Hindi mapakali si Proserpina habang isa-isang tinitignan ang mga dokumentong nakaimbak sa loob ng filing cabinet gayung alam niyang kahit nakaupo sa likod ng office table nito si Helios ay nakatutok pa rin sa kanya ang mga mata nito. Nasa home office sila ni Mr. Credenza at inutusan siya nitong hanapin ang mga memo ng kompanya na inilabas nang nakaraang taon. “Your shoulders are stiff, Pina.” Pina! Si Hades lang ang tumatawag sa kanya ng ganoon. At ang boses nito... kasingtimbre rin ng boses ni Hades. Gusto niyang sapuhin ang ulo. Si Hades na naman ang laman ng utak niya. Kaya siguro nakikita niya si Hades kay Mr. Credenza dahil palagi niya itong iniisip. Dapat ay kalimutan na niya ito. Sapat na kabayaran naman na siguro sa limang milyon ang ilang ulit niyang pagsuko sa katawan niya rit