CHAPTER 25

1892 Words

Puno ng pagmamadali na ibinutones ni Proserpina ang damit ni Helios Credenza. Naguguluhan pa siya at sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon niya pagkatapos ng kanyang natuklasan. Kokomprontahin ba niya ito o aaktong walang alam? Ang dami niyang naiisip agad. Paano ang trabaho niya? Paano pa siya aakto nang normal sa harapan ng kanyang Boss gayung alam na niya kung sino talaga ito. Isa pa, nakakaasiwang isipin na ang Boss niya ay ang parehong lalaking ilang ulit nang umangkin sa kanyang katawan. Bakit kaya inilihim nito sa kanya ang tunay nitong katauhan? Umungol ulit si Helios at kulang na lamang ay mapatalon siya. Tinitigan niya ito nang maigi. Tama naman pala ang kutob niya. Nakakapagtaka naman kasing ang daming pagkakatulad ng dalawa. Tapos ay naalala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD