The weather seems fine today kaya naisipan niyang mag-jogging. Medyo madilim pa sa labas pero okey lang naman, safe naman sa kanilang lugar. Tinawagan siya kanina ni Alejandro para sabihing hindi niya kailangang pumasok ngayong araw. May two day covention ito sa Cebu simula ngayon. Hindi na rin siya pinasama nito. Muntik pa nitong makalimutan ang convention, mabuti na lang ipinaalala niya rito. Pinilit din niyang umuwi na ito kahapon, sumusobra na rin kasi ito. Nakakarami na.
Ikinandado muna niya ang gate bago siya magsimulang tumakbo. She had already estimated the time kung saan mararating niya ang palengke pagkatapos ng mga isang oras na lakaran. Kailangan niya rin kasing bumili ng mga stocks sa bahay. Halos nasimot iyon noong naroon si ALejandro. Napakalakas din naman kasing kumain. Nakakainggit nga dahil in perfect shape pa rin ang katawan nito kahit gaano karami ang kainin.
Does he go to gym? May oras pa rin kaya ito sa kabila ng napakaraming gawain sa munisipyo? Masyado naman itong pinagpala kung hindi man lang ito nag-i effort mag-gym tapos gano'n kaganda ang katawan! Damn! Sarap pa naman nito.
Lihim niyang kinakastigo ang sarili. Tuluyan na siyang nahulog sa karisma ng binata. Ano bang magagawa niya? Nanaig ang kanyang karupukan...
Pagkatapos ng halos isang oras ay narating niya ang palengke. Kung tutuusin ay maliit lang ang kanilang bayan ngunit sagana naman sa lahat kaya tuwang-tuwa siya sa tuwing nagagawi siya sa palengke. Sariwa ang mga gulay at ang mga isda ay bagong huli kaya masarap kainin.
Kasalukuyan siya namimili ng gulay ng mapansin niyang kanina pa nakatitig ang isang lalake sa kanya. Minsan ay bahagya pang nakakunot ang noo at para bang pilit siyang kinikilala.
"Rosaline Acosta?" Hindi na rin siguro nakatiis at lumapit ito sa kanya at nagtanong na.
Tiningnan niya ito, he's good looking and he looks familiar. "Do I know you?"
Hindi na niya naituloy ang pamimili, inaapuhap din niya sa kanyang isipan kung sino ang lalakeng nasa harap niya. In fairness naman, gwapo ito at malinis tingnan. Napansin siguro nito ang paraan ng pagtitig niya kaya napangiti ito.
"It's been years since we meet again, Miss Secretary. Nangako ka pa namang hindi mo ako kalilimutan yet you haven't recognize me now?" Lumapit ito sa kanya at mahinang kinagat ang kanyang tainga.
Then realization hit her. Isang tao lang ang gumagawa noon sa kanya. And the way he calls her Miss Secretary. It was during high school days when she used to be the student council's secretary. Napamulagat siya ng maalala ito.
"Bobby!" Dinaluhong niya ito at mahigpit na niyakap. Oh God! Na-miss niya ito ng sobra! Then she found herself crying while he was hugging her.
Narinig niya ang pagtawa nito. "Iyakain ka pa rin talaga."
Mahina niya itong hinampas sa braso. "Na-miss kita, Bobby." Mas lalo pa niya itong niyakap nang mahigpit.
Pilit naman itong kumakawala sa yakap niya. "Gross...I can feel your breast. Buti naman at nag-level up ka na. Akala ko, forever nang dalawa ang likod mo, eh."
"Hayop ka pa rin talaga!" bulalas niya. Malakas niya itong itinulak palayo habang pinupunasan ang mga luha.
Tawa ito nang tawa. "Pikon ka pa rin..."
Hinawakan nito ang kanyang pupulsuhan at hinila siya nito.
"Teka lang...saan mo ba ako dadalhin?"
"Basta! Sumama ka na lang." Hindi na lang siya nagtanong pa at nagpahila na lang dito. Akala niya kung saan siya nito dadalhin, doon lang pala sa paborito nilang tambayan at kainan noon. Mabait ang may-ari noon kaya pinapayagan silang doon mag-aral paminsan-minsan lalo na kung walang gaanong kostumer.
"Dating gawi?" tanong nito sa kanya. Umorder ito ng dalawang pancit na canton bihon tsaka 'yong pareho nilang paborito na toasted buns. Iyon ang madalas nilang kainin noon.
"Bigla ka na lang nawala noon. Wala man lang paalam." Nakita niyang napatda ito. Hindi marahil inaasahan ang pagtatanong niya. Nagtampo talaga siya noon.Ilang araw din siyang umiyak dahil sa sama ng loob.
"I'm sorry...sobrang gulo lang ng pamilya namin noon. Alam mo naman ang sitwasyon ko di ba?" Tinutukoy nito ang pagiging anak sa labas. "Nang mamatay ang Mama, nagpunta sa bahay ang pamilya ng tatay ko. Nagmamakaawang puntahan ko ang tatay ko dahil matagal na akong hinahanap. And at that time, terminal na ang sakit nito. Stage four lung cancer. Kahit anong pagpapagamot nila ay hanggang doon na lamang ang lahat."
"I'm sorry..."
Ngumiti lang ito. "It's okay. We're all good now. I've gotten to know them all and they treated me as their own. May dalawa akong kapatid na lalake. How about you?"
"I guess we have the same faith when we parted. Namatay din si Mama tapos sumama sa ibabang babae ang Papa." Kung dati siguro, baka umatungal na siya ng iyak kapag pinag-uusapan ang kanyang nakaraan but then again, she had already move on.
"I'm sorry..."
Ngumiti lang siya. "Tama na nga 'yang ganyang usapan. Kumain na lang tayo."
Sakto namang dating ng kanilang order. Lalo siyang natakam ng maamoy iyon. Umuusok-usok pa. Napatawa siya ng makitang ganoon din ang itsura ni Bobby. Kulang na lang ay maglaway na ito.
"Laway mo, tumutulo na," kantiyaw niya.
"Sa'yo rin..." Hindi na nga ito nagdalawang isip pa. Pagkalapag ng pancit sa harapan nito ay nag-umpisa agad itong sumubo. Sabagay, masarap talaga ang pancit kapag bagong luto.
Kapwa sila busog at hinihingal pagkatapos kumain. Medyo naparami ang kain nila. Naglakad-lakad muna sila.
"Sa bahay niyo pa rin ikaw nakatira?"
Tumango lang siya. Masuka-suka na kasi siya sa kabusugan. Pinilit kasi nitong ipinaubos ang tinapay sa kanya kaya ayon, sobrang busog niya. Maghahanap na lang siya ng tricycle na pwedeng maghatid sa kanya pauwi. Hindi na niya kakayaning pang maglakad sa lagay na ito.
Masama ang tingin niya kay Bobby subalit ang loko, mukhang tuwang-tuwa sa sitwasyon niya. "Don't worry, ihahatid kita."
Umingos siya dito. "Aba! Dapat lang naman. Hindi na rin kasi ako makagalaw nang maayos dahil sa kabusugan."
"Ayan...katakawan kasi, eh."
"Siraulo ka ba? Ikaw nga itong pinilit akong ubusin 'yong tinapay. Busog na nga kasi ako." Reklamo niya.
"Nagpapilit ka naman...Kapag ayaw, ayaw talaga. Dapat pursigido at hindi nagpapapilit sa kung kani-kanino. Marupok na nilalang."
A part of herself said yes. Marupok talaga siya.
"Tara na nga. Maski kasi pagsasalita ay nahihirapan ka na." Sinabayan siya nito sa paglalakad. Panay ang tingin nito sa kanya. "Mabuti na lang at kahit paano ay nagbago ang itsura mo, ano? Mukha ka kasing duwende dati."
She grunt. Bobby is such a bully. "I want to go home."
Huminto sila sa tapat ng isang sasakyan. Bagong-bago pa. Isa iyong Navarra na kulay pula. "Sasakyan mo?"
"Sort of."
"Ayaw pang aminin na kanya, eh."
"Kailangan na talaga kitang ihatid. Maingay ka na ulit."
Ipinagbukas siya nito ng pinto at inalalayang makasakay. Medyo mataas kasi ang sasakyan nito. Habang nasa sasakyan ay panay pa rin ang pangungulit nito sa kanya. Gano'n talaga sila dati pa. Parang aso at pusa ngunit kapag kailangan naman nila ang isa-isat ay nakahanda sila. Madalas nga silang tuksuhin noon, bagay daw sila. Kung hindi siguro sila nagkalayo.baka nga naging sila. Nagpahiwatig na kasi ito noon, hindi nga lang niya nabigyan ng pansin dahil masyado pa silang bata.
"Gusto mo bang dumaan muna?" tanong niya rito ng maramdaman ang pagtigil ng sasakyan.
Umiling ito. "Next time siguro. Tita Susan is in the hospital right now. Dumaan lang talaga ako dito para bisitahin ang niyugan ng Papa. May nakawan kasing nangyari kahapon but it was already taken care of. But surely, I will come back here lalo pa at nakita ulit kita."
Naiintindihan niya ang sitwasyon nito. "Aasahan ko 'yan. Marami tayong pag-uusapan. Ingat sa biyahe."
He waved goodbye at her. Hinintay muna niyang mawala sa kanyang paningin ang saakyan nito bago siya pumasok ng bahay.
Binalot ng kaba ang dibdib niya ng maramdaman niyang parang may iba tao sa loob ng bahay. Baka napasok na rin siya ng magnanakaw. Dahan-dahan ang ginawa niyang pagsarado sa pinto upang hindi makagawa ng ingay.
"Where the hell have you been?" Animo kulog na dumagundong ang boses ni Alejandro nang magsalita ito. Kahit alam niyang wala siyang ginagawang masama, hindi niya mapigilang makaramdam ng takot sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Gone was the playful side of him whenever he was with her.
"I just went out for a jog..." Mahina niyang sambit.
"Nagmamadali pa naman akong umuwi thinking that you might be in danger tapos sasabihin mo lang sa akin ngayon that you went for a jog? But then I just saw you enjoying someone else's company? I called so many times but you didn't manage to even message me back!"
Hindi niya mapigilang makaramdam ng takot nang tumayo ito at maglakad papalapit sa kanya.
"I left my phone..." Napaigik siya nang marahas nitong hawakan ang kanyang braso.
"Mas masaya ba siyang kasama? Mas masarap ba siyang kasama?" She couldn't help but be sad and hurt by the way he shouted at her.
"What are you talking about? Masarap kasama, what do you mean?" Maski siya ay naguguluhan din sa tinatanong nito. She still managed to ask him kahit pa nasasaktan na siya sa higpit nang kapit nito sa braso niya.
"Ganito ba siya humalik?" Having said that, he claim her lips carnally. Gone was the tenderness on his touch. Mapagparusa ang mga halik nito at naramdaman niyang kinagat nito ang ibaba niyang labi at sigurado siyang dumugo iyon dahil nalasahan niya ang likidong lasang kalawang na iyon. Ramdam niya ang diin at pwersa ng kamay nito sa kanyang katawan. Alam niyang hindi siya dapat mag-demand sa klase ng relasiyon na meron sila pero hindi naman din niya deserve ang ganitong treatment. She have never been humiliated and disgraced like this before, ngayon lang at sobra-sobra pa.
Masaya ba ito na makita siyang ganito? Mababawasan ba ang galit nito kung masasaktan siya?Ikapapanatag ba ng loob nito ang ginagawa sa kanya?
Kinuyumos siya nito ng halik at ang mga braso nito ay animo bakal na nakapaikot sa kanyang baywang. Naramdaman niya ang mahigpit nitong hawak sa buhok, tilting her head and giving him more access on her neck. Naramdaman niyang bumaba ang mga halik nito sa kanyang leeg hanggang sa ibabaw ng kanyang dibdib. Alam niyang mag-iiwan iyon ng marka doon. Pilit siyang kumakawala ngunit sadyang malakas ito kumpara sa maliit niyang pigura.
He seemed to be a different man. His face was cold ang stoic, only wrath in his eyes. Maging ang awra nito ay nag-iba. Nakakatakot.
"Baby girl," bulong nito nang mapansin na hindi siya gumagalaw o umaalma sa mga ginagawa nito sa kanya.
Hindi niya ito pinansin at naglakad papalayo rito subalit agad siya nitong hinarangan. Hindi ito magkaintindihan kung yayapusin ba siya o sasabunutan ang sarili. " Baby, I'm sorry. Nadala lang ako ng galit at selos..."
"Get out, Mister Mayor!" Bilib din siya sa kanyang sarili kung paanong naging mahinahon pa rin siya sa kabila ng intensidad na kanyang nararamdaman.
Niyapos siya nito bigla, ang mukha ay pilit isinisksik sa may leeg niya. "Sorry na please...punch me. Saktan mo ako, okey lang sa akin. Patawarin mo na ako, please..."
Binaklas niya ang kamay nitong nasa kanyang baywang. Humarap siya rito. "Look at me...Do I deserve this?" turo niya sa sarili.
"Oh my god! Baby girl..." Umiling-iling ito. "I'm sorry...I'm so sorry...
Hindi niya ito pinansin. Kung ayaw nitong umalis, pwes siya na lang ang gagawa ng paraan upang hindi muna ito makita. Tinungo niya ang kwarto at hindi na ito binigyan pa ng pagkakataon para magsalita. Bakit? Siya ba, pinakinggan man lang? At hindi nga din niya alam kung ano ang ipanagpuputok ng butse nito.
Sumandal siya sa likod ng pinto at doon kumuha ng lakas dahil kanina pa talaga gustong bumagsak ng kanyang katawan dahil sa sobrang panghihina. She feels lost again...May isang tao na naman ang nagparamdaman sa kanya na hindi siya importante. Na naroon lang siya, naghihintay sa taong siya naman ang pipiliin. Na hindi siya iiwan, because her family left her already. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang umiyak upang mabawasan ang bigat sa kanyang dibdib ngunit bakit wala na siyang mailuha? Is it because naubos na nang mga taong una na siyang iniwan?
How dare he accused her of something she doesn't know? And who is he reffering to na masayang kasama at masarap humalik?
Mapakla siyang napangiti. Hindi makapaniwala sa naiisip. Is it Bobby? Is he jealous of him? Agad na kumontra ang isang bahagi ng kanyang isipan. Why would he get jealous of him? Hindi nga siya nito mahal, eh.
Narinig niya ang mga yabag na papalapit sa kwarto niya. Agad niya iyong ikinandado tsaka naglakad palayo sa pinto. Ayaw muna niyang makita ito. Pinakinggan niya kung kakatok ito, mabuti na lang at hindi na. Ipinasya niyang tunguhin ang banyo upang linisin ang sarili. Gumaan ang kanyang pakiramdam ng maglandas ang malamig na tubig sa kanyang katawan. Nagpapakalma iyon sa buo niyang sistema. Ipinagdasal din niyang sana kasabay ng pagkatanggal ng mga dumi niya sa katawan ay ang pagkawala ng sakit at sama ng loob na kanyang nadarama. Sana kasabay noon ay ang pagkalimot niya na nakayang gawin iyon sa kanya ni Alejandro. Nang lalakeng unti-unti ng nagiging sentro ng lahat para sa kanya.
May kapalit ba dapat agad? Dahil kung gaano siya kasaya kanina, the more pain she feels now. Lalo lamang naragdagan ang sakit na iyon ng makita ang sugat sa ibabang labi at ang mga pasa dulot ng marahas nitong paghalik sa kanya. Nang tingnan niya ang braso, doon siya nanlambot ng todo.
Puro pasa ang magkabila niyang braso.
Her heart ache even more. Nagawa siyang saktan ni Alejandro. Nagawa siyang saktan ng lalakeng natutunan na niyang mahalin ng sobra.
Lumabas siya ng banyo upang tuyuin ang katawan. Gusto lang niyang humiga. Magtago at kalimutan muna ang nangyari. Rinig niya ang mahinang pagtawag ni Alejandro sa labas. Panay ang hingi nito ng patawad...
Not now. Hindi pa niya alam kung paano ito pakikitunguhan. She just lied down on her bed, feeling the pain that he caused her. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatulog ngunit ng magising siya ay hapon na. Alas singko na. Ganoon kahaba ang naging tulog niya? Nakaramdam siyang pagkauhaw kaya ipinasya niyang bumangon ngunit ng subukan niya, nanlalambot ang katawan niya kaya bigla siyang nahulog sa sahig.
Narinig niya ang pagsigaw sa labas. " What happened? Baby, please open the door!" Kinakalampag na ni Alejandro ang pinto.
Sinubukan niyang tumayo ngunit hindi niya magawa. She felt numbed all over. Nangangatog din ang buo niyang katawan. Kinapa niya ang sarili, she has a fever.
She groaned in pain. Masama pa naman siyang lagnatin...trangkaso agad ang kasunod noon. As in, masakit ang buo niyang katawan at tumatagal ito ng lampas isang linggo. Unti-unti na rin niyang nararamdaman ang pagbigat ng talukap ng kanyang mga mata.
Huli niyang narinig ay ang pagkasira ng pinto at ang humahangos na si Alejandro papalapit sa kanya.
"Baby! No! Wake up, please..."