EPISODE 18 DANGEROUS FEELINGS LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. Dahil masakit ang buo kong katawan ay inalagaan ako ni Adler. Hindi siya umalis sa villa at binubuhat niya ako dahil hirap pa rin ako sa aking paglalakad. Nang dahil sa kanyang ginawa niya hindi ko mapigilan na mapatanong at magulat sa kanyang pinapakita sa akin. Ibang iba ang Adler na nakita ko nang araw na iyon. He’s so soft and he always smile at me. I never saw him frowning or getting mad at me, hindi niya talaga ako pinagalitan or sinungitan! Epekto ba ito sa nangyari sa amin ni Adler? Baka naawa lang siya sa ginawa niya sa akin dahil buong araw talaga akong hindi nakagalaw. Muntik na nga niya akong bilhan ng wheelchair pero ako na ang tumanggi dahil masyado nang over acting kapag nakasakay pa ako sa wheelchair. Mapapata