Pero hindi pa man siya ganoon kasama upang hindi ito bigyan ng importansiya. Tama na ang lagi siyang hinahayaang magtravel around the world. Tama lagi siyang nasa labas ng mansion nilang mag-asawa pero iisang lugar lang siya nagtatambay.
Sa Madrid Christmas Light City Tour. Doon siya nagtatambay at pinapanood ang mga batang nagkakasiyahan. Mga walang kamuwang-muwang sa mundo. Pakiramdam kasi niya ay para siyang ibon na nakakawala sa hawla kapag nandoon siya. Kung kalabisan mang siya lang ang tanging nag-iisa roon sa tuwing pumupunta siya ay wala na siyang magagawa. She's living in a lonely and deceiving world.
Napapalibutan ng mga taong nagmamahal lalo na ang asawa niya. She's showered of wealth as well pero lahat ng iyon ay balewala sa kaniya dahil pakiramdam niya ay nag-iisa siya sa mundo. The emptiness inside of her bring the pain. Ang kalungkutang hindi niya alam kung hanggang saan.
Hindi tuloy niya maiwasang itanong sa sarili kung kailan ba siya magiging masaya. Kung kailan siya magkakaroon ng mga sariling anak. There are lot of questions running to her head.
"Kailan kaya ako magkakaroon ng mga anak?" madalas nga niyang itanong sa sarili sa tuwing nakikita niya ang mga ito na masayang naghahabulan.
"Lo siento, señora, no quise golpearte. Solo estoy persiguiendo mi bola. Por favor perdoname. (Sorry Ma'am, I didn't mean to hit you. I'm just chasing my ball. Please forgive me)," tinig na pumukaw sa kaniyang napalalim na pag-iisip.
Hindi nga niya naramdamang natamaan siya ng bola kung hindi nito sinabi. Pero nasa paanan pala niya ito. As she always does, she smiled to the kid infront of her.
"No hay problema, bebé. No estoy molesto contigo. Aquí toma tu bola. (No problem baby. I'm not mad at you. Here take your ball)." Nakangiti niyang dinampot ang bola saka iniabot dito.
Isang batang lalaki ang nasa harapan niya, kung hindi siya nagkakamali ay pitong taong gulang ito.
"Thank you, Madam. Merry Christmas to you," sagot nito kaya naman napangiti siya.
Pero bago siya nakasagot ay may lumapit na Ginang na kung hindi siya nagkakamali ay kaedad lamang niya.
"I'm so sorry, Madam. I warned him already not to play too much to avoid hitting anyone but he didn't listen. Please forgive us, Madam." Nakatungo itong humingi ng paumanhin.
"It's okay, my friend. Nothing to worry because I even didn't notice that the ball is infront of me. Don't scold him, Madam. Just let him enjoy his childhood. By the way I'm Leonora, how about you?" sagot niya sabay ayos sa shawl niyang gamit saka inilahad ang palad. It'st's cold at all so they need to wear thick clothes to protect themselves from the cold weather.
"My name is Daisy Morales and he's my son Moran and we are living just in the other side." Inabot nito ang palad niya upang makipagkamay.
"I'm living in the riverside, Miss Daisy. By the way nice meeting you both. I'm going, take care and may you have a great season. Merry Christmas to both." Pamamaalam ni Leonora sa mga bagong kakilala.
Hindi na niya hinintay ang sagot ng mag-ina, masaya siyang nakakakita ng mga bata. Actually malapit ang kalooban niya sa mga ito.
"Sure you can, my lady. As I've told you, do whatever you want. I'll will support you, my lady," sabi nga ng asawa niya nang nagsabi siya na gusto niyang magpatayo ng charity foundation para sa mga batang walang magulang, mga inaabanduna, mga street children.
Naiinggit kasi siya sa mga kagaya niyang may asawa na may anak. May asawa nga siyang tao pero pakiramdam niya ay pasan niya ang mundo. Malungkot na nga ang mundo niya wala pa siyang anak.
"Dios te entrego mi vida. Sé que no soy nada sin ti, (God, I give you my life. I know that I am nothing without you)," bulong niya bago nagpatuloy sa paglalakad.
Her daily life is to have the walk from her home up to her favourite place to sit in. It takes time but she love it. No one dare to lay a finger on her. She knew that everyone knows her as the billionaire's wife. They are afraid of him.
Her life is very mysterious at all!
Sa kabilang banda, sa tahanan ng magpinsang Enrico at Aries Dale.
"Salgamos fuera querido primo. Estoy seguro de que lo disfrutarás, (Let's go out dear cousin. I'm sure you will enjoy it)," pukaw ni Enrico sa pinsang si Aries Dale.
"Maari bang magtagalog ka na lang, Enrico? Aba'y kahit nandito tayo sa Spain hindi mo naman siguro nakalimutan ang salita natin," masungit niyang sagot. Ngunit pinagtawan lamang niya ito.
"No, Aries. What's your purpose in coming here kung magmumukmok ka lang. Hindi ba't iyan ang rason mo? Ang mag-change environment. Come with me outside para mapasyalan mo ang Madrid." Tumatawa lumapit si Enrico sa pinsang nagaya sa BFF nitong kaedaran nila na masungit.
Actually, mas matanda sa kaniya ito ng anim na taon. Ngunit nagaya na yata ito sa tiyuhin nilang kaedaran din. Ayaw nitong magpatawag ng Kuya. Kaya't sa pangalan na lamang nila tinatawag.
"Enrico, kung may binabalak ka na namang kabablaghan maari bang huwag mo na akong idamay diyan? You will see ako mismo ang puputol sa sungay mo." Ismid ni Aries pero pinanindigan ng pinsan ang pagdistorbo sa kaniya, lumapit ito sa laptop niya saka pinatay.
"Get up, Kuya Aries. Let's go out para malibang ka. Look at yourself para kang mamang ermitanyo na nagmumokmok. Seriously, I'm going to meet my patient to his home. So come with me para makapasyal ka," sa wakas ay naging seryoso rin siya.
"Kung kanina mo pa sana sinabing may pupuntahan ka hindi ang puro mamamasyal ang bukambibig mo disin-sanay kanina pa ako gumayak. Wait me for a while and I'll change my clothes," kunot-noong sagot ni Aries.
Pero iyon ang pagkakamali niya dahil muling nanukso ang pinsan niya.
"Por supuesto que sé qué hacer hermano mayor. Siempre vienes aquí para tener vacaciones, pero todavía estás trabajando demasiado. Si quiere, lo referiré a la esposa de mi paciente para que sea su abogado privado, ( Of course I know what to do big brother. You always come here to have a vacation, but you are still working too hard. If you like, I will refer you to my patient's wife to be your private attorney)," anito.
Kaso naalala yatang Filipino citizen siya at pang Pilipinas ang lisensiya niya kaya't muling nagsalita.
"Mali pala ang nasabi ko, insan. Hindi pala puwedi dahil taga Pilipinas ka. Mabuti sana kung Spanish national ka. But don't worry about that. Ang sabi ni Senyor Eric ay maghanap ako ng mapagkakatiwalaang tao. And I know you are fit on it. Pero kayo na ang bahalang mag-usap," anito.
Sa narinig ay natigilan si Aries Dale. Tama naman kasi ang pinsan niya. Umalis siya sa Pilipinas para maiba naman ang buhay niya na kung tutuusin ay hindi na niya kailangan pa ang lumayo para magtrabaho dahil both side sa mga magulang ay may kaya. Pero kagaya lang ng ibang na nais makalanghap ng ibang atmosphere ay kung saan-saan siya napapadpad but at the end sa lugar ng ina ni Enrico siya nagtagal, sa Madrid Spain.
"Sira-ulo ka, Aries. Para kang hindi professional sa pinaggagawa mo," madalas ngang sabihin sa kaniya ng tiyuhing kaedad.
Sa hindi malamang dahilan kasi ay bigla siyang nanibago sa paligid kaya lagi siyang nasesermunan ng best of friend niyang si Lewis. Pero kagaya rin nito na kung ano ang gusto, nakukuha.
"Okay dile a tu jefe que estoy interesado en eso, (Okay, tell your Boss that I'm interested on that but remember. I can't work here as lawyer)," sagot niya rito sabay dampot sa mobile phone at pitaka.
"See? I told you Aries marunong ka ding magsalita ng Spanish. Ready?" Nagniningning ang mga mata nito na para bang in love!
Hindi na ito pinatulan ni Aries dahil alam niyang makulit ang doctor niyang pinsan. Halos nalibot na nilang magtiyuhin ang buong mundo kaya hindi na nakapagtataka kung marunong siyang magsalita ng Spanish word. Sumunod na lamang siya rito total ito naman ang driver.