Nagkagulo na naman sila matapos ng event. "Dem, huwag kang lalabas ng dorm hindi safe sa labas." babala ni Sendy "Ano bang nangyayari?" "Hera! Maghanda ka lalabas tayo." sabi ni Sendy saka may dala siyang espada. Ano bang nangyayari? ito na naman ba ako? magtatanong sa sarili ko kung ano ang nangyayari. "Sasama ako, kung ano man ang nasa labas sasama ako. Hindi ko hahayaan na kayo lang ang lalaban." Sabi ko saka kinuha sa aparador ang pana ko. Nagsigawan na ang mga tao, sumiklab ang apoy sa kabilang bahagi ng Helveria. Nagsitakbuhan palabas ang mga estudyante hindi magkamayaw ang iba. Hindi aksedente ang sunog, sinadya ito. Matapos ang event pasekreto akong lumalabas tuwing hating gabi. Hindi man sapat ang nalalaman ko. Pero sapat na iyon para isiwalat ang mga dahilan ng lahat n