bc

Hiram na Gabi [ SSPG ]

book_age18+
57
FOLLOW
1K
READ
billionaire
forbidden
family
HE
second chance
heir/heiress
sweet
bxg
serious
city
small town
like
intro-logo
Blurb

⚠️🔞R-18/SPG‼️BLURB. Paano ba mabubuhay ng masaya ang tulad ko na nakikihiram lang ng ligaya at sarap?Paano magiging buo ang aking kasiyahan kung tuwing sasapit lang ang dilim, maaari ko siyang hawakan, damhin at angkinin?Pag-angkin na parang ayaw ko ng matapos, dahil sa tindi ng pagkahumaling na aking nararamdaman.Matatapos kaya ang Hiram na mga Gabi, kung matutuklasan niya kung sino ba ako talaga sa kanyang buhay? Ako si Ellah Claire Navarro, hahamunin at patutunayan ko sa lahat na kaya kong ipaglaban ang pag-ibig at pagmamahal na aking biglang natagpuan na wala naman sa aking plano.

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOGUE PAANO kung ang mga bagay at tao na tinakasaan mo noon na nagbigay sa’yo ng matinding trauma ay magparadam? Paano kung kailangan mo muling bumalik sa lugar at pamilya mo para mapatunayan na mali sila sa ibinibintang na kasalanan sa’yo? Babalik ka ba kung ang sitwasyon mo ngayon ay malayong malayo na sa sitwasyon mo noon? Paano kung ang minsang pagkakamali mo ang maging dahilan ng aksidente, na paulit-ulit mong napapanaginipan? Paano kung ang inakala mong kasalanan na natakasan ay bubulaga pala sa’yo at mistulang sapin-sapin pang problema sa pagbabalik mo sa lugar na puno mapait na alala? MASAYA ang mga taon ng pamamalagi ko sa banyangang bansa. Pakiramdam ko isa na rin talaga ako sa mamamaya ng Singapore. Para sa akin noon pa man base lang sa mga nababasa ko ang Singapore ang the best country para sa akin. Ang lugar na halos lahat mamahalin. Ideally, dito ko talaga gustong magtrabaho at maging career woman. Natupad naman iyon ngayon, ngunit mas napaaga lang dahil sa hindi magandang naganap sa aking nakaraan. Nagsimula ako sa wala bago ko narating ang lahat ng mayroon ako ngayon. Hindi man proud ang pamilya ko sa akin ay masaya pa rin ako. Dahil ang mga taong nakasalamuha ko dito ay higit na pa sa naging tunay kong pamilya sa akin. “Ellah tara na!” Tawag at aya ni Emier sa akin. Sa isang firm kami nagta-trabaho. Junior Architect na ako at siya naman ang aking senior. Sa awa ng Diyos na sinabayan ng sipag at tiyaga nagawa kong iangat ang kaawa-awa kong buhay. May usapan kaming lahat ng work mate namin ngayon na iinom at magpapakalasing kaming lahat for a job well done. Game naman ako dahil bihira lang naman naming gawin iyon. Sa isang crowded bar kami bumunta. Dahil ang motto ng lahat “Mas siksikan mas masarap” Nasa sentro ang bar na ito kaya maraming mga tao kahit weekdays palang. Sa dulong bahagi kami ng bar pumuwesto. Agad din kaming nagsimula na uminon at mag kwentuhan. Nang magkaroon na ng tama ng alak ay wala na kaming hiya hiya na nagwala sa dance floor. Noon pa man marami ng lalaki ang nagnanais na lapitan ako. Kaso lang ako ang kusang lumalayo. Mali man pero lahat ng lalaki na gustong higit pa sa kaibigan ang makuha sa akin ay pinag-iisipan ko ng masama. Bakit? Kung sarili ko ngang Ama walang pangingilabot o takot ako kung saktan sila pa kaya. Naging salitan ang ginawa namin. Iinom, sasayaw o sasayaw tapos inom naman. Lumalim ang gabi at talaga nagpakalango kaming lahat. Sobrang wild na rin ni Emier dahil kahit na aminado ito na ako ang gusto ay nagawang makipag-make out sa iba’t ibang babae. Dala ng alak ay natawa na lang ako. Sobrang lasing ko na kaya ng may mag abot ng alak ay tinanggap ko agad. Unti-unting uminit ang aking pakiramdam. Para tuloy akong na paso ng may mga brasong pumulupot sa aking katawan. I know him. Sa kalaban naming firm ito nagtatrabaho. Ang sabi ng isip ko layuan ko siya pero walang lakas ang aking katawan. Nagawa akong ilabas ng lalaki ng bar ng walang kahirap-hirap. Dinala niya sa parking area at agad na isinakay sa kanyang kotse. Gusto kong pumiglas pero wala talaga akong makuhang lakas. “Matitikman na rin kita sa wakas Ellah Claire Navarro. Tiyak na hahangaan ako ng lahat kapag naikama na kita.” Sa nanlalabong paningin ay klaro kong narinig ang sinabi ng lalaki. Umusad ang kotse, may naaninag akong mga karatula, base sa nakikita ko ilalabas n’ya ako ng Singapore. Doon para akong nagising sa isang bangungot. Inipon ko ang aking lakas para makabangon, hindi naman ‘yun na pansin ng lalaki. Nang masigurado ko na kaya ko na ay agad akong nakipag-agawan ng manibela. “Putang ina Ellah! Mababangga tayo.” Sigaw ng lalaki sa akin habang panay ang pag-ilag sa mga paghampas ko sa kanya. “Mas mabuting mamatay na lang ako kaysa mababoy mo. Hayop ka! Hindi ako makakarating sa narating ko kung basta ako magpapadaig sa tulad mong baboy ka!” Sigaw ko sa kanya, nag-agawan kami ng manibela at nasa isang part na kami na mataas na lugar gumewang ang kotse at sumalpok sa kung ano. Dahil hindi ako naka-seatbelt ay tumilapon ako sa kalsada habang bumubulusok naman ang kotse na sinasakayan namin kasama ang isa pang magarang sasakyan. Nanghihina at sugatan pero natatakot din ako sa pwedeng mangyari sa akin kung masasangkot ako sa krimen. “A-ayoko! Ayokong bumalik sa pagiging talunan at mahina.” hirap na sabi ko bago ako gumapang papunta sa dalisdis saktong pagdungaw ko sa bangin ay siyang pagsabog naman ng mga sasakyan. “No!!!! No…..” “Ellah.. Ellah wake up! Binabangungot ka.” Nang idilat ko ang aking mga mata nag-aalalang si Emier ang aking nakita. “E-emier—!” “‘Yun ba ulit?” masuyong tanong ni Emier sa akin. Ang tinatanong n’ya ay naging pagkawala ko ng dalawa araw pa-apat na buwan na ang makaraan. Tumango ako sa kanya kaya niyakap n’ya ako. Walang alam si Emier sa totoong nangyari. Gumawa ako ng ibang dahilan bakit ako nawala. Wala ring na balita na aksidente ng gabi iyon na tampok ang banggaan na kinasangkutan ko. Tanging isang aksidente na hindi sinadya ang lumabas, at nakilala ko ang plaka ng sasakyan na binalita. Alam ko na siya iyon. Nakatakas man ako sa bata pero ang bangungot na dulot ng trahedya gabi-gabi akong dinadalaw. “Tahan na! Hindi naman totoo ‘yun dahil bangungot nga lang. Sobra ka lang siguro sa pagod at trabaho.” Bulong ni Emier sa akin sa paraan na inaali niya ako. Ito ang tanging tao na kayang unawain ang lahat sa akin. Paano na ako kung mawawala ang lalaking ito sa buhay ko? Nasa gano'n kaming estado ng humahangos na pumasok si Nesh dala ang kanyang phone at waring may pinapanood. “E-ellah, you need to see this!” May mamadali at pag-aalala na sabi ng babae. Kumalas ng yakap sa akin si Emier at sabay kaming bumaling ng tingin sa balita. “E-eunice.” Tulalang usal ko ng makita ang aking nag-iisang kapatid na babae. “A-ang creepy ‘diba? Kamukha mo siya.” Utal na sabi ni Nesh na agad ding umalis at pinakita sa iba ang balita. “E-emier t-tulungan mo akong alamin ang totoong nangyari kay Eunice.” Pakiusap ko sa lalaki na agad namang hinawakan ang aking kamay. “I'll do my best and everything I can, just to help you. Relax, dito ka lang kakausapin ko lang sila dahil tiyak na magtataka ang mga ‘yan.” Tugon naman ng lalaki sa akin, ako naman ay tango lang ang nagawa. Nang mawala si Emier sa aking paningin isa isang naglaglagan ang aking mga luha. Sa pagpikit ng aking mga mata alaala namin ng kabataan ni Eunice ang aking nakita. “P-patawad wala d’yan si Ate para saluhin ka. E-euniceeeee!” Mahinang usal ko sabay hagulgol. Tatlong araw ang lumipas at sa wakas decided na akong umuwi. Ako lang dahil hindi pa ako masasamahan ni Emier dahil ang ibang work ko ay siya ang sasalo.a “Mag-iingat ka doon. I just want to remind you na hindi na ikaw ang Ellah noon. Susunod ako once matapos ko ang lahat. I know you Ellah maaaring magtagal ka doon but please tapangan mo.” Ani ng lalaki sa akin. Humalik ako sa kanyang pisngi bago magsimula ng lumakad papasok ng airport.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Mate and Brother's Betrayal

read
691.3K
bc

The Pack's Doctor

read
468.3K
bc

The Triplets' Fighter Luna

read
282.8K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
466.3K
bc

Her Triplet Alphas

read
8.5M
bc

La traición de mi compañero destinado y mi hermano

read
229.0K
bc

Ex-Fiancé's Regret Upon Discovering I'm a Billionaire

read
201.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook