "No love. I am so OK, I drink medicine already. Excited na mga anak natin kaya huwag mo na ako alalahanin. I am ok now love. Come let's go. Are my kids ready for today." "Yes mom we are ready." Saad pa ni Sabrina na ang laki ng ngiti nito samantalang seryoso ang mukha ni Andrei pero makikita naman sa mukha ang kasiyahan. "Good, then let's go love." Ginagap na niya ang kamay ng asawa na mukhang hindi kumbinsido kung ok nga talaga siya. "Love what are we waiting for. Don't disappoint the kids." Saad pa nito kay Apollo na pinaandar naman ang sasakyan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook