EPISODE 58 PREGNANT LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. ANG SAKIT ng aking buong katawan… nasagasaan ba ako? Ang naalala ko lang ay may isang sasakyan na humaharurot ang papalapit sa aking direksyon at binangga niya ako at unti-unti akong nawalan ng aking malay at naramdaman ko ang labis na sakit ng aking katawan at pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa sobrang sakit. Hinay-hinay kong binuksan ang aking mga mata at napatingin ako sa paligid, nasa isang hospital room ako. Totoo iyong napanaginipan ko? Totoong nasagasaan ako? “Lara, naririnig mo ba ako?” Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Steven na nasa aking tabi at sa kanyang tabi naman ay si Danica na kanyang girlfriend. Napakunot ako sa aking mga mata at huminga ako nang malalim bago ako magsalita at tanungin siya kung ano an