EPISODE 44 CONFESSION LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. UMALIS na kami sa private resort kung saan nagaganap ang reception ng kasal ni Ariana at Fabio. Agad kong nakita si Pietro na butler ni Adler nang makalabas na kami sa reception area sa kasal ni Ariana. Ang unang pumasok sa loob ng sasakyan ay si Adler at sumunod naman ako sa kanya. Tahimik lang siya pero kita pa rin sa kanyang mukha ang pagiging badtrip. Bakit ba siya galit? Wala naman akong ginagawang masama at nag-uusap lang kami ng pinsan niya. Nagseselos ba siya?! God! Benjamin is his f*cking cousin! At may girlfriend na rin ‘yung tao. “Adler—” I tried to talk to him, but he immediately cut my words. “Not now, Lara,” malamig niyang sabi habang nakapikit sa kanyang mga mata habang nakasandal sa kanyang kinauupuan. Napasimangot