Kanina pa niya malayang pinagmamasdan si Atasha habang naliligo ito sa ilog, hindi niya magawang alisin ang mga mata sa magandang view na nakikita niya kay Atasha. Nakaramdam pa siya ng inggit sa tubig na nagmumula sa waterfalls, bumabagsak sa magandang katawan nito. Patungo siya ng bakaan nang mamataan ang sasakyan ni Mr. Madrigal, alam niyang hindi si Karina ang gumagamit ng sasakyan na iyon, at nasa taniman naman si Mr. Madrigal sa mga oras na iyon, dahil katatapos lang nilang mag usap nito, patungkol kay Atasha. Ramdam niyang si Atasha ang gumamit ng sasakyan ni Mr. Madrigal kaya hinihinto niya ang sinasakyan at bumaba. Nagulat pa siya nang makita ang mala diyosang pag langgoy ni Atasha sa ilog. Hindi siya nag iwas ng mga mata nang mahuli siya si Atasha na nakatingin rito. Ang magand