EPISODE 21 THE PUNISHMENT LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “Ang tagal mong hindi nagparamdam sa akin, a? Saan ka ba pumunta at parang nag iba ka bigla sa paningin ko,” nakakunot ang noo na ttanong sa akin ni Steven. I decided na makipag kita ako sa aking kaibigan na si Steven. Kalat na sa kompanya namin ang tungkol sa kasal namin ni Adler at ayokong umabot ito kay Steven nang hindi ko pa nasasabi sa kanya ang totoo. Si Steven lang ang nag iisa kong kaibigan kaya kailangan niyang malaman ang totoo. Pinuntahan ko siya rito sa kanilang kompanya dahil alam ko na busy rin si Steven. Ayoko na rin munang mag stay roon sa kompanya dahil alam ko naman na lilipat na ako sa kompanya ni Adler. Ano pang gagawin ko roon sa amin diba? Mas mabuti pang magpalamig na muna ako dahil para akong mawawalan ng