Naipagdikit niya ang dalawang palad habang namamangha sa isla. Nakapaa siya habang naglalakad sa pinong buhangin sa lapag. Okay, hindi na siya magagalit sa binata dahil natutuwa talaga siya sa lugar. Sa gitna ng isla ay may isang malaking glass house. Gusto niyang tumili dahil sa social media niya lang iyon nakikita. Hindi naman na bago sa kaniya ang mga ganitong disenyo, may mga napuntahan na rin siyang isla dahil kay Agatha na magaganda rin. Pero ang isla na 'to ay pakiramdam niya nasa ibang bansa siya. Ang dream destination niya, ang Maldives. Parang Maldives ang datingan ng island kaya sobrang saya niya. May ibang mga tao silang nakikita at alam niyang staff iyon doon. Namangha siya sa isang bar station na ang disenyo ay kubo. "You like it?" tanong sa kaniya ni Flame na nasa likod