Kakatapos niya lang i-orient ang team niya. Pinaalala niya lang ang mga importanteng dapat gawin nila. Nasa cruise ship na sila dahil para ma-double check nila ang mga gamit at ingridients na kailangan kung sapat na ba. Okay naman na ang lahat at ready na, wala na silang po-problemahin kun'di mag-timpla ng drinks mamayang gabi. Nakahanda na rin ang mga lemonade's, fruit juices and mocktails na nasa malaking container para ang mga servers ay kukuha na lang don deretso. Sila rin ang gumawa no'n at marami talagang ginawa dahil libo ang guests. "Ready na po ang lahat ma'am Summer." Tumango siya sa bartender niya at tinapik ito. "5pm na, mag early dinner na kayo at siguraduhin niyong busog kayo dahil baka wala ng hintuan pag nagsimula ang dinner," announce niya sa team niya. Baka kasi may