“Bantayan mo nang maigi si Proserpina.” Iyon ang mahigpit na bilin ng Mafia Boss sa Underboss bago sila nito pahintulutang umibis ng sasakyan. Ang seryosong kislap sa mga mata ni Hades at ang pagtiim ng mga titig nito kasabay ng paggalaw ng linya ng panga nito ay nagsasabing hindi maaaring baliin ang bilin nito at kailangang maayos na magampanan ni Lukas ang obligasyon nito sa kanya bilang tagabantay. Ngumisi si Lukas nang malapad. “Ako ang bahala, Boss. Walang puwedeng kumalabit kahit sa dulo lang ng daliri nitong kuting. Ang magtatangka ay babalian ko ng daliri sa kamay.” Tinanguan ni Hades si Lukas, bago lumipat sa kanya ang mga titig nito. “Pina,” sambit nito sa pangalan niya. Alam na niya agad kung ano ang gusto at hinihintay nitong gawin niya. Puwede niyang kalimutan ang lahat, h