Chapter 2

1116 Words
Margarett’s Pov: "Hoy, best!” tawag sakin nang kung sino. Naglalakad kasi ako dito sa hall way nang School na pinapasukan ko paglingon ko nakita ko naman yung best friend ko s***h co- teacher ko Alyana Atienza. "Ang aga best yang bunganga mo talo pa yung nagsasaway nang mga estudyante nating makukulit,” seryosong sabi ko paglapit niya sa akin pero ang bruha tinawanan lang ako. Minsan nagtataka na rin ako kung paano ko naging bestfriend tong baliw na ito at ang mas malaking tanong sakin paano siya naging Teacher? ano kaya ang tinuturo niya sa mga estudyante niya eh ang alam ko lang na madalas gawin nang taong to mang asar. "Ok nga yan best para pambulabog sa mga masasamang ispiritu dito sa School,” sabay hagalpak niya nang tawa kaya nahampas ko siya sa braso kahit kelan talaga to napakabaliw. "Bruha ka talaga, ginaganyan mo nalang tong School ha baka nakakalimutan mo limang taon na din tayong nagtuturo dito,” masungit na sabi ko kaya lalo lang siyang natawa. "Yun nga best e limang taon na, akalain mo yun nakatagal tayo dito?” saka humagalpak ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin paano ba talaga naging Teacher to parang baliw lang. "Hay naku best ewan ko sayo,” mataray na sabi ko saka siya tinalikuran at ang bruha hinabol pa talaga ako. Uo nga pala iisang faculty lang yung papasukan namin. "Akala mo makakaligtas ka sa kaingayan ko ha, your wrong my best friend,” daldal niya saka ako inunahan pumasok sa faculty room kaya nailing nalang ako bago tuluyang pumasok sa loob, nandito na din pala yung ibang co-teacher namin. "Ma'am Margarett, nabilitaan niyo naba yung usap-usapan ng ibang mga co-teachers natin?” tsismis nang co-teacher naming bakla si Jericho Cuaresma. "Hoy, mars anong chika yan?” singit nang best friend kong si Alyana saka naupo sa upuan na nasa harap ng table ko. "Ang balita magpapagawa daw ng bagong building dito sa School i mean mga bagong building,” tsismis niya kaya nagkatinginan kame ni Alyana. "Weh! seryoso ka mars? hindi makapaniwalang tanong ni Alyana kay Jericho kaya tumango tango naman tong isa. "Yes mga mars,” may patili pang sabi niya kaya natawa ako. Teka saan naman niya nasagap yung balitang yun. "Si Ma'am Gomez, ang nagsabi niyan kaya i'm sure totoo yun at hindi chika lang,” daldal niya saka naupo sa upuan niya magkalapit lang naman kasi yung table naming dalawa. "Sa wakas makakalipat na tayo sa bagong building hindi na nakakatakot,” si Alyana na nakahawak pa sa dibdib niya. Tama naman kasi siya medyo nakakatakot nga kasi tong School masyado nang mga luma yung building. "Ay true mars, sana nga magawa agad,” si Jericho na nagbubuklat na nang lesson plan niya. I'm Margarett Delgado 26years old, a Public High School Teacher, nag iisa nalang sa buhay actually sa bahay ampunan naman ako lumaki dahil bata palang ako nung mamatay ang mga magulang ko. May mga kamag anak man kami pero hindi naman nila ako kayang alagaan dahil may mga sarili na din silang pamilya, ayaw ko namang maging pabigat sakanila kaya nagdesisyon ako na sa bahay ampunan nalang tumira.  Hanggang sa makatapos ako nang pag aaral at ngayon ako naman ang tumutulong sa bahay ampunan na kinalakihan ko. Mahirap lumaki nang walang magulang sa tabi ko pero wala naman akong magagawa dahil maagang kinuha ni Papa God ang mga magulang ko, thankful parin naman ako na kahit ganun yung nangyari ito ako ngayon isang guro na. "Teka mars, sino naman pala ang magpapagawa gobyerno ba?” tanong nang best friend ko kaya napatigil sa ginagawa niya si Jericho. "Hindi mars, yung may ari daw nitong lupa i mean yung bagong may ari nabili na pala ito, pero wala naman daw balak yung bagong may ari na alisin tong School kundi ang balak nga daw magpatayo nang mga bagong building para yun na ang gawing room nang mga estudyante,” Paliwanag niya kaya napangiti naman ako, may mga klase pa pala ng mga ganung tao yung mas iniisip yung kapakanan nang iba kesa sa kikitain nila. Kung nabili na tong lupa na to karapatan na nung bagong may ari kung anong gagawin pero hindi niya naisip na alisin tong eskwelahan dito napakabait naman siguro mahalaga din sakanya ang edukasyon. "Wow talaga ba?" sino bang may ari yan nang mapasalamatan ng bongga.” daldal ni Alyana kaya napahagalpak ng tawa si Jericho. Dapat lang talagang pasalamatan yung bagong may ari nitong lupa dahil sa magandang naging desisyon niya. "Ang sabi ni Ma'am Gomez, kinakausap pa daw nang bagong may ari nitong lupa yung magiging investor nung mga bagong gagawing building,” kwento niya kaya napatango kame ni Alyana, sana nga matuloy yung mga plano nila na gagawin dito sa eskwelahan. "Hay naku, ipagdadasal ko talaga na matuloy yang project na yan nang mapalitan naman yung mga room natin, nakakatakot kaya parang isang lindol lang babagsak na mga pader,” Napahinga naman ako ng malalim sa sinabi niya dahil totoo naman nakakatakot para sa kaligtasan naming lahat lalo na sa mga bata, sa sobrang tagal na yata ng mga building kaya hindi na kame nakakasiguro kung matitibay pa ba yung mga pader. Maraming Estudyante na ang nakapagtapos sa paaralan na ito at marami naring Teacher ang nag retired pero wala ni isa ang nakaisip na magpagawa ng mga bagong building. Siguro dahil na din sa budget ang hirap naman kasi mag request sa gobyerno aabutin pa nang ilang taon bago maaprubahan yung request funds kahit para sa isang building lang. Kung sakaling matuloy yung plano nang bagong may ari nitong lupa sobrang laking ginhawa yun sa mga bata at sa mga gaya kung Teacher dito sa Eskwelahan. "Sana nga mga mars matuloy,” si Jericho saka binalik yung tingin niya sa ginagawa niyang lesson plan. Pagkatapos naming mag usap-usap nagkanya kanya na din kami ng trabaho dahil nag bell na kaya ibig sabihin umpisa na nang klase ng mga Estudyante. "Best sabay tayong mag lunch mamaya ha hintayin mo ako.” Si Alyana bago kami maghiwalay sa hallway sa kabilang building kasi ang classroom niya ako naman dito lang sa malapit sa faculty. Ganito ang routine ng buhay ko araw araw. "Hi Margarett Good morning,” bati ni Jayson Ex boyfriend ko six months ago and co-teacher ko din siya. "Good morning.” tipid lang na bati ko saka siya nilampasan. Simula nung maghiwalay kami hindi na kami masyadong nag uusap dahil selosa daw yung bago niyang girl friend. Mag usap man kami bilang magka sama nalang sa trabaho, ang usap usapan pa nuon niloko daw niya ako pero hinayaan ko na lang dahil wala naman na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD