KM4 - BAGUIO

2316 Words
Nang makauwi ako, naabutan ko sina Mama at Papa na nasa sala at nagkuk’wentuhan. Ngumiti ako at agad silang nilapitan upang magmano. “Good evening, Ma, Papa Robert,” bati ko sa mga ‘to, Nangiting bumaling sa akin si Mama. “Nand’yan ka na pala.” “Kumain ka na ba ng meryenda mo, hija?” tanong sa akin ni Papa Robert. “Opo, dumaan po kami sa isang kainan kanina ni Ume bago po kami umuwi, dalawang araw po kasi kaming hindi magkikita dahil weekend na po,” paliwanag ko sa lalaki. Napatango naman ito. “You looked so happy, Sandra, may nangyari ba?” nangingiting tanong sa akin ni Mama na mas lalong nagpalawak sa ngiti sa aking labi. Itinaas ko ang hawak kong papel kung saan makikita ang mataas na score na nakuha ko kanina. “I got a highest score!” masayang pahayag ko sa kanila. Namilog ang bibig ni Mama at kinuha naman ni Papa Robert ang papel na hawak ko para tingnan ‘yon. “Wow, congrats, anak!” masayang bati ni Mama sa akin. Kitang-kita ng dalawang mata ko na masaya sila, na proud sila, pero hindi para kay Kuya Mario dahil para sa akin na. Ganito ba ‘yong pakiramdam? Ganito rin ba ang nararamdaman ni Kuya Mario sa tuwing nakikita niya ang mukha ng mga magulang namin na ganito? Parang ako na ‘ata ang pinakamasayang tao sa buong mundo dahil sa unang pagkakataon, I made my parents proud of me. “You did great, hija, I know na kaya mong gawin ang ginagawa ng Kuya Mario mo,” sabi ni Papa Robert. Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. Finally, he praised me. “I think you deserve a reward.” “No, no, Papa. Okay na po ako na makita kayong masaya at proud, I don’t need anything,” agad na pagtanggi ko dahil ‘yon naman ang totoo. Sumugal ako hindi para makuha ang mga bagay na gusto ko, kung ‘di para makitang maging masaya ang mga magulang ko nang dahil sa akin. “No, hija, you deserve a reward.” “Pero Papa…” “Let him, Sandra,” ani Mama habang nakangiti sa akin. Mababakas ang labis na kasiyahan sa kaniyang mukha habang nakatingin sa akin. “Aalis kasi kami ng Mama mo mamayang gabi para sa isang business trip sa London at kagabi kinausap ko si Mario dahil may lupa akong gustong bilhin sa Baguio.” Tahimik lang ako habang nakikinig at naghihintay sa mga sasabihin niya pa. “And I want you to go with him, deserve niyo ng pahingang dalawa dahil nakikita namin na ginagawa niyo ang lahat sa pag-aaral. You deserve a peace.” Awtomatikong umarko sa isang matamis na ngiti ang aking mga labi nang marinig ko ang sinabing ‘tong ni Papa. Kaming dalawa lang. Masosolo ko si Kuya Mario. Pupunta kami sa Baguio, my favorite place! “Thank you, Papa Robert.” Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya dahil sa labis na tuwang nararamdaman ko ngayon. “No worry, hija. Basta sa ikakasaya niyo ng Kuya mo,” aniya. Napangiti na lang ako. Parang sinasang-ayunan kami ni Kuya Mario ng tadhana. Kinagabihan, nag-impake na sina Mama para sa flight nila papunta sa London. Dalawang linggo lang naman silang mamawala kaya mabilis lang din silang makakabalik sa Pilipinas. “Mag-iingat po kayo sa flight niyo,” paalam ko sa mga ‘to. “Take care, Dad, Ma. Just call me if you need something,” sabi rin ni Kuya Mario na nasa tabi ko. Hindi na nagpahatid sa airport sina Mama dahil kailangan na rin naming mag-ayos ni Kuya Mario ng mga gamit na dadalhin namin para sa pagpunta namin sa Baguio bukas ng madaling araw. “I will, son. Mag-iingat din kayo sa byahe niyo bukas, tawagan mo ako kapag nakarating na kayo ro’n at nakausap niyo na ang may-ari ng lupa para makagpadala ako ng pera, okay?” Sabay kaming tumango ni Kuya Mario. “Noted, Dad.” “Mario, iiwan muna namin ulit sa ‘yo ‘tong si Sandra, alagaan mo ang kapatid mo at mag-enjoy rin kayo ro’n. ‘Wag niyo rin kalilimutan na magpahinga.” Lumapit si Mama sa akin at niyakap ako. “Mag-iingat ka ro’n, tawagan mo na lang ako kapag gusto mo akong makausap, ha?” “Opo, Ma. Mag-iingat din po kayo.” Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na sila at tuluyan nang umalis dahil baka ma-late sila sa flight nila kaya pumasok na kami ni Kuya Mario sa loob ng bahay. Habang naglalakad ay tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko alam kung paanong magsimula ng pag-uusapan. Klinaro ko na ang lalamunan ko para agawain ang atensyon ni Kuya. Tumingin siya sa akin pero muli niyang binalik sa daanan ang paningin niya kaya napasimangot na lang ako. “I heard na mataas ang nakuha mong score?” biglang tanong nito. Nagulat pa ako pero agad din naman akong nakabawi. “Ah, oo, salamat nang marami sa ‘yo, Kuya. Salamat sa mat’yagang pagtuturo sa akin,” natatawang sabi ko rito dahil nahihiya ako sa tuwing naaalala ko kung ilang beses niyang inulit-ulit ang lesson sa akin para maintindihan ko lang. “Hush, we have a deal, right?” Napanguso ako. “Kahit na one hundred times ko pang ulit-ulitin sa ‘yo ang lesson niyo ay walang problema sa akin.” “Pero hindi mo ba napapabayaan ang pag-aaral mo?” nag-aalalang tanong ko dahil baka mamaya ay napapabayaan na niya ang pag-aaral niya matulungan niya lang ako. “I won’t help you kung mapapabayaan ko ang pag-aaral ko, wala ka bang bilib sa akin?” tanong nito. “Yabang,” bulong ko. Narinig ko naman ang pagtawa niya dahil mukhang narinig niya ang sinabi ko. “I just want to say that you don’t have to worry about me because I can handle you and myself.” I’m so lucky, right? For having a man like him. I’m the luckiest girl in the world because I have him. “I will wake up you kapag aalis na tayo so better to prepare your things para hindi ka na mapagod mamaya, okay?” paalala nito sa akin nang nasa tapat na kami ng k’warto ko. “Roger.” Pabiro pa akong sumaludo rito. Napailing na lang siya bago niya ako halikan sa noo. “Go, take some rest, maaga pa tayo bukas.” “Good night, Kuya!” “Good night, Sandra. Have a nice dream.” Tulad nang sinabi sa akin ni Kuya, inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko papuntang Baguio. Dalawang araw lang naman kami ro’n kaya isang bag na lang ang dinala ko. Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit ay natulog na rin ako dahil mahaba ang byahe namin bukas. Mag-aalas-k’watro nang kumatok na si Kuya sa k’warto ko. Mabuti na lang at naligo na ako kagabi bago ako matulog kaya nagbihis na lang ako at agad nang bumaba sa sala kung saan ko naabutan si Kuya na may kausap sa phone. “Yes, Dad. Paalis palang kami… Yes, yes, I will… Of course, Dad…” Tumingin sa akin si Kuya. Tumango ito dahil mukhang may binibilin si Papa sa kaniya. “Okay, Dad… Okay-okay, ingat din kayo riyan.” Nang maibaba na ni Kuya ang tawag ay saka palang ako tuluyang lumapit sa kaniya. “You packed all of your things?” tanong niya sa akin. Nakangiti akong tumango sa kaniya. “Yep!” “Good, hintayin na lang natin si Nanay Belen. Nagpaluto ako ng pagkain sa kaniya para habang nasa byahe tayo ay makakain ka.” “Thank you, Kuya.” He smiled at me. “Si Papa ba ang kausap mo sa telepono kanina?” “Yes, he’s reminding me sa mga gagawin and also kalalapag lang ng eroplano nila sa London, they’re safe.” Hinintay lang naming matapos makapagluto si Nanay Belen at umalis na rin kami dahil maaga pala ang usapan nina Kuya Mario at ng may-ari ng lupang bibilhin ni Papa Robert. “Here, Kuya. Say ‘ahh’.” Inumang ko sa bibig ni Kuya ang hawak kong kutsara na may lamang pagkain. Nagmamaneho siya at nasa passenger seat naman ako. Samantalang ang mga gamit naman namin ay nasa back seat. Ibinuka ni Kuya ang kaniyang bibig at kinain ang isinusubo ko sa kaniya. Sasakyan na niya ang ginamit namin dahil may lisensya na rin naman siya ta makakaiwas din kami sa pagod kung may dala kaming sariling pagkain “Ilang oras ang byahe natin, Kuya?” tanong ko habang kumakain. “Less than five hours? Depende sa takbo natin,” sagot nito. Ngumanga siyang muli kaa sinubuan ko siya. Hindi siya makakain dahil nagmamaneho siya. “Kapag nakarating tayo ro’n p’wede muna tayong mamasyal bago puntahan si Mr. Camarines.” Kumislap ang mga mata ko dahil sa sinabing ‘yon ni Kuya. Maraming tourist spot sa Baguio at masarap puntahan ang mga ‘yon kapag papasikat palang ang araw. “Yay! Gusto kong pumunta sa strawberry farm, Kuya. I want to eat fresh strawberry!” masayang pahayag ko rito. May sumilay na ngiti sa kaniyang mga labi. “Yeah, me too. I want to eat fresh strawberries.” Saglit niya akong tiningnan bago muling ibalik sa daan