Couple of days later... Hindi na muling bumalik si Leonora sa tahanan ng ama simula ng kinumpronta niya ito. Hahamigin niya munang muli ang sarili bago magpakitang muli. Hindi siya bato upang hindi magpatawad. Sila rin ang nagmulat sa kaniya sa paggalang sa kapwa at pagpapatawad. Kaya't idinadalangin niya na sana ay sa lalong madaling panahon na iyon. Dahil gusto niyang mamuhay ng walang dala-dalang bigat sa dibdib. Si Baby Theodora Aries? Masigla pa rin at sa paglipas ng mga araw ay mas nakikita ang mukha ni Aries dito. At sa pagkakaalala sa anak ay napatingin siya rito. Kaso mas naramdaman niya ang pangungulila sa ama nito. Dalawang araw pa ay tatlong taon na ang anak nila samantalang apat nasa tiyan pa lamang niya ito noong huli silang nagkita. "Hang on a little bit, Baby Theo. Some