She became speechless upon hearing those words!
Gusto niyang tumalon-talon dahil sa tuwa. Natupad na rin ang pinakaasam-asam niyang mangyari since she know the meaning of love. Mahal siya ng taong mahal niya. Isa lang din ang nasa isipan niya sa oras na iyon. Handa siyang sumugal para sa ngalan ng pag-ibig. Dahil kahit makasalanan siya sa ginagawa niya ay walang pagsidlang tuwa naman ang kapalit. Kasiyahang hindi niya nakamtam sa piling ng bilyonaryo niyang asawa. Kaso naglaglagan ang mga luha sa pisngi niya. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito.
"Oh what's on that tears, Leonora? I'm not forcing you to love me back---" maagap na sabi ni Aries nang napansin ang butil ng crystal sa pisngi nito. Subalit hindi na rin niya natapos ang pananalita. Dahil dinantay nito ang dalawang daliri sa kaniyang labi.
"Nothing to worry about my tears, my dear Aries Dale Harden. I'm just happy that my prayer was answered. Because since I know the meaning of love I prayed to Him that the person I love will love me back. He gave and answered my prayers. He sent you to love me back, Aries Dale. God will forgives me on this. Because I know it's forbidden and it was in the Holy Ten Commandments not to commit adultery. But the truth is I love you too, my dear Aries Dale." Umiiyak siya habang tumatawa.
Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang bumabalot sa mukha. Handa siyang maging makasalanan para sa taong mahal niya. Ilang taon siyang nakakulong sa isang kasal ngunit kailanman ay hindi siya naging masaya. Naging spoiled wife siya, namuhay sa karangyaan. Subalit ang kasiyahan niya sa oras na iyon ay hindi niya naranasan sa tanang buhay niya. She's in love indeed. Iba ang kasiyahang lumulukob sa kaibutuwiran ng kaniyang pagkatao sa araw na iyon.
Samantalang sa haba nang paliwanag nito ay isa lang ang tumatak sa isipan ni Aries Dale. She loves him too! Wala siyang sinayang na oras. Ang lahat nang alalahanin niya dahil sa biglaan nitong pag-iyak ay nawala ng tuluyan. Niyakap niya ito ng mahigpit!
"Oh, God gracious, Leonora. Thank you for this. I love you so much. I love you...I love you..." He hugged her so tight as he endless expressed his love to her. The one and only woman who captured his heart. His dearest Leonara.
"Thank you for loving me too, Aries Dale. Because I love you more since you stepped in to our home." Hindi na rin napigilan ni Leonora ang sarili na tumugon sa mahigpit na yakap ng pinakamamahal niyang lalaki.
Sa reaksyon nito ay mas hinigpitan ni Aries Dale ang yakap sa kasintahan niya. Para ba siyang takot na takot na iwanan siya nito. Pinalipas din nila ang init nang yakapan nila bago ininiwalay ni AD ang sarili. Ngunit hinawakan naman niya ito sa magkabilang pisngi.
He kissed her barely in the park!
In other words, they're kissing each other! Kung ilang minuto silang nasa ganoong sitwasyon ay hindi nila alam. Wala silang pakialam sa mundo. Leonora is the billionaire's wife but no one knows who is she in that park.
Sa kabilang banda, nang nakasigurado ang mga tauhan ni Senyor Eric na natupad ang kahilingan nito ay tahimik din silang bumalik sa mansion. Kagaya rin ng bilin nito ay agad nagtungo ang Chief of Security sa silid nito.
"How did it go, Martin?" salubong nitong tanong.
"As you expected, Senyor. They're having an affair. I even heard what Aries Dale said. He uttered without knowing that I am the one who pushed him to get closer to Senyora Leonara. He admitted that he is in love with her," pahayag nito.
"Very good job, Martin. Ang tangi nating magagawa ngayon ay bantayan silang dalawa upang mapanatili nila ang kasiyahan. Don't worry about me, Martin. And someday I'll ask you to bring him with me. I'll talk to him some other day. But for now I want to say thank you. And hopefully even when I'm gone, you will continue to serve them." Kay lawak nang ngiting nakabalatay sa mukha ng Senyor.
Kahit pa sabihing banaag na rin ang katandaan na mas pinatanda pa ng sakit. Wala kang ibang nakikita sa mukha nito kundi ang kabaitan at ang kasenserohan sa mga salitang binibitawan. Patunay lamang na hinahayaan ang asawa at ang lalaking kayakap nito. Ito pa mismo ang kumausap sa kanilang magkakatrabaho na bantayan ang dalawa. Huwag hayaang makalapit ang social media upang hindi makalabas ang tungkol sa relasyon ng dalawa.
