Ilang araw nalang ay End of school year na. At ilang araw nalang din gaganapin na ang Event of the year na lagi nilang ginagawa dito. "Sendy anong klaseng event iyong mangyayari sa Friday?" tanong ko habang nandito kami sa room wala pa kasi si Miss. Jera may ilang announcement lang daw na sasabihin sa amin. Napabuntong hininga siya saka lumingon sa'kin. "Bloody..." tanging sagot niya, pinagkunotan ko naman siya ng noo. "What do you mean?" "An event of death, End year means end of life." Seryoso niyang sagot. Alam kong kapag ganiyan sumagot si Sendy seryoso siya. "Wala pa din akong maintindihan sa mga sinasabi mo Sendy." "Every End school year may namamatay. Mag-ingat ka dahil isa iyon sa kinatatakutan ng lahat. Iyong pakiramdam na kahit nakatayo ka lang bigla ka nalang bubulagta na