Kinabukasan ay maaga akong lumipat sa k’warto ko at agad na naligo para makapagbihis na rin at makapaghanda sa pagpasok dahil sinabihan ako ni Ume na dadaanan niya ako rito sa bahay para sabay na kaming pumasok sa eskwelahan. “Sandra, nandito na si Ume, hija.” Napatingin ako sa may pinto nang sumilip mula ro’n si Nanay Belen na may ngiti sa mga labi. “Ah, okay po, Nanay Belen. Pakisabi po sandali lang,” sabi ko rito. Inilagay ko na ang lahat ng mga gamit ko sa bag na dadalhin ko saka nagmamadaling bumaba sa sala kung saan naabutan ko si Ume na masayang nakikipagk’wentuhan kay Kuya Mario na nagkakape at may d'yaryo na hawak. “Yes, Kuya. Napapansin din ng iba naming mga professor na nag-i-improve si Sandra,” rinig ko sabing ni Ume kaya agad ko silang nilapitan dahil baka kung ano pa ang