Puno ng tensyon ang apat na sulok ng malaking opisina ni Hades sa Imperio. Bawat lagatok ng kanyang mga daliri sa lamesa ay umaalingawngaw sa kabuuan ng silid. Ang Underboss at Consigliere ay nakatayo sa kanan niya at may lima pang miyembro ang naroroon din sa loob. Lahat ng mga ito ay tuwid na tuwid ang likod at nakapinid ang mga labi. Halos pigilin ng mga ito pati ang paghinga sa pangambang baka sumabog ang galit niya. Madilim na madilim ang mukha niya at matalim ang pagkakatitig niya sa kawalan. “Why was she with her ex-boyfriend?” The tone of his voice was enough to intimidate everyone around him. His voice was gruff, and his every word seemed like a source of trigger that could cause the bomb to explode. Katahimikan. Kinuha niya ang dart na nakapatong sa gilid ng kanyang lamesa at