Hindi ko kailan man pinangarap na mapunta sa lugar na'to. Sa loob ng tatlong buwan na pananatili ko dito may mga nalaman ako hindi ko lubos maintindihan. Isa pa itong PRK na'to panay ang padala sa akin ng mga sulat ni ayaw naman magpakita o magpakilala man lang kung sino siya nagtatago lang siya sa initials na PRK. Tinanong ko din sila Hera pero hindi nila kilala kung sino. Hindi nila makikilala ang isang tao kung initials lang ang gamit nito bukod sa marami ang estudyante dito wala din silang naririnig na may ganiyang initials. Naniniwala naman ako sa kanila sa tagal nilang nag-aral dito malamang ay alam na nila lahat. Ang pinagtataka ko lang sa bawat sulat niya sa'kin may kasama iyong babala. Gaya n'ong nakaraan sinabi niya sa'kin na huwag akong akong basta-basta lumabas ng dorm at magp