EPISODE 41 SPAIN LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “Señorito! Nos alegramos de que usted está aquí! [Sir, We are glad that you are finally here!]” Bahagya akong napangiwi nang hindi ko maintindihan ang sinabi ng isang lalaking lumapit sa amin ni Adler nang makababa na kami sa aming sinasakyan na private jet. Hindi ko alam kung ilang oras lang ang biniyahe namin papunta rito sa Spain pero alam ko na mabilis at ilang oras lang ang aming byahe at gabi na nang makarating kami rito. May mga lalaking lumapit sa amin ngayon ni Adler at sa hindi naman kalayuan ay mga bodyguards na nakakalat dito sa labas. Sa isang open area lumapag ang sinasakyan naming private jet at hindi sa airport. “Es bueno verte aquí, Pietro, [It’s good to see you here, Pietro]” wika ni Adler sa lalaking nasa aming harapan