She had turned off her phone the moment she arrived home.Alejandro keeps on calling and it's irritating her. Na-itext na niya itong nakauwi na siya ng maayos at kung hindi naman, malamang ay nakapagreport na dito si Carlo. Naiinis siya sa sarili niya kung bakit siya nakakaramdam ng selos sa kaalamang may ibang kasama ang binatang alkalde sa bahay nito.
Yes...she had admitted it already. Nagseselos nga siya.Inis siyang dumapa sa kama at doon impit na humiyaw. Nang tingnan niya ang orasan sa tabi ng kama,alas dos na ng madaling araw yet she's still wide awake. Kahit anong pabiling biling ang gawin niya sa kama ay hindi siya makahiga. Dinampot niya ang cellphone niya at nagtungo ng kusina upang magtimpla ng gatas. Baka sakaling dalawin siya ng antok kapag nakainom siya.
The moment she turned on her phone, sunod-sunod ang pagpasok ng mga text doon. And after a minute or so, may tumatawag na agad.
It was Alejandro.
Agad niya iyong sinagot. Hindi din naman siya tatantanan nito eh,base sa dami ng text na ipinadala nito sa kanya. Might as well sagutin na ang tawag nito nang matapos na.
"Bakit?" bungad niyang tanong dito.
"Why are not answering my texts? Even my calls?" Kahit hindi niya nakikita, alam niya ang itsura nito. The irritation in his voice says it all.
She tried to be calm then said, "May problema ba?"
Narinig niya ang pagbuntunghininga nito sa kabilang linya. "Iyong nakita mo kanina, it's not what you think."
"Ano nga ba ang nakita ko kanina?" putol niya sa sasabihin nito.
"Janice was just-"
"One of your women!" bulalas niya. Nakakapika na.
"You're different from them."
"Wow, ha? Gusto mo ako,pero dapat no strings attached? Katulad ng mga nauna mong karelasyon, you want us to be like them. Wala tayong commitment sa isa't isa pero we're partners in bed. That's what you want because I'm different? Jesus Christ!"
"Rosaline...."
Napapikit siya ng sambitin nito ang kanyang pangalan. Masarap sa pandinig, nakakadala at nakakasabik. But the fact that he want her the way he want other girls made her heart ache. Katulad lang din pala siya ng ibang babae sa buhay nito.
Kaya ba niya? Kaya ba niyang isugal ang sarili sa isang relasyon na walang kasiguraduhan? Na alam niyang sa bandang huli ay siya ang talo. Siya ang dehado.
"Tell me then, ano ba ang nakita mo sa akin at idinadamay mo ako sa kalokohan mo? Marami namang iba diyan na willing, bakit ako pa?"
"Can you open the door for me? Para makapag-usap tayo ng maayos."
Napamulagat siya. "You're outside?"
Sinilip niya ang bintana sa kwarto niya at naroon nga ang ito. Nakasandal sa hood ng kotse nito. Bahagya itong kumaway ng makita siyang nakasilip.
"Open the door for me, baby girl."
Hindi niya ito sinagot. Nagpasya siyang bumaba upang pagbuksan ito ng pinto. Baka kung sino pa makakita rito, magawan pa ito ng isyu. But for goodness sake, madaling araw na pero nambubulabog pa rin ito. Mabuti na lang at sabado bukas, wala silang pasok.
The moment she opened the door for him, he immediately hugs her. Mabilis niya itong itinulak.
"What are you doing here? At this hour?" Inginuso niya ang relo na nakasabit sa dingding.
"I just have to explain..."
Irritation filled her face. "Why would you exlpain, Alejandro? Ano ba kita? Ano mo ba ako?"
"Baby girl...listen, okay?"
"No! You listen to me!" she hissed at him. "There's no need for you to explain, besides I don't care what you two are doing. Just let me live peacefully. Hindi iyong idinadamay mo ako sa kalokohan mo. May gana ka pang pumunta rito.The nerve!"
"Will you listen to me, damn it!" His voice pounded around the living area. Rough and authoritative that made her jolt.
Napaigik siya sa lakas ng sigaw nito. Natakot siya. Hindi niya namalayang humahakbang na pala siya palayo rito.
"No, no...baby girl. No, no...I'm sorry." He pleaded as he came near her. Regret was in his eyes.
Tears streamed through her cheeks. Hindi niya maampat ang pagtulo noon. Every time someone screams at her, nanginginig na siya. Pakiramdam niya, mag-isa lang siya. Na walang nagmamahal sa kanya. Kaya ayaw niya ng may nagtataas ng boses, naaawa siya at nasasaktan para sa sarili niya.
Lalo lamang hindi maampat ang pagtulo ng luha niya ng maramdaman ang yakap ng binata. Ito ang dahilan kung bakit siya nasasaktan but still ito rin ang dahilan kung bakit unti-unti na siyang kumakalma.
Panay ang hagod nito sa kanyang likod. Ramdam niya rin ang paghalik-halik nito sa ibabaw ng kanyang ulo.
"I'm sorry. I didn't mean to yell at you."
Bahagya niya itong itinulak upang makawala sa pagkakayap nito ngunit lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
"Let go..." ungot niya.
"No! " Hinila siya nito papunta sa sofa. Ang ending, halos nakakandong na siya dito. Pilit siyang lumalayo subalit animo bakal ang mga kamay nitong nakayapos sa kanyang baywang.
"Stay still, okay? Rest..." Pilit siya nitong inihiga sa sofa. Mabuti na lang at medyo malaki iyon,kasya sa pandalawahang tao. Pinasadya pa iyon ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito.
Napanguso siya. Bakit siya pa ata ang lumalabas na may kasalanan dito.
Ipinahiga siya nito. Ewan ba niya kung magagawa nga niyang makatulog gayong hindi nga siya mapakali sa presensya nito lalo pa nga at magkatabi sila. Hinapit siya nito palapit, her face at his chest habang nakapulupot ang kamay nito sa baywang niya. Nakatagilid ito paharap sa kanya, alam niyang kanina pa siya tinititigan nito. But to much of her surprise, his manly scent is calming her. Her breathing became shallow, how come he made those thjngs to her. Kanina galit at inis siya rito,but staying like this, him hugging her feels like heaven. Para siyang idinuduyan sa alapaap,unti unti na ring bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata.
Huli niyang namalayan ay ang paghalik nito sa kanyang noo.
The sun rays streaming throughout her window made her realize that she woke up late. But what surprised her was the man lying next to her.
"Oh my goodness!" bulalas niya. Lalo siyang hindi nakahinga ng hablutin siya nito sa kamay at hilahin pahiga ulit sa kama.
Kama? Oh my God! Paano siyang nakarating doon? Huling alaala niya ay magkatabi sila sa sofa.
"I need to use the bathroom..." bulong niya. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya.
"Bumalik ka dito pagkatapos mo..." His voice warm. And husky.
Tumango lang siya kahit hindi nito nakikita. Nungkang bumalik siya sa tabi nito. Kaya pagkatapos niyang maligo ay nagtuloy siya sa kusina upang magluto. Mabuti na lang at namataan niyang payapa ang paghinga nito,indikasyon na nakatulog ulit ito.
Nagpasya siyang magluto na lang. Napili niya ang paborito niya. Adobong manok. Mas gusto niya ang medyo sweetened kaya balak niyang lagyan ito ng pineapple chunks. Pagkatapos niya iyong maisalang ay nagsaing na rim. Pihadong gutom na rin ang kanyang bisita. Nakakahiya naman.
All of a sudden, the weather looks gloomy. Akala pa naman niya, tuloy-tuloy na ang sikat ng araw kanina. Looks like, pinaasa lang siya. To brightened up the mood, nagpatugtog siya. Pinili niya ang mga kantang medyo upbeat pero instrumental lang. Doon, kahit papaano ay naging lighter ang mood.
Pakembot-kembot pa siya habang inihahanda ang mango juice na gagawin niya ng bigla siya yapusin sa likod.
"Ay kabayong bundat!" she screamed. Tumalsik pa ang hawak niyang mangga.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Alejandro. "Hindi ka na bumalik sa pagtulog..."
Nakayakap ito sa baywang niya habang inaamoy-amoy ang batok niya.
"Alejandro naman, eh..."
Ngunit tila wala itong narinig. Nanatili ito sa kanyang likuran habang naghahanda siya ng late breakfast nila. Panay ang halik nito sa kanyang batok. And swear, kunti na lang ang pisi at pagtitimpi niya lalo na at nararamdaman niya ang pamumukol ng harapan nito sa kanyang likuran.