EPISODE 63 SCARED LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. GULONG-GULO ang isipan ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ako umiiyak habang nakatingin sa babaeng nasa aming harapan na nakahiga sa hospital bed habang may iba’t ibang tubo na nakakabit sa kanyang katawan. Sino siya? At bakit kailangan ko siyang makilala? Pinunasan ko ang aking luha at huminga nang malalim. Humarap ako kay Tita Devon at seryoso ko siyang tinignan, nakita ko rin na nakatingin pala siya sa akin at pinagmamasdan ang aking reaksyon. “Sino siya? Bakit kailangan ko siyang makilala? Bakit niyo ako dinala rito, Tita Devon? Alam ba ni Adler ‘to? Iuwi niyo na lang ako, please.” Hindi ko mapigilan na kabahan at matakot. Parang gusto kong umatras, ayokong makilala ang babaeng ‘to—ang babaeng nagngangalang Rebecca De