Kanina pa naiinis si Rosaline sa babaeng nasa kanyang harapan. Kanina pa ito reklamo nang reklamo na mahaba raw ang pila. Na matagal na silang pinaghihintay at hanggang ngayon ay hindi pa naaasikaso. Ngali-ngali na niya itong sabunutan eh. Mukha naman itong maykaya sa buhay kaya nagtataka siya kung bakit naroon ito at nagtitiis sa pagpila para mapabilang sa mga mga estudyanteng makakapasok sa programang 'Study now, pay later' na mismong mayor nila ang nagpasimuno.
Pero sa totoo lang, kanina pa rin nangangalay ang kanyang mga binti, tinitiis niya lang. Kung tutuusin ay pwede namang hindi siya pumila roon dahil kaya naman niyang pag-aralin ang sarili kaya lang ay kakailanganin niyang ipagbili ang natitirang alaala ng kanyang ina. Iyon ay ang bahay na iniwan ng sa kanya. Kumulog man o kumidlat ay hindi mangyayaring ipagbibili niya iyon. Wala rin naman pakialam ang kanyang ama sa kanya, tuluyan na siya nitong iniwan at sumama na sa ibang babae makalipas ang dalawang taong pagkamatay ng kanyang ina.
"Magandang umaga po sa inyong lahat! Humihingi po kami ng paumanhin sa inyong lahat, sa kadahilanang hindi makakarating ang ating butihing Mayor upang personal kayong makadaupang palad. He has something important matters to attend to. Kukuhanin ko na lang ang inyong mga papel at sinisigurado kong makararating ito sa kanya. Rest assured that we will contact you as soon as possible." A middle aged woman came and she remembered her being the mayors secretary.
"Ano ba 'yan! Akala ko pa naman makakaharap ko na siya!" nakasimangot na sabi ng babae sa kanyang unahan.
Napailing na siya sa inakto nito. Hindi na lang niya ito pinansin pa. Such people like her doesn't deserve attention. Agad niyang ini-abot sa babae ang mga requirements na dala ng mapatapat ito sa kanya.
"Salamat po," mabining wika niya.
Ngumiti ito sa kanya ng marinig ang pagpapasalamat niya.
"We will contact you as soon as possible," tugon nito. "Again, thank you for coming today. Good day everyone!"
Kanya-kanya silang pulasan palabas ng auditorium. Kailangan din niyang magmadali dahil may hinahabol pa siyang orders. She make cakes for different occasions kaya kahit paano ay nasusuportahan niya ang kanyang pang-araw araw na pangangailangan. Sana nga ay isa siya sa mapili upang makapag-aral ng libre.
Alejandro on the other hand keeps on tapping his fingers on top of his table. Sa dami ng iniisip niya ngayon, nais na niyang umuwi at aliwin ang sarili. He badly needs someone in bed to pleasure him. Ngunit sa tingin niya ay hindi pa siya makakauwi agad-agad kahit gustuhin man niya. He is a public figure, the town's mayor to be exact and he knows his top priorities. Sa dami ng mga papeles sa kanyang harapan na kailangan niyang basahin at pag-aralan, mukhang napakalabo pang makauwi siya ng maaga. Kung makakauwi pa nga ba siya.
He heard a soft knock outside his office door. Iniluwa roon si Mrs.Charito Cruz, his long time assistant/secretary rolled into one.
"Another one?" Natawa na lang ito sa kanyang tanong bago tumango.
"Yes, Mayor. Looks like gagabihin na naman kayo ngayon. Tambak na naman kasi ang mga papeles sa ibabaw ng lamesa niyo. Madadagdagan pa dahil sa dala ko ngayon." Iniabot nito sa kanya ang isang may kakapalang folder.
"Mukhang madami ang pumasa ngayon ah." Pahapyaw niyang tiningnan ang mga papel doon.
"Yes, Mayor. Sa dami ba naman ng gustong mapasali sa programang iyan, asahan mo na sa tuwing mag-aanunsiyo ang pamahalaang bayan tungkol sa " Study now, pay later", dudumugin na ang ating tanggapan ng mga kabataang nais makapag-aral. Nasala ko na naman iyan base sa criteria ng inyong programa. For now, mga labingwalo ang nariyan but its still up to you. Nasa iyo pa rin ang huling desisyon."
Ikinumpas niya lang ang kamay sa harapan nito. Alam na nito ang ibig sabihin niya. Na hindi na nito kailangan pang magpaliwanag.
"You can go now. Baka hinihintay ka na ng pamilya mo."
"Okay lang ba? Baka may kailangan pang ipagawa sa akin?"
Umiling siya. "You may go."
Bahagya itong yumukod sa kanya bilang pamamaalam. Siya naman ay inumpisahan ng basahin at pag-aralan ang mga papel sa ibabaw ng kanyang lamesa. Sobrang natuon ang kanyang pansin dito na hindi na niya namalayan ang oras. Nang tingnan niya ang relong pambisig, mag-aalas dies na pala ng gabi. Bahagya niyang ininat-inat ang katawan lalo at nakaramdam siya ng pananakit sa kanyang likod. Bukas niya na lang siguro tatapusin ang iba pa, inuna lang niya ang iyong kailangan na talaga. Napailing na lang siya dahil sa dami ng kanyang ginagawa. Bilang isang public servant, wala siyang karapatang magreklamo dahil ginusto niya ito. Gustuhin man din niyang pagsisihan ang pagpasok sa pulitika pero hindi niya magawa. He just love being a public servant. Serving them and attending all their needs makes him happy kaya kahit mahirap ay nananatili siya sa kung nasaan man siya ngayon.
A knock stopped him from his reverie. Bumungad doon ang kanyang driver/bodyguard na si Carlo. He was with him for more than a decade now mula pa noong bagong graduate pa lang niya sa college. Isa ito sa mga natulungan ng kanyang ama noong kasalukuyan pa itong nanunungkulan bilang alkalde ng bayang iyon. Nag-aagaw buhay na ito noon ng madaan ng kanyang ama isang gabi. Napagtripan daw itong bugbugin ng mga tambay. And his Dad decided to help him.The rest was history.
"Boss, hindi ka pa ba uuwi?" tanong nito sa kanya.
"We'll go now. May mga papeles lang akong tinapos."
Tumango ito. "Diretso ba tayo sa mansion, Boss?"
"No. Sa San Agustin tayo.Someone'waiting there for me," bulong niya.
Alam na nito ang ibig niyang sabihin. Nagpatiuna na itong lumabas papunta sa sasakyan niya. Alam na rin nito na everytime na uuwi siya ng San Agustin ay ang kanyang pribadong sasakyan ang kanyang ginagamit.
Mahirap na.
Alam niyang kanina pa naghihintay si Janice doon. Nag-text na ito sa kanya mga bandang alas siete pa lamang subalit hindi nga agad siya nakauwi dahil sa dami ng trabaho sa opisina. Halos kalahating oras din ang ginugol nila sa biyahe bago nakarating ng San Agustin.
"Magpahinga ka na, Carlo. Dito na tayo matutulog. Maaga na lang tayong babalik ng bayan bukas."
"Yes, Boss. Enjoy!" Natawa siya sa sinabi nito. Yes, he really would be enjoying tonight. Janice is his constant companion in bed for almost a month now. At nagugustuhan niya ang pagiging wild nito kapag may nangyayari sa kanila. Pagkapasok pa lang niya ng kwarto ay agad niyang narinig ang paglagaslas ng tubig galing sa loob ng shower room.
Naliligo siguro.
Agad niyang hinubad isa-isa ang suot na damit at sinaluhan ang babae sa loob. Soon the room was filled with moans and groans. Subalit pagkatapos ng ilang beses na may nangyari sa kanila ay napagpasyahan niyang umuwi sa mansiyon kahit pa tutol ang babae na iwan niya ito roon. Too bad for her. Kahit ilang beses sigurong may mangyari sa kanila ay hindi mangyayaring matutulog siyang kasama ito sa kama.
That could never happen in a lifetime! Hindi pa isinisilang ang babaeng magdidikta sa kanya!