She smiled she saw some teens who joined the fundraising event. Hindi niya akalain na may mga teenagers pa palang interesado sa mga fundraising marathon. Madalas niya kasi makita ay may mga edad na talaga, o minsan naman mga nasa 20's na kagaya niya.
Hindi siya kasali sa mga tatakbo dahil nag presinta siya na siya ang gagawa ng lemonade drinks. Sponsor niya na ang drinks para sa mga sumali, gumawa rin siya ng cookies and brownies para naman pang palakas sa mga tatakbo.
Mas nakakagana kasi pag kumain ng chocolate or sweets. May kasama siyang apat na staff para tulungan siya sa pamimigay ng drink at sweets. Mainit ngayon at tirik na tirik ang araw, alas-tres naman na ng hapon kaya panigurado mamaya ay huhupa na rin ang init.
Nag-umpisa na ang mga kasali kaya namigay na rin sila ng drinks na naka-prepare na sa bote para hindi mahirap bitbitin. Dalawang eco-bag ang dala niya at punong-puno iyon ng cookies at brownies. Namimigay siya sa bawat napapadaan sa kaniya.
Kumunot ang noo niya nang biglang nawala ang araw na nakatapat sa kaniya. Napatingala siya at nakita niya ang isang payong na malaki. Lumingon siya sa likod niya at tumambad sa kaniya si Gary na nakangiti habang hawak-hawak ang payong.
"I'm okay." Naglakad siya papalayo rito pero sumunod ito.
"Mainit, baka bigla ka na lang bumagsak diyan. Let your staff do that, ikaw ang amo dapat nag-uutos ka na lang," sambit nito. Tumigil siya ng paglalakad at hinarap ang lalaki.
"Why? puro utos ka lang ba sa mga employees mo?" Natahimik ito at hindi nakapagsalita, marahil nagulat dahil sa pagsusungit niya. Well, masungit talaga siya rito pero pinipigilan niya lang madalas lalo na pag marami ang mga nakapalibot sa kanilang tao. Ayaw niya ng iskandalo na kasama ang lalaki na 'to.
"It's their job so—"
"Yes, it's their job and I am paying for their salary. Boss nila ako? yes! Pero kung kaya ko naman tumulong para mapadali ang lahat, bakit hindi? Hindi porket sine-sweldo-han mo sila ay hindi ka na tutulong kahit kaya mo naman."
Tinalikuran niya ito at naglakad papunta sa booth niya. Sobrang nagtitimpi lang siya sa kay Gary pero gusto niya na sipain ang mukha no'n sa totoo lang. Nabalitaan niya kasi ang mga umaalis na employees dito dahil toxic daw sa trabaho. Sa government pa naman pero gano'n ang ugali.
Ayaw na ayaw niya talaga sa matapobre.
"What did he say that make you look like you're going to kill him?" Napahawak siya sa dibdib niya at kunot noong tiningnan si Flame. Hindi niya ito napansin na nasa booth niya ito at nakaupo roon. He's wearing a casual clothes and shades that make him look like a celebrity.
"For pete sake, Flame! Ginulat mo ako!" Tinanggal nito ang shades na suot kaya mas lalo niyang natitigan ang mukha nito. Wala namang pinagbago, guwapo pa rin.
Yes, she's admitting that he's a gorgeous man with a hot body. Every girls will drool just looking at him.
"Is Gary pestering you? Should I make her life a living hell? I can do it even if he's a mayor, baby." Hinawakan nito ang kamay niya at hinatak siya. Ang isang kamay nito ay pumasok sa eco bag na dala niya at kumuha ito ng cookies at brownies na naka-pouch.
Umupo na lang siya sa katabing upuan nito dahil halatang halata ito sa paghawak ng kamay niya. Binawi niya ang kamay at nilagay sa tabi ang dalawang eco bag. Kung may bumalik man mamaya at humingi ay ibibigay niya.
Buong araw din siyang nag-bake kahapon at hindi pumunta ng club dahil siya mismo ang nagluto. Ang staff naman ang nag-prepare ng drinks at nilagay sa bote para tulungan siya.
"What's your cousin likes? We have a date tomorrow, I don't have any idea what should I give to her." Inabot muli nito ang isa niyang kamay at pinaglaruan.
"Are you serious about her? Are you really thinking to get married with her because of the company? You don't even need them. Kahit hindi mag-merge ang company mo at company nila ay ikaw pa rin ang numero uno sa business world," wika niya rito habang nakataas ang isang kilay.
He will be having a date with Cynthia tomorrow? Really? While he is flirting with me now?
She almost mocked. Gusto niyang matawa ng bahagya rito.
"It's basically true... but still if our companies got merge it will be better. No one can't try to pull me down."
"I bet someone tried to pull you down but they can't because you're strong enough with your own empire, Flame. You don't need Feliciano's company," irap niya.
Hinatak nito ang upuan niya para mas mapagdikit pa siya rito kaya napakapit siya sa kamay nitong nakahawak sa upuan niya. His chin is resting to his hand while looking intently to her.
"Why do I feel like you don't want me to marry your cousin?"
Inalis niya ang kamay niya na nakapatong sa isang kamay nito at tumayo.
"Hindi iyon ang pinupunto ko! Nagtataka lang ako dahil magpapakasal ka sa hindi mo mahal para lang sa company," ani niya. Kumuha siya ng isang cookies at binuksan ang balot para kumain.
"I don't do serious relationship, Summer. I do flings and situationship like what we have. So even I get married to her, there's no love included."
Hindi siya nagsalita at kinain lang ang cookies na hawak niya. Hindi niya na rin ito hinarap, ewan niya ba at wala siyang masabi. Halata naman niya kasi na hindi ito nagse-seryoso dahil kung seryoso ito hindi ito magbabalak para makilala si Cynthia at magpakasal para kompanya at higit sa lahat ay hindi ito m************k sa kaniya ng hindi naman sila magkakilala kung seryoso man itong tao.
"Madam, kunin ko po itong isang eco bag. Sasakay kami ng van para abutan ng tubig ang mga tumatakbo, baka wala na kasi silang inumin. Nasa kalagitnaan na rin sila ng race," ani ng isa niyang staff na kakarating lang sa booth.
"Sige, dalhin niyo na 'to lahat para sure. Magdala rin kayo ng lemonade baka mayroong may gusto." She helped to lift the cooler box but someone get it and lifted it.
That someone is Flame De Caprio, who is now flexing his triceps to everyone.
"S-sir ako na po!" ani ng isang staff nang makita siya nangbubuhat nang malaking cooler box.
"Where should I put this?" tanong nito at hindi pinansin ang isang staff niya. Walang nagawa ang staff niya kun'di ituro na lang ang van na naka-park na roon.
"You're very active Mr. De Caprio." She groaned when she heard Gary's voice. My goodness! Akala niya hindi na ito pupunta sa booth niya. Sana naman tinagalan nito ang kausap kanina.
"Of course. I should help."
"Are you two close?" Gary asked them.
"No."
"Yes."
Pinanlakihan niya ng mata si Flame nang sumagot ito ng 'Yes'. Cynthia and Flame's planned arrange marriage are not still official. Wala pang nakakaalam bukod sa pamilya. Dahil pag nasabi ang tungkol doon ay sigurado siyang dudumugin na ng media ang mansyon o opisina ng binata at ng lolo niya.
"Yes... we're close, more than you know."
"Uh... y-yeah. Sort of? she's my VIP guests in HBC." Hindi naman niya kailangan mag paliwanag pero ayaw niya ang binibigay na tingin ni Gary.
"Oh, that's why. I am planning to have a party at HBC next week. Magpapa-book pa lang ang pinsan ko dahil birthday niya." Tumango naman siya rito.
"Okay. Just email my business account, but I'll head's up my manager on the main branch about that," she casually said.
Binaling niya ang tingin sa mga staff niya na nagpaalam na. She glanced at Flame beside her. He's nonchalantly look at the side so she can see clearly his side profile.
Napatingin ito sa kaniya, sanay naman na siya sa blankong mukha nito kaya hindi na siya na-o-offend kung tingnan siya nito na walang expression. Bumaba ang tingin nito sa maliit na cookies na hawak niya at walang sabi-sabi na kinuha iyon at kinain.
She forgot that Gary is still in front of them. She cursed silently when she heard Gary laugh.
"Are you two serious? Flirting in front of me?" he mocked.
Tiningnan niya si Gary na parang wala lang kahit kinabahan siya roon dahil may ibang tao rin na dumating na siguradong natanaw sila. Sino ba namang hindi makakapansin sila kung may gwapong lalaki siyang katabi 'di ba? Plus, Gary is a bit handsome and he's a mayor so every person will look at their way.
Kinuha niya ang isang cookies na nasa table at binuksan iyon, pumutol siya ng maliit at sinubo rito.
"Oh, sa tingin mo nakikipag landian ako?" ani niya at kinuha ang isang kamay nito para ipahawak ang natirang cookie. Masamang tiningnan niya si Flame na masamang nakatitig kay Gary.
Bakit parang madalas uminit ang ulo niya? Dahil ba kay Flame o dahil sa asungot na Gary na 'to?
Nilayasan niya ang dalawa at tumungo sa kotse niyang naka-park. Doon na lang muna siya magpapahinga habang hinihintay matapos ang staff niya.
---
A/N: Two updates today, dahil love ko kayo! haha <3 Thank you po sa pagbabasa ng story na 'to at paghihintay ng update araw-araw. Please vote for my story kung may moon ticket po kayo <3 Plus, malaking tulong po kung matutulungan niyo po ako i-promote ang story ko sa peysbuk group ng dreame. Just post the screenshot of this story and sabihin niyo lang po kung bakit niyo nagustuhan ito. Thank youu po! Bukas ulit <3