14

1613 Words

14. TOTOO na ito. Nagkasundo na sila at pumayag na siya sa alok niya. Oo, siya ang nag-alok ng kanyang sarili. Mapapatay siya ni Baron kapag nalaman nun ang ginawa niya. Yun ay kung buhay pa ang asawa niya. “Can't we go tonight, Ruth?” Biglaan ang tanong na iyon ni Lush Miguel sa dalaga. Nagmamaneho ito papunta sa lugar niya. Ihahatid daw siya nito sa labasan at wala naman siyang magawa. Anong ibig nitong sabihin na go tonight? “A-Ang ibig mong sabihin ay m-mag-aano?” Naiilang na tanong niya. Susko. Handa ba talaga siya? Hindi pa man lang ay naiiyak na siya. Pinag-ingatan nga niya ang sarili para kay Baron tapos ay bigla na lang na ibebenta niya ang sarili niya. Ngayon, sa isang iglap lang ay mawawala na iyon at ibang lalaki na ang makikinabang. Isang pangyayari ito sa buhay niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD