NEW PROLOGUE

2476 Words
Warning: This is a DARK novel. The story contains violence, assault, and any other offensive crimes that may not be suitable for your taste. If you wished for a soft romance, this is not for you. This novel is burning, scorching, and addictive, in a much darker way. ~~~~~~~~~~~ “Dorothy! Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa’yo na hindi ka pwede sa frat-frat na ‘yan!” Naipikit ko ang aking mga mata nang iyon kaagad ang bumungad sa akin sa oras na nakauwi na ako ng bahay. I give my younger brother, Dean Simon, a side-eye when I saw him walking passed me while holding a piece of detective comic book. Traydor! Alam kong siya ang nagsabi tungkol dito kay dad! “Dad, kaya ko ang sarili ko.” “Anong kaya? Ke-babae mong tao, Dorothy! Ni hindi ko nga hinahayaang dapuan ka ng lamok nong bata ka pa pero heto at gusto mong pumasok sa fraternity?!” Namumula na ang mukha ng ama ko ngayon matapos ko siyang harapin. Dean Simon is nowhere to found. “Dad, walang hazing ang fraternity. Iba ang panahon mo sa panahon ko. Joining a fraternity is just like joining a club.” Pagrarason ko pa, pero ang totoo niyang ay hindi. Ang fraternity na gusto kong pasukin ay hindi basta-bastang fraternity. I just need to do this in order to shut someone’s mouth. “Dorothy Sage! Hindi pa tayo tapos mag-usap!” “Dad, I have some make-up classes tomorrow. Kailangan ko nang matulog ng maaga. Just tell mom goodnight. Night!” Pagpapaalam ko sabay akyat ng hagdan patungo sa pangalawang palapag ng bahay namin. Dapat kasi nasa sariling condo ko ako ngayon! Yung mismong condo na niregalo ng Lolo at Lola ko sa’kin! “Jesus! Kids nowadays…” rinig ko pang saad ng ama ko kaya hindi ko na lang maiwasang palihim na mapangisi bago dali-daling pumasok sa loob ng aking kwarto. I knew dad, he will eventually let this slide, basta maipakita ko lang sa kanya na ayos lang ako. But mom… Napabuntong-hininga ako nang isipin ko ang aking ina. Under si dad kay mom eh, dapat siya yung inuna kong problemahin kesa sa kanya. “So, did dad let you?” Mabilis akong napahawak sa aking dibdib nang marinig kong magsalita si Dean Simon sa gilid. He’s sitting againt my window near my desktop while still holding his goddamn comic book! “Walangya ka, diba sinabi kong itigil mo na ‘yan?!” Singhal ko dito. “Ang alin?” “Stop getting inside my room without my permission! Tsaka kabute ka ba?” Kunot-noo kong saad nito na ikinakibit-balikat lang niya. He fixed his glasses and closed his book before casually walking passed me once again. “Don’t be a criminal. I don’t want to put handcuffs on your hands all by myself.” “Being a frat member doesn’t mean I’m going to be a criminal.” Hindi na ito nagsalita pa at basta na lang umalis sa silid ko. Nang tuluyan nang sumara ang pinto ng aking kwarto ay kaagad akong may naibulong sa hangin. “Tsk! Detective wanna be.” Mabilis kong binuksan ang aking telepono at ngayon ko lang nakita kung gaano karaming text messages ang natanggap ko mula sa kaibigan ko. Isa-isa ko itong binasa pero pagod na ako para replyan ito kaya mas pinili ko na lang ang matulog, ngunit binulubog ako ng isang phonecall kaya inis ko itong tinignan bago sinagot. "Unice, if it's not about your brother, stop calling me when I'm about to slee--" [Dorothy...] Natigilan ako nang marinig ko itong humihikbi. Unice is one of my best friends besides my cousins, Gabriella Cail and Xyra Christine. Si Gab ang pinsan ko sa father-side, habang si Xyra naman ang pinsan ko sa mother-side. My relatives are very close. Ang ina kong si Selena Dela Peña at