"MA’AM, p’wede bang iba na lang ang pag-serve niyo sa VIP room one-zero-two," paalam kay Polla ng isa sa waitress ng bar nang nilapitan siya nito sa counter.
Nagtataka namang tinignan ni Polla ang tauhan ni Emerald dahil sa hiling nito sa kaniya. Kilala niya ang mga tauhan ni Emerald at lahat ng mga ito pagdating sa trabaho ay hindi nagrereklamo o humihiling na sa iba na ipagawa ang trabaho nila lalo pa sa pages-serve ng order kaya hindi niya maiwasang magtangka na humiling nang ganoon si Shelly.
"Bakit, Shelly? Mabigat ba order nila? Kung mabigat ay hindi talaga dapat sa babae ipadala iyon. Abala ba ang lahat ng mga lalaki kaya ikaw pinapag-serve niyon?” sunod-sunod na tanong ni Polla. “Sige. Iyong mga lalaki na lang ang padalhin ng mga order doon,” payag din niya hindi naglaon.
"Hindi, Ma'am. Ayaw din po ng customer na lalake ang mag-se-serve sa kanila, eh, kaso po kapag babae ang nag-se-serve ay binabastos naman po nila. Kanina lang po nang kinuha ko order nila ay hinawakan ako ng isa sa puwet pagkatapos 'yong isa ay gusto pa akong pakandungin sa kaniya kaya ayoko na pong bumalik doon kasi baka mas malala pa ang gawin nila sa akin.
“Katulad noong nakaraan na ginawa nila kay Monica na halos nahubaran na nila. Mabuti na lang nakapalag si Monica at mabilis na naka-alis," mangiyak-ngiyak na sumbong ni Shelly sa kanila.
Doon ay nagulat si Polla sa sinabi ng waitress at ngayon ay naintindihan na niya kung bakit ayaw nitong mag-serve sa kwartong tinutukoy nito.
"Aba mga bastos ang mga iyon, ah!” galit na sabi niya. “Bakit hindi nagsumbong si Monica kay Emerald para sana naaksiyunan kaagad?” tanong niya.
“Takot po kasi si Monica at baka kapag nagsumbong siya ay tambangan siya sa labas ng mga iyon at mas malala pa ang gawin nila,” tugon ni Shelly.
“Sige. Si Rommel na lang ang pahatid natin ng order,” tugon niya.
"Ma'am, baka po magalit ang mga 'yon. Anak pa naman ng Mayor dito ang isa sa customer at iyon ang pinakabastos sa kanila. Isa rin po iyon ang dahilan kaya hindi na nagsumbong si Monica kay Ma’am Emerald o magreklamo sa Pulis dahil may kapit po ang isa sa kanila sa mga bastos doon,” tugon naman ni Shelly.
"Eh, ano kung magalit? Hayaan mo sila! Ang mahalaga ay walang mabastos sa inyo na babae! Saka wala akong pakealam kung may kapit isa sa kanila!” inis na tugon niya.
"Baka po saktan nila si Rommel. Noong huli po kasi ay si Vito na ang pinaghatid na namin ng order at ang k’wento sa amin ni Vito ay sinapok daw siya ng mga iyon dahil siya na ang nagdala ng order nila,” anito.
"Mga gago naman talaga! Porket, mayayaman lang at anak ng Mayor ang kakapal na ng mukhang mangbastos at manakit ng waiter dito!" inis na bulalas niya.
"Siya. Ako na ang maghahatid ng order at magsasama ako ng bouncer,” desisyon niya. “Puntahan mo sina B1 at B2 at sila na ang isasama ko?” utos niya kay Shelly.
Tumango naman ang waitress at kaagad na tumalilis paalis para puntahan ang dalawang bouncer ng bar at nang maasikaso ang order sa VIP room one-zero-two ay siya na ang nagdala ng order ng mga ito.
Limang lalake at tatlong babae ang naabutan ni Polla sa loob ng VIP at mukhang kaedaran niya lang ang mga ito pero halatang mayayaman sa nakikita niyang mamahaling damit at suot na alahas ng mga ito.
"Matatanda na pero ugaling walang pinagkatandaan!" inis na sabi niya sa isip.
"Nice! Mukhang sexy ang nagdala ng order natin, ah. At sino ang mga kasama mo, miss? Mga bodyguard mo?" nakangising tanong ng isang lalaki sa grupo.
Mukhang iyon ang tinutukoy ni Shelly na pinakabastos sa lahat at ang anak ng Mayor dahil iyon ang unang nagsalita at parang lider-lideran sa grupo.
"Ito na po ang order niyo. Sana mag-enjoy kayo," aniya nang maayos ang order ng customer sa lamesa.
Naglakad na si Polla palayo sa mesa nang magulat siya dahil may pumisil sa puwet niya. Kaagad siyang lumingon at galit na hinarap ang gumawa niyon na walang iba kundi ang una ring lalake na nagsalita kanina.
"Bastos!" sigaw niya at malakas na sinampal ang nangbastos sa kaniya.
Kita ang gulat sa mga mukha ng mga naandoon. Halatang hindi napaghandaan ang ginawa niya at galit na tumayo ang lalaking sinampal niya saka lalapitan pa sana niya nang kaagag siyang protektahan ng dalawang bouncer at pinigil ang bastos na lalake.
"Sir, kung ayaw niyong ihagis namin kayo palabas dito ay 'wag kayong gagawa ng gulo at 'wag kayong nangbabastos!" sita ni B1 sa nangbastos sa kaniya.
"Hindi mo ba kilala ang sinampal mo, ha? Ako ang anak ng Mayor dito!" galit na sigaw ng lalaking nangbastos sa kaniya.
Tama nga ang hinuha niya dahil ang lalaking ngang iyon ang anak ng Mayor at ang lider ng mga taong nasa VIP room na ito na mahilig gumawa ng kalokohan at siga-sigaan.
"Eh, ano? Kahit anak ka pa ng Presidente ng buong mundo ay wala kang karapatang mangbastos!" ganti niyang tugon.
"Sino ka ba?” galit na tanong nito sa kaniya at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. “Isa ka lang din namang mababang-uri ng babae na waitress na pwedeng ikaama namin kahit pa sabay-sabay kami!" pang-iinsulto pa nito sa kaniya.
Mas lalo tuloy kumulo ang dugo niya sa bastos na lalaking iyon at nilapitan na niya ito saka muling sinampal ng malakas sa pisngi.
"Oh my God! Sinampal na naman niya si Dylan!" bulalas ng isang babae na kasama ng grupo ng anak ng Mayor.
"Dylan din ang pangalan? Hay! Lahat na lang ba ng Dylan, na makikilala ko 'yong pepestehin ako? At mukhang pareho silang gago ng asawa ko!” inis na sabi ng isip niya.
Matapang na tinitigan ni Polla ang anak ng Mayor nagngangalang Dylan at namumula na ang mukha sa galit. Hindi naman tinutulungan si Dylan ng mga ka-grupo niya marahil takot sa mga kasama niyang naglalakihan ang katawan na dalawang bouncer.
"Hindi porket waitress lang kami rito, o mas mababa pa doon ang tingin mo sa amin ay pangkama o pang-gangbang lang ng mga tropa mo! Maayos kaming naghahanap-buhay at desente kami kaya 'wag mo kaming binabastos!
“Ikaw ano na bang maipagmamalaki mo? Eh, anak ka lang naman ng Mayor! Hindi ikaw ang Mayor! Anak ka lang niya na mukhang wala pa rin naman maipagmamalaki aya 'wag mong ipagmayabang na anak ka ng Mayor dito!" gigil na pagpapamukha niya kay Dylan.
Mas nag-iinit ang dugo niya dahil kapangalan pa ng asawa niyang gago rin kagaya ng kaharap niya. Pangbawi lang ang kagwapuhan ng asawa sa ugali nito dahil ang kaharap niya ay hindi naman kagwapuhan. Maputi at makinis lang ang balat.
"Walang-hiya ka!" gigil na sigaw ni Dylan at susugurin na naman sana siya pero nabigo ito at ni hindi nagalaw kahit dulo ng daliri niya dahil sa mga bouncer na kasama niya. "Pasalamat ka at may kasama ka! Tandaan mo gagantihan kita!" galit na banta pa nito sa kaniya.
Pinipilit pa ring makalapit sa kaniya kaya lang hinila na ito ng bouncer at pahagis na pinaupo sa upuan.
"Kung hindi kayo magtitino ay sinisigurado namin sa inyong sa labas niyo iinumin 'tong mga order niyo!" galit ng banta ng isa sa bouncer na B2 naman ang tawag niya.
"Tama na, Dylan, hayaan na muna natin 'yan!" awat ng isa sa tropa nitong lalaki.
Kita pa rin ang panggigil sa mukha ng nangbastos sa kaniya dahil wala itong magawa para makaganti sa nagawa niya at hindi magawang makapalag sa dalawang bouncer na kasama niya.
"Enjoy-in niyo na rito dahil last niyo na ito. Ipapa-ban ko na kayo!" huling sabi niya saka tinalikuran ang mga ito.
"Humanda ka! Siguraduhin mo lang na hindi ka mag-iisa na pagala-gala rito. Dahil hindi ako titigil na hindi makaganti sa’yo!" pahabol na banta pa rin sa kaniya ni Dylan at mukhang seseryosohin nito ang sinabi.
Nakadama ng kaba si Polla.
Hindi naman siya ganoon katapang para hindi kabahan sa bantang iyon ni Dylan at kahit gusto niyang pagsisihan ang katapangang ginawa kanina ay huli na saka tama lang naman na sampalin niya ang Dylan na iyon sa pangbabastos sa kaniya at sa pangmamaliit nito sa mga waitress sa bar at hangga't hindi sinaway ang mga ito ay hindi titigil ang mga ito sa pangbabastos sa mga tauhan sa bar.
Hindi siya nagpahalata sa grupo na kinabahan siya at pinandinigan na lang ang katapangan ipinakita sa mga ito
"Manahimik ka! Inuubos mo talaga pasensya namin!" sigaw ng isang bouncer at kenwelyuhan na ang anak ng Mayor.
"Tama na po! 'Wag niyo pong saktan ang kaibigan namin!" awat ng isang babae.
"Manahimik ka na lang kasi Dylan!" sayaw ng isang kaibigan pa nito na babae.
Hinarap na niya ulit ang mga ito. "Hayaan niyo na 'yan B1, B2, iwanan na natin ang mga 'yan. Last naman na nila rito." Binitawan na ni B2 ang kuwelyo ni Dylan at pabagsak itong naupo sa sofa saka sila tuluyang umalis.
"Maam, mukhang seryoso ang pagbabanta sa’yo ng anak ng Mayor, ah, siguro dapat mag-ingat po kayo. Baka mapaano kayo dahil sa kaniya," babala sa kanya ni B1.
Napatingin si Polla sa bouncer at idinaan sa ngiti ang kabang nararamdaman.
"Oo nga, Maam, mabuti pang sabihin niyo ito kay Maam Emerald para maprotektahan kayo," dagdag naman ni B2.
"Hindi na. Aabalahin ko pa ang pinsan ko sa probinsya. Kaya ko naman sarili ko, eh, salamat sa pag-aalala niyo B1, B2," nakangiting tugon niya sa dalawa.
"Maam, Dave po ang pangalan ko at siya po si Axel. Hindi po B1 at B2," nakakamot na reklamo ni B2.
Napangiti naman siya."Hayaan niyo na ako. Sa dami niyo rito sa bar ay hindi ko na kayo halos matandaan lahat. Saka bouncer one at bouncer 2 iyon,” tugon niya kay B2
Napangiti na lang din ang dalawang bouncer na kasama niya.
MADALING-ARAW na nang maisipan ni Polla na umuwi sa hotel na pinaglalagian niya para makapagpahinga. Nang oras na ring iyon at magsasara na rin ang bar at naglilinis na lang ang mga tauhan ni Emerald ng bar. Alas-dos ay sarado na ang bar at nagtagal pa siyang ng isang oras dahil tumulong siya sa mga cashier sa pag-aayos ng pera sa kaha at inayos din ang nagkalat na papeles na trinabaho niya na naiwan ng pinsan bago lumabas ng opisina ng pinsan.
"Uuwi na muna ako. Kayo nang bahala sa mga natitira pang aayusin sa bar. Pagod na talaga ako at kailangan ko nang matulog at may aasikasuhin pa ako mamaya,” paalam at bilin niya sa mga ito.
"Opo, Maam," tugon naman ng mga tauhan ng pinsan niya.
"Sige. Mauna na ako sa inyo.”
"Sige po, Maam. Ingat po kayo," bilin ng isa sa mga tauhan ng pinsan niya.
Napangiti siya. "Kayo rin,” tugon niya.
Pagkalabas niya ng bar ay hindi naman siya nakadama ng kaba dahil marami pang tao sa paligid kahit madaling-araw na. Dahil beach resort at summer kahit madaling-araw ay mga mga tao pa rin sa tabi ng dagat at ang iba ay nag-siga pa ng apoy habang nag-uumpukan at masayang nag-uusap. May iba pa na nagtayo ng tent malapit sa dagat at doon na natulog at ang iba naman ay nag-uumpukan na magbabarkada para naman mag-inuman.
Nakakalayo na siya ng bar at magtatawag na sana siya ng masasakyan na tricycle nang may mga grupong lumapit sa kaniya na bumaba sa naka-park na van at nilapitan siya.
"Mabuti naman at lumabas ka na ng bar!" nakangising sabi sa kaniya ng isang lalaki.
Nagulat si Polla nang mapatingin siya sa mga ito at limang lalake ang lumapit sa kaniya. Ito ang grupo ng anak ng Mayor at kasama rin ito sa limang lumapit na may pinakanakakatakot na ngisi sa grupo.
Nakadama ng kaba si Polla at napaatras.
Nakalimutan na niya ang pagbabanta sa kaniya kanina ni Dylan at hindi niya inaasahan na inabangan pala talaga siya ng mga ito para gawin ang bantang pagganti sa kaniya.
"Anong kailangan niyo?" kinakabahang tanong niya.
Nagtinginan ang limang lalake at nagsingisian na lalong nagpakaba sa kaniya. Mukhang may masamang balak ang mga ito sa kaniya.
"Nasaan ang tapang mo?” tanong sa kaniya ni Dylan. “Kanina lang lakas ng loob mong sampalin at pahiyain ako, ha," paalala pa nito sa kaniya.
"K-kasalanan mo kung bakit ko ginawa sa’yo 'yon. Binastos mo ako!" diin niya kay Dylan.
"Oo at lalo pa kitang babastusin. Namin! Dahil sa pagpapahiya sa akin!" may ngising sabi ni Dylan sa kaniya.
"Mukhang mag-e-enjoy tayo sa kaniya, ah," sabi ng isang kasama nito na sinuyod ng tingin ang buong katawan niya kaya nakadama siya ng kilabot.
"A-anong gagawin niyo sa akin?" nautal na niyang tanong.
"You will see later, lady,” tugon ni Dylan sa kaniya saka tumingin sa mga kasama. “Ipasok niyo na 'yan sa kotse!" utos na nito sa mga kasama.
Dahil sa narinig ay kaagad siyang kumilos at umatras siya nang mabilis saka walang alinlangang tumakbo para takasan ang grupong may masamang balak sa kaniya.
"Habulin niyo!" utos na sigaw ni Dylan at narinig niya ang mabilis na pagtakbo ng mga kasama nito para habulin siya.
Halos hindi na makahinga si Polla sa sobrang takot na nadarama at dahil marami ang humahabol sa kaniya at mga lalake pa ay mas binilisan niya ang pagtakbo dahil hindi siya papayag na mahuli ng mga lalo pa at alam niyang hindi maganda ang gagawin ng mga ito sa kaniya. Delikado ang buhay niya at sa tingin niya ay walang takot ang Dylan na iyon na gumawa ng masama sa kaniya kaya hindi talaga siya sasantuhin ng mga ito.
Walang tigil siya sa pagtakbo at naghahanap ng masasaklolohan o kahit man lang ng Police station na matatakbuhan para humingi ng tulong at kahit paano ay maging ligtas ang buhay niya subalit wala naman siyang makitang Police station doon o kahit mga taong masasaklolohan niya.
Subalit nanlaki ang mga mata ni Polla at nagkaroon ng malaking pag-asa nang makakita ng taong makakatulong sa kaniya at nasisigurado niyang magiging ligtas na siya kaya kaagad niya itonng nilapitan at kahit hindi ito nakaharap ay sinugod na niya ito nang mahigpit na yakap sa likod nito.
"OH!" gulat na bulalas ng kasama na babae ni Sam at kahit siya ay nagulat nang may kung sinong yumakap sa likod niya.
Mabilis na hinarap ni Sam ang yumakap sa kaniya at nagulat siya nang si Polla ang makita niya.
"Ano na naman kayang trip nito?" inis na tanong niya sa sarili.
Tinulak palayo ni Sam ang asawa pero mahigpit itong nakayakap sa kaniya at talagang ayaw siyang bitiwan kahit ilang beses na niyang tinangkang paghiwalayin ang katawan nila.
"What the hell are you doing?" inis na bulong niya kay Polla na talagang hindi siya binibitawan.
"Pare, ayan ang babae!”
Narinig niyang sigaw ng isang lalake at may limang lalaki na lumapit sa kanila na kay Polla nakatingin na ipinagtaka niya. Napatingin siya muli kay Polla nang kusa na itong humiwalay sa kaniya at sa likod niya nagtago.
"Miss, sumama ka na sa amin. Sige na," aya nang isa na nakangisi pa.
Nagsalubong ang kilay niya sa harasang pag-aaya ng lalaking iyon sa asawa niya.
"Who are you and what do you need to her?" tanong niya sa mga ito.
"Mga kaibigan kami ng babaeng iyan, pare—“
"H-hindi. Hindi ko sila kaibigan, Sam!" kaagad na tanggi ni Polla.
"Miss, grabe ka naman! Kanina lang ang saya-saya natin, eh, ‘tapos bigla mo na lang kami ide-deny? Ang lupit mo naman!" reklamo pa rin ng lalaking kanina pa nag-aaya kay Polla.
Masama siyang napatingin kay Polla.
Bakit ba kung kani-kanino sumasama ang asawa niya, eh, mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang mga ito?
"Hindi ako sasama sa inyo. Asawa ko siya kaya hindi niyo ako p’wedeng isama!" sigaw ni Polla.
"What? You're married?" bulalas na tanong ng kasama niyang babae.
Napalingon siya sa babaeng kasama niya kanina pa at ngayon niya lang ulit naalala na may kasama pala siyang babae at nawala iyon sa isip niya dahil kay Polla at sa limang lalaking nasa harapan niya ngayon.
May mahalaga pa naman siyang plano sa dalaga at may mahalagang dahilan kung bakit siya nakipagkita rito pero mukhang wala nang pag-asa ngayon dahil paglingon niya ay kita na niya kaagad ang galit sa mukha nito sa nalamang may asawa na siya. Inirapan pa siya ng dalaga at mabilis na umalis.
"Alice!" tawag ni Sam.
Susundan sana niya si Alice kaya lang ayaw pa rin siyang bitawan ni Polla.
"'Wag mo akong iwan, please," nakikiusap na bulong sa kaniya ni Polla kaya hindi na tuloy niya hinabol pa si Alice.
Kahit naman mahalaga sa kaniya si Alice ay hindi rin naman niya p;wedeng iwanan ang asawa niya sa mga lalaking ito lalo pa at mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang limang lalake. Isa pa, asawa niya si Polla at hindi niya pinahintulutan ang asawa na makipaglandian sa ibang lalake lalo naman sa maraming lalake!
Hinarap na ni Sam ang limang lalake at matiim ang pagkakakatitig niya sa mga ito na hindi rin naman nagtangkang lumapit sa kaniya.
"Umalis na kayo rito kung ayaw niyong sagasaan ko kayo!" banta niya sa grupo saka hinila ang braso ni Polla papasok ng kotse.
Pinagana na niya na ang makina ng kotse kaya walang nagawa ang mga lalaking iyon kundi magsialisan at kita pa niya ang masamang tingin ng isa kay Polla. Umandar na ang sasakyan niya at patungo na sila sa hotel nang narinig niyang napabuntonghininga si Polla. Mukhang nakahinga na ito nang maluwang.
"Mabuti at nakita kita. Akala ko mapaano na ako," sabi ni Polla sa kaniya.
"Ano na naman bang trip mo?" galit na niyang tanong kay Polla.
Ngayon niya kakastiguhin ang asawa at talagang galit siya dahil sa nasayang na pagkakataon na nawala sa kaniya sa bigla na lang pagsulpot ng magaling niyang asawa at ginulo ang lahat niyang plano.
Kanina pa siya iniinis ni Polla at hindi niya maintindihan na pati ba naman maganda niyang plano ay sisirain nito kagaya ng araw niya kaninang umaga.
Napatingin si Polla sa kaniya na may pagtataka. "Anong trip ang sinasabi mo Sam?” takang tanong nito sa kaniya.
Matalim na niyang tinignan ang asawang nagmamaang-maangan pa sa pangti-trip nito kanina pa at ngayong gabi ang mas malala dahil sa pagkakataong nasayang sa kaniya dahil lang sa magaling niyang asawa!
Wala na siyang magagawa pa dahil ang babaeng hinahangad niya sanang mapapa-oo ngayong gabi ay nagalit dahil sa pagsulpot ng asawa at bigla na lang siyang niyakap at ang nakakainis pa ay nakikipag-usap ito sa iba’t-ibang lalake at ang ebedensiya niyon ay ang limang lalaking sumulpot din kasabay ng asawa niya.