ang atensyon pero ang ngiti sa kaniyang labi ay naro’n pa rin kaya hindi ko rin maiwasang mapangiti dahil mukhang masaya si Kuya ngayon. Medyo malayo pa ang byahe namin kaya nang matapos kaming kumain ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako nang makaramdam ako ng lamig kahit na may nakapatong nang kumot sa katawan ko. Napansin ko rin na maliwanag sa labas kaya napagtanto na nasa Baguio na kami at umaga na. Tumingin ako sa labas kung saan ko nakita si Kuya Mario na nakasandal sa sasakyan habang naninigarilyo. Wait, he smokes? I didn’t know that. Umayos ako nang pagkakaupo dahilan para gumalaw ang sasakyan ni Kuya at mapatingin siya sa akin. Agad niyang tinapon ang sigarilyong hinihithit niya at binuga ang usok na nasa baga niya. Binuksan ko ang pinto at bumaba mula sa sasakyan. Sinalubong ako ng malamig na klima ng Baguio kaya napayakap ako sa sarili ko. “Good morning, Sandra,” bati niya sa akin. “Come here.” Binukas niya ang kaniyang braso na parang tinatawag ako na yumakap sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at yumakap. “Good morning, Kuya,” bati ko rito habang nakayakap. “Kanina pa ba tayo rito?” “Nope, kararating lang natin, nagpahinga muna ako dahil medyo inaantok na rin ako. Hindi kasi ako nakatulog kagabi nang maayos dahil may tinapos akong mga papers,” paliwanag nito. Gumawa ako ng distansya sa pagitan naming dalawa para makita ko ang kaniyang mukha. No’n ko lang nakita na nangingitim nga ang ilalim ng mga mata niya na para bang hindi siya nakatulog kagabi. “I think mas maganda kung magpapahinga muna tayo para mamaya kapag pinuntahan natin si Mr. Camarines ay maayos ang hitsura mo,” sabi ko rito. Nangunot ang makinis niyang noo. “Huh? Pangit ba ako?” “I don’t say that pero mukha ka kasing monster dahil d’yan sa mata mo,” pang-aasar ko rito saka tumawa. “I’m not that handsome?” tanong pa nito na mas lalo ko pang ikinatawa. “No! You’re always handsome in my eyes, Kuya. You’re one and only handsome in my eyes, no one else but only you.” Humupa ang pagtawa ko, nakangiti na lang ako sa kaniy. Habang tinitingnan ang lalaking nasa harap ko, mas lalo kong nararamdaman na mahal na mahal ko siya. I know, simula no’ng makita at makilala ko siya, alam kong nakaramdam ako ng pagmamahal para sa kaniya hindi bilang bagong kapatid ko kung hindi bilang siya, bilang isang Mario Villamor. Napansin kong lumalapit ang mukha niya sa mukha ko kaya ipinikit ko ang mga mata ko habang hinihintay ang pagdampi ng labi niya sa mga labi ko. Ilang segundong magkadikit ang mga labi namin habang yakap ako ni Kuya sa baywang ko. Nang makahiwalay na siya sa akin ay iminulat kong muli ang mga mata ko. “Thank you for coming in my life, Kuya Mario,” sabi ko rito. “No, ako dapat ang nagsasabi niyan. Thank you for coming in my life, my life is dark as black before pero no’ng dumating ka, I feel like I need to work-hard, I need to be a better version of myself, and I think my hard work wasn't wasted because finally, I have you. You already mine, Sandra. You’re mine.” “Yes, Kuya. Promise me that you’re only mine too, no others girl allowed, okay? Ang dami pa namang umaaligid sa ‘yo lalo na sa school natin,” sabi ko na nagtatampo ang tono ng boses. Tumawa ang lalaki bago mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. “Hindi ako na-attract sa kahit na sino.” “Totoo?” paninigurado ko. “Yes, if I’m, dapat ay nag-uwi na ako ng babae sa bahay at ipinakilala kina Dad.” Oo nga, ‘no. Ngayon ko lang napansin na sa tanang buhay ko na nasa bahay nila, ni minsan ay hindi siya nag-uwi ng kahit na sinong babae sa bahay. Puro kaibigan niya lang ang dinadala niya sa bahay. Ibig bang sabihin non… “I’m your first love?” tanong ko rito. “Let’s check in, may nahanap akong hotel na malapit dito, doon na lang tayo mag-check in,” aniya. Hindi niya sinagot ang tanong ko sa kaniya. Medyo nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko pero iwinagsi ko na lang sa isip ko ‘yon dahil baka hindi lang narinig ni Kuya ang tanong ko sa kaniya. Sumakay na kami ulit sa saskyan niya at tinahak ang daan papunta sa hotel na sinasabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD