EPISODE 34 THE PARTY LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. PWEDE na akong maging artista. Ang galing kong umarte na maayos lang ang lahat, na maayos ang pagsasama namin ni Adler. Nag-away kaming dalawa pagkatapos kong mag-sleepover sa condo unit ng aking kaibigan na si Steven. I already expected it to happened kasi ayaw na ayaw ni Adler na natatapakan ko ang ego niya. Hindi niya ako mahal, pero ayaw niyang may iba akong kinikita dahil masyado siyang mapagmataas, gusto niya siya lang ang lalaki sa buhay ko. Nagagalit siya sa akin dahil sa condo unit ako ni Steven natulog? Ano namang pakialam niya?! Hindi nga siya nagmessage sa akin na hindi siya makakauwi no’ng gabing grabe ang pag-aalala ko sa kanya. Ngayon ang opening ng bagong hotel ng Miller Empire at dito rin gaganapin ang party kung saan