"Go back now, my dear. Don't worry, in few hours from, you will be in the mansion again. I love you," ani Leonora sa kasintahan. It's a meters away from their mansion but no one dares to touch them.
"Go first, my dear. I'll watch you. I love you so much, my dear." Umiling-iling at pagtataboy ni Aries Dale.
Paminsan-minsan na nga lang niya itong ihinahatid. Dahil na rin sa kagustuhan nito. Kaya't hintayin na lamang niya itong makarating sa mansion. Kung siya nga lang ang masusunod ay kahit hindi na ito babalik sa mansion. Ngunit hindi puwedi kaya't magkasya na lamang siya sa pakikiamot sa oras nito.
"Okay, my dear. Take care of yourself when you go back. I love you." Muli ay tumingkayad si Leonora at hinagkan sa labi ang mahal na mahal niyang lalaki.
Hindi na rin niya ito hinintay na makasagot. Dahil alam niyang hindi siya makakaalis oras na gagawin niya iyon. Kaya't tumalikod na rin siya at hindi na lumingon pa. Sigurado naman siyang nakasunod ang paningin nito sa kaniya at mas hindi umaalis hanggat nasa imahe siya nito.
"I really love you, my dear. I know how painful it is but don't worry because I am contented even we are hiding," bulong niya.
Pinanindigan niyang hindi lumingon bagkus ay dumiretso siya hanggang nakapasok sa maliit na gate na dinaraanan niya sa tuwing gabi. At kagaya nang ginagawa niya sa tuwing dumarating siya ay naliligo muna siya bago dumadalaw sa asawa na para bang walang nangyari.
Samantalang halos hindi maihakbang ni Aries Dale ang mga paa pabalik sa bahay ng pinsan niya. Ilang linggo na silang ganoon ngunit parang naninibago pa rin siya gabi-gabi. Tuloy! Hindi niya namalayang nasa harapan na pala siya ng bahay. Kaya naman ay dali-dali siyang pumasok sa maliit na gate.
"Sa lagay na iyan ay nahihirapan ka na sa kaunting oras ninyo sa isa't isa, pinsan?" tinig ng pinsan niya kaya't agad siyang napatingin sa pinagmulan nang tinig.
"Gising ka pa, insan?" sa kawalan ng masabi ay iyon ang nanulas sa labi niya.
"Ay hindi, tulog na ako," ismid nito.
Tuloy ay napatawa siya. Di yata't may dalaw ang pinsan niya. Hinintay na nga siya nito ngunit masungit. Wala nga nga ang tiyuhin nilang kaedaran nilang kagaya niyang malakas ang tupak ngunit naroon naman ang pinsan niya.
"Okay, go ahead, cousin. What's the problem? Alam ko namang may sasabihin ka. Dahil hindi ka magkakaganyan kung wala." Inaya niya ito sa upuan. Aba'y nakasandig lamang ito sa dingding.
"Kung sa akin ay walang problema, insan. Kayo ng Boss natin ang may problema. Alam kong wala ng saysay ang pigilan ko kayong dalawa dahil siya na mismo ang nagsumiksik sa iyo. Instead, nais ko lamang ipaalala sa iyo na huwag ninyong kalimutang bilyonaryo ang asawa niya. Hindi lang dito sa Madrid kundi sa buong Europe. Pinsan, kakarampot na nga ang oras ninyong dalawa ay huwag n'yo namang hayaaang umabot kayo sa ganitong pagkakataon." Sumunod si Enrico sa pinsang nauna nang naupo sa ipinasadya nilang sementadong upuan sa labas ng bahay.
"Insan---"
Kaso hindi rin niya natapos ang pagsagot sana rito dahil muli itong nagpatuloy. Talagang dinalaw ng tupak at kaseryosohan ang pinsan niya. Mukhang walang babae kaya't siya ang napagbalingan. Ilang buwan na siya sa Madrid at ganoon na rin siya katagal sa pangangamuhan sa bilyonaryong amo nito. At higit sa lahat ay ilang linggo na rin ang nakaraan simula nang maging magkasintahan sila ng lady Boss nila. Hindi lamang iyon, nakarating na sila sa dako pa roon ng ilang beses. At Hindi lamang iisang beses siyang kinausap ng pupunta pinsan niya.
