EPISODE 52 HEARD LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “I’m jealous of Patricia Aquino.” Napataas ang kilay ni Adler at nakita ko rin ang pag-angat ng kanyang labi na para hbang natuwa siya sa aking sinabi. Nandito kami ngayon sa aming kama at hindi ko mapigilan na yakapin siya nang mahigpit dahil namiss ko na siyang katabi rito at dito na ulit siya matutulog katabi ko. “Why? She’s nothing to me,” sabi ni Adler at hinalikan ang aking noo. Napasimangot ako at muling nag-angat ng tingin sa kanya. “Palagi niyang sinasabi sa akin na close kayo! Kaya naiinis ako sa katarayan nun! Bakit kasi iyon ang ginawang model sa Miller Hotel?” hindi ko na napigilan ang sarili kong maipalabas ang aking inis sa babaeng ‘yon. Hindi ko pa rin nakalimutan ang pagtataray niya no’ng pumunta ako sa may hotel. Mahi