"Please don't say that, Senyor. You wil live longer. About Senyora and that man, yes I will try my best. But please, Senyor. Don't say about death." Umiiling-iling ang COS.
"I know, I know that my life will not long last. Lumaban lamang ako sa sakit dahil hindi ko pa natatagpuan ang taong makapagbigay ng tunay na pagmamahal sa asawa ko. Ngunit ngayong masaya siya at sa wakas ay mayroon siyang tunay na minamahal ay puwedi na akong mamahinga. I know that Aries Dale will take care of her," muli ay pahayag ng Senyor.
Ngunit sa isipan ay kailangan na niyang kausapin ang private lawyer niya. Subalit dahil taga ibang bansa ito ay ipinasok niya sa kumpanya niya para lamang mapaglapit niya ang dalawa. Gustong-gusto niya ito para sa asawa niya. Dahil bukod sa nakikita niyang pagmamahal sa mata nito ay alam niyang hindi nito pababayaan ang asawa niya. Matutulungan pa nito sa pamamahala sa mga negosyo nila sa iba't ibang panig ng mundo. At kahit wala siguro siyang karamdaman at walang taning sa buhay ay hahayaan pa rin niya ito na makipagrelasyon dito.
Kinikilabutan man ang Chief Of Security sa mga sinasabi ng Boss niya ay pilit niyang iwinaksi. He is with him already for so long. Kaya't masasabi niyang kilala na niya ito. Alam niyang hindi ito nagbibiro sa mga naunang pahayag. Sa katunayan ay mas napapahanga siya nito. Handang ibigay ang kaligayahan sa asawa kahit pa sabihing ang kaligayahan na iyon ay manggagaling sa ibang lalaki na kayakap ng asawa nito.
Kinagabihan...
"Wow! Mukhang maglalasing tayo ngayon, Doctor Cameron?" agad na tanong ni Aries nang nakapasok siya.
Actually, maaga pa naman kung tutuusin. Ngunit dahil inabot sila ng siyam-siyam sa labas ng kasintahan niya ay late na siyang bumalik sa bahay ng pinsan niya. Halos ayaw nga nilang magkahiwalay kaso kumalat na ang dilim kaya't hinayaan na lamang niya itong umuwi. Ganoon din siya. Nang nawala na ito sa paningin niya ay humakbang na rin siya pauwi.
"Heh! Manahimik ka, pinsan. Alam kong doctor ako kaya't huwag mo nang sabihin. Saka hindi tayo maglalasing kundi magpapainit lamang tayo!" pasinghal nitong tugon.
"Parehas lamang iyon, Brod. Ano ba ang okasyon? Mag-aasawa ka na ba?" tanong niyang muli saka nagsalin na ng wine sa baso at inisahang lagok.
"Tsk! Tsk! Ang sabi ni Great Grandma Sheryl ay kayong dalawa muna ni Lewis ang mag-asawa. Aba'y nahulog na kayo sa kalendaryo ngunit wala pa rin kayong maiharap. Baka naman wala kayong mamanahin kay Grandma kapag hindi kayo makahanap ng mapangasawa ninyo." Nakatawa na ding nagsalin sa baso si Enrico.
Kaso totoo naman talaga ang sinabi nito. Walang okasyon at mas wala pa siyang nakikilalang magiging asawa niya. Ang totoo ay gusto lamang niya itong kausapin ng maayos.
"Alam kong may gusto kang sabihin, pinsan. Ngunit kailangan mong dumaan sa alak kaya't naghanda ka ng ganito. Speak up, insan," ani Aries Dale dahil napatahimik ito.
"Since that you know it, I'll go straight to the point, Insan. Ano ba talaga ang plano sa buhay? Hindi ko itatanong kung sino ang nagbibigay ng glow sa mata mo dahil alam ko namang ang lady Boss natin. Ngunit kagaya nang nasabi ko noong isang araw ay bumangga ka sa pader. Ano ba talaga ang naisipan mo at sa kaniya mo pa ibinaling ang paningin mo?" tanong nito.
Hindi sa wala siyang maisagot ngunit hindi siya agad nagsalita dahil muli siyang tumungga. Ah! Naghanda ang pinsan niya nang inumin kaya't kailangan nilang ubusin.
"Alam ko, insan. Alam kong kasalan ang pakikipagrelasyon ko sa kaniya. And yes, tama ang narinig mo. May relasyon na kami ni Leonara. Kaya kamo may glow ang mata ko. Tatak na nating magpipinsan ang babaero at hindi ko iyang ipinagkakaila. Ilang babae na rin ang dumaan sa buhay ko sa kabila nang pambabatok ng tiyuhin nating ayaw magpatawag ng Kuya. Ngunit wala SA kanila ang pumukaw sa damdamin ko. Ibang-iba ang ligaya na dulot ni Leonara. That lovely woman makes me long for her unlike those bitches who just wants pleasure from me. Thank you for your words, insan," pahayag niya.
"Huh! That fast, insan? Aba'y..."
"Hindi ko alam kung pilit mo lamang binabalewala ngunit umamin siyang nagkagusto na siya sa akin noong unang pagkakataon na isinama mo ako sa mansion. Alam kong nagsasabi siya ng totoo dahil bukod sa iyon ang nararamdaman ko ay umiyak siya dahil sa tuwa. Akala ko nga ay nagalit dahil lumapit ako sa paborito niyang tambayan ngunit sabi niya ay luha ng kaligayahan. Even she hugged me, cousin." Pamumutol niyang muli sa pananalita ng pinsan niya.
His eyes is telling that he is in love. He will not deny that. He is in love with his lady boss. God will forgive them but they are just human being who wants to be happy.
"Okay, okay. Wala na akong masasabi kundi good luck. Ngunit mag-ingat kayong dalawa ni Senyora. Dahil hindi lang Espanya ang kinaroroonan ng kabuhayan ni Senyor. As you can see, ipinahawak sa iyo ang isang sangay ng kumpanya. Nagtiwala siya sa iyo. At tanging hiling ko ay mag-ingat kayo dahil ayaw kong may mapahamak sa inyo," sukong pahayag ni Enrico.
Alam niyang kahit ano man ang sabihi niya sa oras na iyon ay wala ng saysay.
"Hindi mo ba idadagdag ang tungkol sa mga pinsan nating babae? Mga kapatid mo? Ah, kalimutan mo ang tungkol sa isali si Irish Janine dahil may Kingkong na iyon---"
"Tsk! Tsk! Ikaw, Kuya Aries Dale. Aba'y seryoso ang usapan kaya't huwag mong isama ang mga babae natin---"
"Sa ngayon ay ako naman ang mamumutol sa pananalita mo, Doctor Cameron. Well, ikaw na lang ang babaero ngayon sa ating dalawa. Dahil alam ko at sigurado akong mahal na mahal ko si Leonara. Masaya na ako sa oras na kaya niyang ibigay sa akin. Kaya't ikaw na lang ang babaero kasama ang Espanyol mong kaibigan at ang Dela Rosa na iyon." Nakatawang pinutol ni Aries Dale ang pinsan na namutol din sa pananalita niya.
"Susme, oo na. Ako na ang babaero. Idinamay pa ang mga kaibigan ko. Speaking, bakit himala yatang hindi sumama ang tiyuhin natin dito?" patanong na saad ni Enrico.
"Sa dalawang rason, pinsan. Gusto kong maiba ang paligid ko ay hinayaan niya akong pumarito na mag-isa at busy iyon sa nalalapit na eleksyon. Baka nasa probinsiya iyon ng mga ninuno natin kay Great Grandpa Roy. And if you don't know, he is running for congressman," sagot ni AD saka tinunggang muli ang laman ng baso niya.
Sa bawat pagtungga niya ng baso ay ang maamong mukha ng kasintahan niya ang nakikita. Animo'y nasa basong hawak-hawak niya ang mukha nito. Tuloy, para siyang nababaliw na pangiti-ngiti habang nagkukuwento. Her innocence and watery eyes as her rossy cheeks makes her more beautiful than usual.
"Tsk! Tsk! Nagkanobya ka lang ay para ka ng nasisiraan ng bait. Hala, ubusin na natin ang wine na iyan at sabi mo nga ay mambabae pa ako. Tsk! Alam ko namang sa baso pa lamang na iyan ay pinapantasya mo na ang lady Boss natin. Well, pantasya well dahil ako ay lalabas upang makapambabae," ani Enrico sa pinsang halatang nag-iimadyen.
Halatang walang silbi ang iniinum na wine. Wala naman siyang balak lasingin ito. Dahil ang plano niya ay payuhan lang sana kaso umamin na eh. Magkasintahan na sila ng Lady Boss nila. Kaya't wala na siyang magagawa kundi ang suportahan sila. At lalabas talaga siya dahil may lakad sila ng babae niya!
Few moments later...
"Hindi ko maipaliwanag ang sayang lumulukob sa kaibutuwiran ng puso ko sa oras na ito. Tama nga naman si Enrico, bumangga ako sa pader. Ngunit bakit ganoon? Impossible namang hindi nakakaramdam si Senyor Eric sa amin ng asawa niya? Oh, God, gracious! Sa lagkit nang pagtingin ko sa kaniya ay hindi pa ba siya naka---ngunit impossible rin namang wala siyang pakialam kung matitigan ko ang mahal ko?" Nasapo ni Aries Dale ang ulo habang nakaupo sa gilid ng higaan niya.
Tinutoo naman kasi ng pinsan niyang lumabas. Sa suot pa lamang nito ay halatang may ka-date. Well, wala na siya roon dahil kahit siya ay nakakaramdam ng init ng katawan sa tuwing nakikita niya ang mala-diyosang si Leonara.
Out of the blue!
"Pagmamahal ba iyan o libog ng katawan mo? Remember, LUST can be mistaken as LOVE. Baka naman iniisip mong mahal mo siya ngunit pinag-iinitan pala ng katawan mo?" tinig na hindi niya alam kung saan nagmula.
Tuloy!
Napatayo siya ng wala sa oras. Hinanap-hanap niya kung nasaan ang nagsalita. Kaso mas nainis lamang siya dahil napagtanto niyang ang sarili niya ang nagsalita.
"No, I'll never do that. Mahal ko siya at wala ng iba," bulong niyang muli saka bumalik sa pagkaupo.
"Oo, mahal mo siya. Ang tanong kaya mo bang pigilan ang init sa katawan mo? Wake up, Aries Dale Cameron Harden. Ikaw ang higit na nakakakilala sa sarili mo and I'm pretty sure that you are lusting her as well." Napatayo siyang muli dahil sa huling bahagi nang pangaral sa sarili.
Ngunit nais niyang matawa dahil natigilan nga siya sumabalit napakislot ang junior niya. Tama nga naman ang inner mind niya. He is lusting his girlfriend. Ngunit kaya niyang kontrolin ang sarili niya dahil ayaw niyang kamuhian siya nito. At idinadalangin niyang sana ay mapanindigan niyang huwag madala ito sa kama. Dahil alam at sigurado siyang kapag ito ang makasama niya sa kama ay hindi na niya ito mapakawalan. Sa maikling panahong pagiging amo-tauhan nilang dalawa bago naging magkasintahan ay sigurado siyang kulang ang salitang mahal na mahal upang ilarawan ang tunay niyang damdamin.
"See that reaction? Well, well,..."
Nakikita na niya ang sarili nakapamaywang sa kaniya. Kaya't ipinilig niya ang ulo. Kaso talagang ang kumalma niyang sarili dahil sa pag-inuman nilang magpinsan ay sumiklab at mas uminit. Tuloy ay napamura siya! Ang junior niya ay kumakaway talaga!
"Sh*t! Kailan pa ako nagiging mansyakis? Sa pag-iisip ko lamang sa kaniya ay nakakaramdam na! Ah...!"
Tuloy!
Kahit wala siyang balak maligo ang nagtungo pa rin siya ng banyo dahil hindi niya masupil ang init ng katawan niya. Kaya naman ay dali-dali siyang nagtungo sa banyo at naghubad. Walang itinira na kahit anumang saplot. Naging pervert na yata siya dahil sa kakaisip sa nobya niya. Ilang minuto rin niyang sinubukang na pawiin ang umiinit niyang katawan.
"No, I'll try not to dare on her. Mahal ko siya at masaya na akong mahal din niya ako. But... God! Her lips, her curves, her watery eyes, her...aahh! Sh*t! What's happening to me?! Pervert!" Napamurang kastigo niya sa sarili.
At bago pa siya mas mapamura dahil sa nangyayari ay tinapos na niya ang pagligo niya. Minadali na rin niya ang pagbibihis ng pantulog. Muli siyang bumaba sa kusina at kinuha ang inilagay nilang magpinsan na wine in can. Ayaw na niyang lumabas dahil ayaw niyang maging makasalanan sa kasintahan niya. Ang panpantasyahan niya ito na kayakap at nakakulong sa mga bisig niya ay sapat na. He will be contented in fantasizing her. Again, after drinking some wine in can, he lost his control and called her. But as they exchanged their love to each other, they slept well.
ITUTULOY