KM2- YES

2224 Words
Nakatulala lang ako at malalim ang iniisip. Lumilipad na naman kasi ang isip ko kahit na may professor sa harap namin. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa naging usapan namin ni Kuya Mario kagabi sa k’warto ko. Muli kong naalala ang pangyayaring ‘yon kaya mas lalong lumalim ang aking pag-iisip. Flashback “H-ha?” gulat na tanong ko sa kaharap kong lalaki. “Ano’ng sabi mo, Kuya?” tanong ko pa dahil baka mamaya ay nagkamali lang ako ng pagkakarinig sa sinabi niya. Muli siyang naupo sa kama ko at pinagkatitian ako nang mabuti. “I will do everything, Sandra.” “B-but why?” naguguluhan ko pa ring tanong. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata na para bang pinipigilan niya ang kaniyang sarili sa kung saan mang bagay. “You want their attention, right? Gusto ko na maging pantay ang pagtingin nila sa akin, ayaw kong maramdaman mo na mas nakakalamang ako sa ‘yo, na mas mahal nila ako, na mas importante ako, I don’t want you to feel those things. Ayaw ko ring makaramdam ng pressure sa pag-aaral mo just to get their attention,” paliwanag nito. Iisipin ko na mabait siya, na talagang intensyon niya ang tulungan ako pero naguguluhan ako, bakit kailangan may kapalit? Kailangan ko ba siyang bayaran? Pero mas malaki naman ang alowance niya kaysa sa akin. Bukod din doon, wala na akong makitang ibang p’wedeng maging kapalit ng pagtulong niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto kong pumayag, gustong-gusto ko dahil matagal ko nang gustong mangyari ang lahat ng sinasabi niya pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Kinakabahan ako sa p’wedeng hingiing kapalit ni Kuya Mario sa akin. “Ano naman ang kapalit ng lahat ng ‘yan, Kuya Mario?” tanong ko. Naghihintay sa isasagot niya. Napalunok na lang ako nang makita kong mas lumalim pa ang pagtitig niya sa akin na para bang binabasa na niya ang buong pagkatao ko sa uri ng titig niya. He smiled at me. He showed his sexy smile to me! Oh my God. Bakit ako binigyan nang ganitong step-brother? Nagkakasala ako. “Simple lang naman.” Pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko saka muling tumingin sa mukha ko. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa kung ano man ang iniisip ni Kuya ngayon. “Be my lover,” aniya. Napatanga ako sa sinabi niya at hindi agad nakapag-react. Ano raw? Lover? Be his lover? Nagbibiro lang si Kuya, ‘di ba? Bahagya akong natawa. Makailang ulit akong napailing dahil imposible, imposibleng mangyari ang sinasabi niya. “You’re joking, right, Kuya?” tanong ko rito nagbabakasali na bawiin niya ang kaniyang sinabi pero nanatiling tikom ang kaniyang bibig habang matiim na nakatingin sa akin. “T-that’s— that’s impossible, Kuya.” “Then, let’s make it possible.” He caressed my face. Napaigtag ako sa ginawa niyang ‘yon. “I’m not stupid, Sandra. Hindi ako manhid para hindi maramdaman at mapansin na iba ang tingin mo sa akin, not a family, not a brother, you see me as a man,” malambing na wika nito habang hinihimas ang pisngi ko. “I saw my pictures sa drawer mo, also, nakita ko rin ang mga letters mo para sa akin.” Ngumiti siya na para bang natutuwa. Nag-init ang mukha ko at parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil wala akong alam na nakita at nabasa na niya pala ang mga ‘yon. Kung ano-ano ang nakasulat sa mga letters ko para sa kaniya. Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. “Kuya Mario…” “Alam kong matalino ka, Sandra, at naiintindihan mo ang gusto kong mangyari. Simple lang ‘yon, be my lover and everything will change.” Magbabago talaga ang lahat dahil kasalanan ang gusto niyang mangyari at kapag nalaman ng mga magulang namin ang tungkol sa bagay na ‘to, sigurado ako na itatakwil nila kami. Ayaw ko, hindi ko kaya, hindi ko kayang gawin kay Mama ang bagay na ‘to. Pati na rin kay Papa Robert, malaki ang utang na loob namin sa kaniya. Sa sobrang space out ko, huli na nang mapansin kong napakalapit na pala ng mukha ni Kuya Mario sa mukha ko at naramdaman ko na lang ang malambot niyang mga labi na dumampi sa mga labi ko. “Walang ibang makakaalam kung wala kang pagsasabihan…” bulong niya mismo sa mga labi ko. End of flashback Nahawakan ko na lang ang labi ko dahil pakiramdam ko ay nararamdaman ko pa rin doon ang mga labi niya. That was my first kiss. Hindi man lang pumasok sa isip ko kahit minsan na ang makakakuha ng unang halik ko ay ang step-brother ko. “Hey, Sandra girl!” Makailang ulit akong napapikit nang marinig ko ang boses ni Ume na tinatawag ako. When I look at her, she rolled her eyes. “My gosh, girl, kanina pa wala si Sir pero nakatulala ka pa rin sa board. Halatang wala kay Sir ang atensyon mo,” mataray na sabi nito sa akin. Napakamot naman ako sa ulo ko. Hindi ko namalayan ang pag-alis ng professor namin. Napabuntonghininga na lang ako, siguro ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako nakakakuha ng matataas na score, imbis kasi na makinig ako sa mga nagtuturo sa harap kung ano-ano ang iniisip ko at kung saan-saan nakakarating ang isip ko. “May iniisip lang ako,” sabi ko saka tumulis ang nguso ko. “Ayan ang test paper mo, pasado ka… sana kaso mali-mali ang formula na ginamit mo.” Tiningnan ko ang papel na hawak ni Ume na may pulang marka sa itaas na bahagi. Nanghihina ako nang makita ko ang score ko. Hindi matutuwa sina Mama kapag ipinakita ko sa kanila ang test paper ko na ‘to. Kahit naman ako ay hindi matutuwa sa score ko. Hindi kasi ako nakapag-focus sa pagsasagot kanina. Hindi ko na kasi alam kung anong mukha ang ihaharap ko kay Kuya Mario mamaya kapag nagkita kami. Wala naman akong ginawang masama sa kaniya para mahiya ako nang ganito sa kaniya pero kasi ‘yong ginawa niyang paghalik sa akin, parang naging dahilan na ‘yon para umiwas ako sa kaniya. Parehas kaya kami ng nararamdaman ni Kuya? Umiling ako. Hindi mangyayari ‘yon. Kapatid niya ako. Magkapatid kaming dalawa. Isa pa, kung nakikita man niya ako bilang ako, alam ko namang hindi tulad ko ang tipo niya sa mga babae. Gusto niya ‘yong matalino, masipag mga-aral, ‘yong maganda, sexy. Napabuntonghininga na lang ako. Napakaimposible. ‘Pero hinalikan ka niya kagabi.’ Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa sinabi ng isip ko. “Hindi, mali ‘yon!” sigaw ko. Nanigas ako sa kinauupuan ko at nang magmulat ako ng mga mata, nakita kong nakatingin sa akin ang mga ka-blockmate ko. “My God, Sandra. Tara na nga sa labas,” gigil na bulong ni Ume bago hawakan ang kamay ko at hilahin papunta sa labas para makalabas na kami ng campus. Nakasimangot ako habang naglalakad kami dahil sinesermonan ako ni Ume. “Ano ba ang nangyayari sa ‘yo, Sandra? Para kang sabog, kanina ka pa simula nang pumasok ka,” ani Ume. Tiningnan ko siya at muling nagbuntonghininga. “Parang napakalaki ng problema mo,” dagdag pa nito. “Paano kung malaki nga?” tanong ko. “E ‘di sabihin mo sa akin nang malaman ko at baka matulungan kita,” sarkastikong usal ng kasama ko. Hindi naman niya maiintindihan. Alam ko, sa paningin niya ay mali ang bagay na ginawa ni Kuya Mario na paghalik sa akin. “Sandra?” tawag sa akin ni Ume nang hindi na ako nagsalita. “Paano kung may mag-alok ng tulong sa ‘yo?” “What kind of help?” Nagkibit-balikat ako. “Like, tutulungan ka niya sa acads, sa lahat,” sagot ko. Napapitik siya. “Then I will accept it, sino ba naman ang hindi tatanggap nang gano’ng tulong, right? Imagine, tutulungan ka niyang makapasa.” Pinaningkitan ko nang mata si Ume. Pakiramdam ko kasi ay pinaparinggan niya ako. “E, pa’no naman kung may hinihinging kapalit ‘yong taong tutulong sa ‘yo?” Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Ume. Parang napakasimple lang ng tanong ko para sa kaniya. “E ‘di ibibigay ko! That was simple logic, Sandra. When someone helps you, kahit na hindi sila manghingi ng kapalit kailangan mong suklian ‘yon. Simple ‘thank you’ is fine but when this person asked you something then go, isipin mo na lang na para sa ikabubuti mo rin ang bagay na ‘yon.” May point si Ume. ‘Eto na ba ang sagot sa lahat ng katanungan na naglalaro sa isip ko? Pero paano kaya kung malaman ni Ume na si Kuya Mario ang tinutukoy kong taong tutulong sa akin at ang hinihingi nitong kapalit ay ang bagay na sinabi niya sa akin? Parehas lang din kaya ang sasabihin niya? Nang makalabas kami sa campus ay naghiwalay na kami ni Ume dahil magkaibang direksyon ang dadaanan namin pauwi. Pagkarating ko sa bahay ay huminto muna ako sa may pinto at sumilip-silip sa paligid kung nakauwi na rin ba si Kuya Mario, hindi ko kasi napansin ang sasakyan niya kung nasa garahe na ba. Nang makita kong walang tao sa sala ay agad na akong naglakad at dumiretso sa k’warto ko pagpasok ko ay agad kong sinara at ni-lock ang pinto. Sumandal ako sa likod ng pinto pumikit ako saka humugot nang malalim na hininga. Hindi ko pa alam ang isasagot ko alok sa akin ni Kuya Mario. May parte sa akin na gusto ko pero may parte rin sa akin na nagsasabing hindi p’wede, mali ang bagay na ‘yon. “Ano’ng gagawin ko nito?” bulong ko sa sarili ko. “Where?” Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang bigla na lang magsalita. Dinilat ko ang isang mata ko at nakita ko ang lalaki na nakahiga sa kama ko. Tulad ng gawain niya, wala siyang suot na damit pang-itaas pero napansin ko na suot niya pa rin ang pants niya na ginagamit niya kapag pumapasok sa eskwelahan. Ibig sabihin, kauuwi niya lang. “K-kuya, ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko rito. Idinilat niya ang kaniyang mga mata saka tumingin sa akin. Tumagilid din siya paharap sa direksyon ko. “I should be the one asking you that,” paos na wika nito. Mukhang naabala ko ang pagtulog niya. “Huh?” Saka ko palang naisipang tingnan ang paligid ko, ro'n ko palang napagtanto na maling silid pala talaga ang napasukan ko. “K-kuya...” Agad akong tumalikod at tinangkang buksan ang naka-lock na pinto ng k'warto ni Kuya Mario pero napaigtag na lang ako nang iharang niya ang magkabilang braso niya para i-corner ako. Naramdaman ko ang mainit na hubad na katawan niyang lumapag sa aking katawan. “May sagot ka na ba sa alok ko sa 'yo?” tanong nito sa likod ng tainga ko. “This is for your own good.” “Kuya Mario,what are you doing?” tanong ko. I closed my eyes and waited for his response. “Doing what?” “This? You’re smart, Kuya. We know that. Alam mong ang ginagawang mong ‘to ay labag sa—” “Like I’ve said last night, I want you to experience what I am experiencing from our parents right now, I want you to pass this school year, I want to help you, Sandra.” “Bakit naman ganito ang napili mong kapalit?” tanong kong muli sa kaniya. Natahimik siya nang ilang segundo bago makapagsalitang muli. “Because this is the only way I see to appreciate you, Sandra.” After hearing his words I turned around to face him. I saw the sincerity on his eyes while looking for me. I think, gusto niya talaga akong tulungan, gusto niya rin iparanas sa akin ang nararaasan niya ngayon sa mga magulang namin. Lumamlam ang mga mata ko, ipinakita ko sa kaniya na nag-aalala ako. He frowned. “What are you worried about?” “I’m just can't stop thinking na what if may makaalam? Kuya, they will sue us, lalo na si Papa Robert. Ayaw kong masira ang tiwala niya sa ‘yo,” nag-aalalang pahayag ko sa lalaking kausap ko ngayon. He caressed my face. Pinagdikit niya ang mga noo namin kaya hindi ko maiwasang mapapikit upang damhin ang mga oras na ‘yon. “Just don’t mind them. Let’s build a new story where you and I are the main character. No one will know kung wala kang pagsasabihan.” He lifted my face, facing his face. I opened my eyes to see his handsomeness. “Don’t you love me?” “Of course I love you so much, Kuya,” sabi ko. Ngumiti si Kuya Marion sa akin. “Kung gano’n, parang alam ko na ang sagot mo.” May maliit na ngiting kumawala sa aking mga labi nang marinig ko mula sa kaniya ’yon. I love him so much na halos hindi ko na siya matanggihan sa kahit anong hilingin niya. Kahit na alam kong mali pa. Tumango ako. “Yes, Kuya. I’m willingly to be your lover.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD