Hindi naman inabot ng dilim bago siya nakabalik pero sa pagbabalik naming dalawa sa field ay dumilim na sa kalangitan. Nasaksihan ko ang pagbubukas ng lahat ng lamp post sa paligid, ganoon din ang liwanag mula sa malayong arko kung saan nakaukit ang pangalan ng school, ang mga ilaw sa corridor, baba man o itaas. Maging ang ilang puno na hindi kasama sa gubat ay may sariling ilaw. Ang maliit na tulay na patungo sa maliit na pond at garden ay may liwanag din. I have no idea this is how beautiful and peaceful this place is at night. Isama pa ang tila nahihiyang paglitaw ng mga bituin. "Change into it," malamig niyang sinabi kasabay ng pagbagsak ng dala niya galing sa dorm. Kahit nagtataka ay kinuha ko iyon mula sa damuhan. A pair of white soccer shoes na pambabae. "Saan galing 'to? 'Di ba s