ang isa niyang kakambal na babae na siyang ina ni Xyra ay parehong nakapangasawa ng Gutierrez. While Gab's father is my my father's older brother. Masyado bang nakakalito? Basta yun na yun. Just to make things short, pareho ko silang pinsan. And then Unice... Well, her family is already considered as our family's friend. At ang kuya niya na siyang kakambal nito ay ang nag-iisang lalakeng napupusuan ko. Yes, you read it right. Ulysses Nate Festin is my best friend's Unice's twin brother. And god, I love him! "Nes, may nangyari ba? B-Bakit ka umiiyak?" Mabilis akong napabalikwas sa aking kama atsaka awtomatikong napa-upo sa paanan nito. Hindi ko na rin maiwasang kabahan dahil baka ako ang dahilan kung bakit ito umiiyak. Hindi ko pa nasabi sa kanya na papasok ako sa frat ng kakambal niya. U-Ulysses might know this time that I already joined his fraternity at bigla niyang kinausap ang kapatid niya kung bakit 'yon nangyari. Baka pinagalitan ito o-- [Doti... s-si Real.] Ganon na lang ang pagkadismaya ko nang mabanggit niya ang pangalan ng kutong-lupang 'yon. Napairap ako sa aking kinauupuan atsaka napabuntong hininga bago magsalita. "Oh, ano namang meron sa lalakeng 'yon at iniiyakan mo na naman?" Pabalang kong wika at hindi maiwasang mainis. Realious Cash Dela Franca, o mas kilala sa tawag na 'Real'. Kung si Ulysses na kakambal ni Unice ang lalakeng napupusoan ko, si Real naman ang napupusuan ni Unice. Hindi ko alam kung bakit nagkagusto siya sa lalakeng basagulero, antipatiko, rebelde, at higit sa palaging hinahabol nang away! Sa tuwing magkikita kami non sa skwelahan, wala sigurong araw na hindi ko 'yon nakita na walang band-aid sa mukha! Nakakinis! Sobra! Hindi ko alma kung bakit siya pa ang naging kaibigan ni Ulysses. Ay nako, sobrang layo talaga nila sa isa't-isa. Sobra. Wala sa kalingkinitan ni Ulysses si Real sa halos lahat ng bagay. At isa pa... Siya ang dahilan kung bakit ako napasok sa frat nila dahil hinamon niya ako. Oo, ganon na nga. Kaya bwisit na bwisit ako sa kutong-lupang 'yon dahil palagi niya akong hinahamon. Tsaka hindi ako umaatras. Isa akong Gutierrez, kahihiyan para sa akin ang umatras sa kahit na anong hamon. [Doti... si Real kasi... kasi si Real--] "Ano ba? Alam mong rinding-rindi ako sa pangalan na 'yan kaya wag mo nang ulit-ulitin pa." Narinig ko itong napasinghot ulit sa kabilang linya. [N-Narinig ko kasi si Ulysses na may kausap sa cellphone niya.] "May kausap siya? Sino? Babae ba?" [Hindi. Hindi naman 'yon nagsesave ng number ng mga babae eh.] Aray ha? Ibig bang sabihin niyan ay pati yung number ko na ibinigay ko sa kanya noong student council's assembly namin ay hindi nito sinave sa contacts? Walangya, kaya pala wala man lang akong natanggap kahit isang text message mula sa kanya. [So ayun na nga... narinig ko na aalis daw si Real. Doti ang sakit, sobrang sakit, bakit siya aalis? Kung kelan malapit na graduation natin.] At humagulhol kaagad ito ng iyak. Plano kasi ni Unice na magtatapat na raw siya kay Real sa graduation namin kaya iniiyakan na naman niya ito ngayon. "Tss, hayaan mo na. Marami namang mas better diyan kesa sa kutong-lupang iyo--" [Pero wala nang katulad niya, Doti! Wala na! Siya ang gusto kohuhu.] Walangya talaga, oo. "Eh wala na tayong magagawa diyan. Hayaan mo na lang kung gusto talagang umalis nong tao." Walang gana kong sambit. Umalis na siya kung umalis. Yan pa? Edi mapayapa na ang buhay ko ulit. Magkokolehiyo ako nang wala nang sagabal. Wala na akong kaagaw sa atensyon ni Ulysses dahil wala na ang lalakeng 'yon. Siyempre magkokolehiyo ako sa university