"Maaaring hindi mo pa ako makitang nagseryoso sa mga babae ngunit alam ko, pinsan. Sinusulit n'yo lang ang oras ngunit anong oras na? Hindi ba kayo nag-iisip na sa ganitong oras ay dapat namamahinga na siya? Hindi n'yo ba naisip na kahit bed ridden ang amo natin ay marami siyang connection? Sa gabi-gabi n'yong pagsasama, sa paghahatid mo sa kaniya few meters away from their mansion, sa pamamasyal ninyo. Pinsan, kahit magalit ka sa akin ngunit hindi ko pagsisisihan ang pagsabihan ka ngayon. Restrain yourself in sending her near their home. I know it's painful not to be with her but love yourself as well. Paano kung sa ginagawa mong iyan ay may makakita sa inyo? Hindi n'yo ba naisip na maaring nagmamasid lamang ang boss natin? Pinsan, ikaw ang abogado sa ating dalawa kaya't palawakin mo ang iyong isipan. Be reasonable." Pagtatapos ni Enrico sa pahayag. Hinarap niya ang pinsan at ipinatong ang palad sa balikat nito.
Tuloy!
Sa hinaba-haba nang paliwanag ng pinsan niya at pagtapik pa nito sa kaniyang balikat ay tuluyan na siyang hindi nakaimik. Ano pa ba ang sasabihin niya? Lahat nang binitawan nitong salita ay talagang tagos na tagos sa puso niya. Ngunit anong magagawa niya, samantalang langong-lango na silang dalawa ng kasintahan niya sa pag-iibigan nila. Ang kaisipang hindi niya solo ang pagmamahal nito ay namamatay-matay na ang puso niya. Sa tuwing nasa tuktok sila nang paglalaro ng apoy ay doon niya binabawi ang lahat. Ibinibigay niya ang lahat upang maipadama rito ang pagmamahal niya. Ganoon din ito sa kaniya, hindi siya manhid upang hindi maramdaman iyon. Kung ano ang gawain niya sa pagpapaliga rito ay ganoon din ito sa kaniya. Ganoon pa man kagaya nang pahayag ng pinsan niya ay kahit bali-baliktarin nila ang mundo ay mali pa rin. Hindi lamang iyon, tama rin ang pinsan niya. Kahit anong gawin nila ay nagiging reckless na rin sila.
"Hindi ko alam, pinsan. Sa tuwing magkasama na kami ay nakakalikutan ko na ang lahat. At tama ka rin na nagiging reckless na rin kaming dalawa. Ngunit kagaya nang sinabi ko ay hindi ko makontrol ang sarili ko, pinsan. Hirap na nga akong itago ang lahat kapa nasa mansion tayo. Ngunit alam mo bang nakokonsensiya rin ako lalo at napakabait ng Boss natin. Sa palagay ko ay sinasadya pa niyang paglapitin kaming dalawa. Kahit nagrereport tayo roon sa umaga bago nila ako ihatid sa kumpanya ay ganoon din. Si Senyor Eric mismo ang naggumagawa ng paraan upang maihatid ako ni Leonora sa sasakyan," nakatungo niyang tugon.
"Iyan na nga ang sinasabi ko, pinsan. Baka ginagawa niya iyan upang huliin kayo. Kinunsenti ko kayong dalawa dahil parehas kayong mahalaga sa akin. Ngunit ito na nga ba ang sinasabi ko. Masasaktan lamang kayo dahil hindi ninyo pag-aari ang ipinaglalaban ninyon pag-ibig. I'm not saying that you need to break her heart but you must be aware of what will be the outcome. Cheer it up, cousin." Muli ay tinapik-tapik ni Enrico ang balikat ng pinsan niyang nakatungo.
Hindi naman siya manhid upang hindi malaman kung ano ang relasyong mayroon nag lady boss niya at ang pinsan. Lampas pa sa magkasintahan ang nangyayari sa mga ito. Ngunit kahit siya ay aminado ring malaki ang napansin niyang ipinagbago ng amo niyang babae simula naging kasintahan ng pinsan niya. Ilang taon niya itong amo ngunit puro lungkot ang nakikita niya sa mga mga mata nito. Tumigil na rin ito sa pagtatravel ngunit ganoon pa rin ang lungkot. Ngunit sa ilang buwan ng pinsan niya sa Madrid at pagiging magkasintahan ng dalawa ay masasabi niyang kakaibang kislap ang nakikita niya sa mga mata nito. They are both in love.
"Thank you, cous. Tara na sa loob. Alam ko namang may pasok ka pa bukas. I mean tayong dalawa pala. Salamat sa pagpapaalala at huwag kang mag-alala dahil nakahanda akong harapin ang ibubunga nang ginagawa ko o ang pakikipagrelasyon sa amo natin." Tumayo na rin si Aries Dale.
Wala na siyang ibang masabi dahil bawat salitang binitawan ng pinsan niya ay totoo. Alam naman niyang para rin sa kaniya ang lahat. But he can't control himself in loving his dearest Leonara. In every time that they are together, he is forgetting that she is just temporarily with him. He is putting up to his mind that she's for him.
Hindi na rin sumagot si Enrico sa pinsan bagkus ay sinabayan niya ito sa pagpasok. Ang mahalaga sa kaniya ay nasabi niya ang nais niyang sabihin. Madaling kausapin ang pinsan niya kahit halos maubos ang pasensiya niya rito. Ngunit ganoon talaga eh, he was raised by his parents as family oriented man. Babaero siya aminado siya ngunit pagdating sa pamilya ay kahit sino sa pamilya nila ay makakarinig ng payo as he is doing to his cousin Aries Dale.
Baguio City, Philippines
"Ano po ang plano ninyo, Mommy, Daddy?" tanong ni Shainar Joy sa mga biyanan.
"Kung kami lang ng Daddy mo ang masusunod ay wala ng party. Aba'y matatanda na tayo para sa anniversary na iyan," ani Florida Bryana sa manugang.
"Ay hindi po iyan maaaring mangyari, Mommy. Noong mga bata pa po kami ay lagi n'yo kaming pinaghahanda at ngayong nasa tamang gulang na kami, may stable na trabaho, may mga anak. Kaya't huwag na po kayong umangal ni Daddy, Mommy." Umiiling-iling na pagsalungat ni Bryan Christoph sa ina.
"Oo na, anak. Pero alam mo ang batas kapag kami ng Mommy mo ang may party. Kailangang nandito ang lahat. Dahil kagaya mo namang may kagustuhan ang kapatid mo para sa party ay uuwi silang lahat sa susunod na linggo," wika na rin ng may edad na si Terrence.
"Ay si Daddy talaga oo. Alam mo naman po na kahit anong sabihin ko sa apo mong lagalag ay hindi iyon uuwi," nakangiwing saad ni BC saka kinamot ang ulo.
Aba'y paano siya hindi mapapakamot sa ulo samantalang iyon ang katotohanang hindi na nila mababago. Ang panganay nilang anak ayon sa pamangkin ng asawa niya ay may kasintahan na raw ito sa Madrid. Wala man itong sinabi sa katauhan ng kinahuhumalingan ng anak nila ay sigurado siyang nahanap na nito ang kagaya ng asawa niya. Ito rin naman kasi ang nagsabing mag-aasawa na kapag mahanap ang kasing bait asawa niya o ang ina nito.
"Ah, speaking of Aries Dale, Iho. Ano raw ba ang plano ng taong iyon? Wala namang problema kahit hindi magtrabaho, kaso mukhang nawili na talaga siya sa Madrid ah. Ano raw ba ang pinagkaabalahan niya roon?" patanong na wika ng Ginang.
Kaya naman ay Shainar Joy na ang sumagot. Lalo at napatingin sa kaniya ang asawa. Sa titig pa lamang nito ay alam niyang nagpapasaklolo na ito.
"Ayon po sa kaniya ay nakapasok siya bilang Company Manager sa isa ring company ng amo ni Enrico, Mommy. Ngunit ayon naman po kay Kuya Garrette na nagtungo roon noong isang linggo ay private lawyer din daw po siya. Ito raw ang ibinagay na trabaho ng Boss niya. Ah, dati pala na Boss iyon ni Kuya," pahayag niya.
Dahil totoo namang walang binanggit ang kaniyang panganay na anak kundi ang hindi pa ito uuwi. Ang tungkol sa mga trabaho ay wala. Masaya siya bilang ina nito lalo at naitrabaho pa rin ang iniwan sa bansa. Ngunit may binitawang salita ang Kuya niya na hindi mawala-wala sa isipan niya.
"Iha, natahimik ka na. Okay ka lang ba?" tinig ng biyanang babae. Ang tinig nito ang nagpabalik sa kamalayan niya.
"Opo, Mommy. Okay lang po ako," aniya.
"Anak, kahit sinasabi namin ng Mommy mo na batas ay dapat completo ang lahat kung talagang ayaw niyang umuwi ay wala tayong magagawa pa. Ang malamang nasa mabuti siyang kalagayan ay laking ginhawa na iyon. Don't think too much, Iha," sabi naman ng Ginoo.
"Tama naman sina Mommy at Daddy, Hon. Saka tama rin si bayaw Garrette. May bulbol na ang taong iyon kaya't may sarili na siyang isip. Alam na niya ang tama at mali." Nakatawa na ring inakbayan ni BC ang asawa.
Nais lang naman niyang pukawin ang agam-agam nito. Ama rin siya ng taong pinag-uusapan nila kaya't damang-dama niya ang nasa kalooban nito. Tama, sa bayaw niyang kaedaran ng anak niya ito nakatira. Bihirang magawi sa bahay nila ngunit atleast nasa bansa. Maaari nila itong makita at mapauwi anumang oras. Ngunit sa kasalukuyan ay nakakatulong nga ito sa ibang tao ngunit sila naman ang hindi nakikita.
Ganoon pa man ay nagpatuloy sila sa usapan. Magkakaroon sila ng party. At may live band din dahil na rin sa usapan nina BC at Whitney Pearl. Kasama din nitong uuwi ang mga anak. Lalong-lalo na ang busmo nitong anak. Ang nag-iisang babae sa kanilang mag-anak. Both side ay matatapang ang mga babae ngunit ito lang yata ang takot makihalubilo sa mga tao.
Kinabukasan...
"Good morning, Eric. Kumusta ang tulog mo sa magdamag?" masuyong tanong ni Leonora sa asawa saka yumukod at hinagkan ito sa noo. Nakasanayan na rin niya iyon sa tuwing
"Good morning too, my lady. Thank you for asking. Yes, thanks God that I am okay. How about you? Did you sleep well, my lady?" patanong saad ng Senyor.
"As you are, Eric. Thanks God that I woke up in healthy way. By the way, what you want for your breakfast?" Nais tuloy matawa ni Leonora dahil dinaig pa nilang mag-asawa ang nasa isang patimpalak. Nagpalitan sila ng tanong.
"Masaya ako na makita kang nakangiti, my lady. I can see a gloom in your eyes. About my breakfast, let the maid do it." Nakangiting inabot ng Senyor ang palad ng asawa.
"E-eric," nautal na sambit ni Leonara kaso pinaupo lang siya nito sa tabi ng higaan nito.
"Oh, huwag kang mautal, my lady. Masaya lamang ako dahil nakikita kitang masaya. Ang ngiti sa mga mata mo ay bihira kong makita. Please don't be offended, my lady," anito.
Asawa niya nito ngunit dahil guilty in crime siya ay hindi niya maiwasang kabahan. Totoo namang masaya siya dahil bukod sa natatawa siya sa hitsura nilang mag-asawa na animo'y nasa pageant ay masaya siyang nagising sa umagang iyon dahil sa maaga nilang harutan ng kasintahan niya. Ngunit nagiging transparent na yata siya.
"Hmmm, can I ask you something, Eric?" tanong niya nang humupa ang kabang dumadagundong sa kaniyang dibdib.
"Sure, my lady. Ano iyon?" ayon na naman silang mag-asawa sa palitan ng tanong!
"Hmmm, can I go to the charity event? May programa ang charity na nasa ilalim ng nasasakupan ng tinutulungan mo. Tumawag pala sila kahapon ngunit nakalimutan kong nabanggit. Kung okay lang sa iyo ay pupuntahan ko sana ang event and i would like to visit my Mom. It's been a while since I've been there," aniya.
As usual! Napangiti lamang ang Senyor. May tiwala naman siya rito. Wala siyang ipinagbabawal dito. Ninakaw niya ang kabataan nito kaya't gusto niyang ibalik iyon sa kahit anumang paraan.
"Of course, my lady. You can go. Ask the security to accompany you. Alam mo namang kilala ka nila roon at baka pagkaguluhan ka ng mga tao. And ask the grocery store to prepare a goods for you. Take it with you in the event." Nakangit siyang tumango-tango.
"Wow! Thank you, Eric. Thank you for your kindness. But would it be okay with the security to accompany me?" masayang-masaya itong napatingin sa kaniya.
"Sure, my lady. Don't worry because it's been a while since you goes out of the country. Go and prepare for your departure. If I'm not mistaken it will take time for you to be there," aniyang muli.
"Yes, it is. Pero mamaya na after our meal, Eric. I'll call the cook to prepare our breakfast as well as your medication." Tumayo na nga ito. Nagtungo sa kinaroroonan ng telepono at tinawagan ang taga-luto.
In Eric's mind, he will send her with the guard not because he don't trust her. But he wants to be alone with their lawyer. He want to talk to him in private. He mentioned about the grocery just buy more time. He trust his wife very well and that's the reason why he let her live freely.
ITUTULOY