"Welcome home." Ang kadalasang nasasabi ng mga taong bumabalik sa kani-kanilang tahanan lalo na sa mga nangingibang-bansa. "Senyora, nandito na po tayo sa mansion," dinig niyang wika ng isang security. "Thank you, Drie. And please take our luggage inside," tugon niya. "Welcome home, Senyora. And don't worry with your luggage. We will bring inside," sagot nito. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng pintuan. Dahan-dahan siyang bumaba saka pumaikot sa kabilang banda ng sasakyan saka niya inalalayan ang anak na makababa. Kagaya niya ito ay iginala ang paningin. Maaring may nais sabihin ngunit hindi masabi-sabi dahil na rin sa templada ng mukha. Kaya naman ay yumuko siya upang makapantay dito. "Theo anak, ito ang tahanan natin. Simula ngayon ay dito na tayo maninirahan. At sana anak