Habang nasa yate at naglalayag pauwi ay napansin ni Proserpina na walang kibo si Hades at nakatitig lang ito sa kawalan. Nakatayo ito sa gilid ng barandilya at nakatingin sa walang katapusang mga ulap sa kalangitan, pero natitiyak niyang ni hindi nito nakikita ang mga ulap at nasa malayo ang isipan nito. At kung bibilangin niya ay nasa sampu na siguro ang ginawa nitong paghugot ng malalim na paghinga at pagpulso ng panga nito. Napatingin siya sa kamay ni Hades at umawang ang mga labi niya nang makita ang sariwang sugat sa palad nito. Alam niyang ni hindi nito iyon nilapatan ng paunang lunas. Tahimik niyang kinuha ang first aid kit at nilapitan ang lalaki. Maingat ang mga kilos niya at marahang idinantay ang kamay sa braso nito upang ipabatid ang kanyang presensya. Napalingon ito sa kanya