na gusto ni Ulysses. Siyempre kukunin ko ang kursong gusto niya rin kunin. Siyempre mas lalo kaming mapapalapit sa isa't-isa kapag ganon. Tsaka kapag nangyari 'yon edi matutupad na ang pangarap ko na magkaron ng sobrang talino, ubod ng gwapo, at mabati na boyfri-- [Puntahan mo kaya si Real.] Muntikan ko nang malunok ang dila ko nang marinig kong magsalita si Unice sa kabilang linya. "Excuse me? Ayoko oy." [Hindi na ako makakalabas dito dahil bantay-sarado si dad. Sige na, Doti, sige na, sige na, sige na--] "AH.YO.KO." [Kahit ngayon la--] "Ipagawa mo na sa'kin ang lahat, huwag lang 'yan." Ako? Pupunta kay Real? Nang ganitong oras? Huwag na lang oy! Mas gusto ko pang bumagsak sa exam kesa ang puntahan ang lalakeng 'yon. [May story siya sa YG, nasa isang club siya. Puntahan mo siya don tapos pigilan mong umalis!] "Yuck! Ayoko!" [Ayaw mo?] "Oo, ayaw ko." [Ganon?] Napatingin ako sa screen ng aking phone nang biglang mag-iba ang tono ni Unice. [Naalala mo yung video kung saan nahuli kitang inaamoy ang tshirt ni Ulysses?] Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang banggitin niya 'yon. "A-Ano ang--" [Ipapakita ko 'to kaagad sa kanya kung hindi mo pupuntahan si Real!] Walangya 'to, traydor! [Please Dorothy, ngayon lang 'to. Bukas na aalis si Real, please pigilan mo siya para sa'kin. Ngayon lang ako hihingi ng pabor nang ganito. Please?] Madiin akong napapikit at hindi maiwasang ikalma ang aking sarili bago napatingin sa orasan dito sa aking gilid. Kahit kailan talaga 'tong si Unice, hinding-hindi rin nagpapatalo pagdating sa Real na 'yon. "Ngayon lang 'to ha, ngayon lang! Isang beses ko lang siyang kakausapin, kung aayaw ito aalis kaagad ako." [I-Isang beses lang? Gawin mo nang tatlo!] "Isa!" [Tatlo na lang--" "Isa nga la--" [Oh sige, dalawa. Dalawang beses. Deal! Last na 'yan.] Naikuyom ko ang aking kamao atsaka inis na napatayo bago kumuha nang jacket sa loob ng aking closet habang salubong ang aking dalawang kilay. "Dalawang beses at aalis na ako!" [Yes! Thank you! Thank you, Dorothy!] Kinuha ko ang susi ng aking scooter matapos kong ibaba ang tawag atsaka tuluyan nang umalis sa bahay. PINAGTITINGINAN ako mga taong nadadaanan ko dahil sa suot kong nakapambahay lang dito sa loob ng isang club. Nalaman ko mula kay Unice na pupunta din daw dito si Ulysses kaya kailangan kong magmadali. Isang despidida party daw ito at tanging mga kasamahan lang nila sa frat ang andito. Mga miyembrong matagal na nilang kasama, at siyempre, hindi ako kasali diyan dahil kanina lang ako natanggap. Nang makita ko ang isang pamilyar na hubog nang lalake, hindi ko maiwasang mapairap. Pabango pa lang nito, amoy na amoy ko na mula rito sa pwesto ko. "Bwisit talaga, oo." Bulong ko sa sarili ko habang inis na nakatitig sa likod nito. He's wearing all black from head to toe and two girls on every side of him. Nakita ko kung gaano ito kasaya na umiinom kasama ang mga kasamahan niya sa frat at sa dalawang babae kulang na lang ay pati mga binti ay ipulupot sa katawan niya. Jeez, Unice, you like this guy? Eh babaero 'to eh. "Bahala na," sabi ko sa sarili ko atsaka ito nilapitan kaagad bago kalabitin. Kaagad itong napalingon sa aking likuran at ganon din ang mga kasama niyang babae. I saw him looked at me in disbelief. "Look who's here," aniya bago ako tuluyang hinarap. Lasing na ba 'to? "Pwede ba tayo mag-usap?" I asked which made his head tilt to the side. "Sure, what is it?" Surprisingly, his voice sounds friendly when he's actually drunk. Ngayon ko lang alam 'to, pero hindi-- naiinis parin ako sa kanya. "Tungkol sa pag-alis mo," sabi ko na ikinaderetso nito ng tayo. "Okay. Let's talk somewhere else." At sa isang idlap lang ay nasa labas na kami ng club matapos niyang iwanan saglit ang mga kasama nito. "Congratulations. You actually succeed my challenge. Buti at nakapasok ka talaga sa frat namin, but then unfortunately, kung kailan ka nakapasok, don naman ako aalis," aniya atsaka ako ningisihan. Kapansin-pansin ang pamumula ng magkabila nitong pisngi dahil sa kalasingan. Kailangan ko nang sabihin sa kanya ang pakay ko rito nang makaalis na ako bago paman dumating si Ulysses. "Look, can you just-- just... I..." Hindi ko kaya! Ayoko! "What?" Real asked with a creased on his forehead, obviously he' puzzled. "Pwede bang huwag kang umalis?" There. I said it. Isa, isang beses na 'yon. Sinabi ko 'yon habang naka-iwas ng tingin sa kanya at nakakuyom ang aking dalawang kamao sa gilid. My eyebrows are furrowed as well. "What did you just say?" Aniya at tila sa isang idlap ay nahimasmasan ito bigla. "Dorothy, what did you just say?" Pag-uulit pa nito. "Bingi ka ba?" Inis kong sambit at sa pagkakataong ito ay nakatingin na ako sa kanya. "Ang sabi ko, huwag ka munang umalis!" Mas nilakas ko pa ang boses ko ngayon. Pangalawa. Pangalawang beses na 'yon. Hindi ako magsasalita. Desisyon na niya kung o-oo man siya o hi-hindi. "Ayaw mo 'kong umalis, bakit?" Ay nyeta, nagtanong pa talaga. Nang tignan ko ito deretso sa mata, ngayon ko lang ito nakitang ganito kung tumitig sa akin. "Dahil ayaw ni Unice na umalis ka." Deretsahan kong wika sa kanya dahilan upang matigilan ito. And then just like that, his eyes suddenly drifted away as if he's disappointed. "No. My decision is final, tell her I'm still leavin--"  "Can't you just stay?!" Inis kong sambit at hindi ko alam kung bakit sinabi ko ang mga salitang 'yon. Pangatlong beses. Pangatlong beses ko na itong sinabihan na huwag umalis. Natigilan si Real nong magbalak na sana itong pumasok sa loob ng club. Please stay, for Unice. I'm doing this for her, and if Real will still leave by tomorrow, iiyak na naman 'yon. "Gusto ka ni Unice, alam kong alam mo ang tungkol don dahil halata naman. Nakakainis lang dahil hinahayaan mo lang yung tao. Kung hindi mo gusto ang kaibigan ko, huwag mo na siyang paasahin!" Naiinis ako, sobra. Naiinis ako para sa kaibigan ko. Bakit ba naman kasi siya nagkagusto sa lalakeng 'to? "I know how much you love to play with girls, but I'm not letting you play with Unice's heart. Naiintindihan mo ba ako, Real? Hindi kita hahayaan, kaya please lang, kung aalis ka talaga bukas huwag mong--" Natigilan ako sa sobrang bilis ng pangyayari. Sa isang kurap lang ay isang malambot na bagay ang biglang dumapo sa aking labi. I can't believe he shut me up using his lips. It was as if time was snatched from me. "Unice that, Unice this, palagi na lang si Unice." Inis niyang bulong matapos niya akong halikan sa labi na ikinagulat ko. Hindi ko kayang kumurap, ni kahit paghakbang papalayo sa kanya ay hindi ko magawa. Bakit? Bakit niya ginawa 'yon? "Fine. I will put an end to this for the sake of her f*cking heart, but I'm still leaving." Dagdag pa niya bago ako tuluyang iniwan na tulala matapos ang ginawa niyang pagnanakaw ng halik sa akin. Throughout that evening until the sun rises, I was left dumbfounded with the fact that Real stole my first kiss. At oo, walang saysay ang pagpunta ko sa kanya nong gabing 'yon dahil tuluyan parin itong umalis papuntang Espanya. And then right there and then, I wished I won't ever see him again. Ever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD