Alliah
Bumuntonghininga ako nang mabasa ang text ni Kuya Silas. Hindi ko alam kung paano nila nalaman kung nasaang lugar ako pero binibigyan nila ako ng oras para makapag-isip dahil hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin ako sa ginawa nilang pagpapalayas sa akin.
Any time ay pwede raw akong bumalik sa bahay pero hindi ko pa iyon kayang gawin. Hindi madali ang naging sitwasyon ko simula ng pinalayas nila ako. Dalawang linggo akong halos umiyak at magkulong sa loob ng hotel room na pinaglagian ko hanggang sa maubos ang naipon kong pera para lang may matuluyan ako.
Hindi nila naisip ang kalagayan ko, paano kung hindi ko nakilala si Iall sa cafe shop na tinambayan ko? Paniguradong magiging pulubi ako sa daan at mamamalimos na lang ng pera para mabuhay.
Mahal na mahal ko pa rin ang mga kapatid ko at hindi naman ako magtatanim ng sama ng loob sa kanila. Babalik rin ako sa amin pero hindi pa sa ngayon na malaki ang tampo ko.
Dahil wala akong magawa ay naisipan kong magbukas ng f*******: account. Mabuti na lang at hindi pinalitan ni Murphy ang password ng account ko nang hinack niya ito. Sa news feed ko pa lang ay nabasa ko na ang kadramahan niya at katulad ng dati ay marami na namang naaawa at sumisimpatya sa kanya dahil kahit nerd at out of style siya kung manamit ay hindi siya binubully at respetado pa din siya ng lahat ng taga sa amin dahil ang kaniyang ama ay isa lang namang Mayor sa buong lugar namin.
Mayaman ang pamilya ni Murphy at sa totoo lang ay gwapo naman siya, lanky ang build ng katawan, matangkad, at natatabunan ng malaking eyeglasses ang malabo niyang mga mata kaya kung titignan ay para siyang mahina at lampa.
Alam sa buong lugar namin ang pagkagusto niya sa akin dahil lantaran ito kung sundan o suyuin ako. Marami ang nagagalit dahil bakit raw na hindi ko bigyan ng pagkakataon si Murphy para maging boyfriend ko? Sayang naman daw at mayaman at makapangyarihan ang pamilya nito.
Ang sagot ko ay wala akong nararamdaman para sa kanya. Hindi ko kayang pilitin ang sarili ko sa taong hindi ko gusto lalo na kung pera lang pala ang habol ko rito.
Mabait naman si Murphy pero hindi ko na talaga kaya ang ginagawa nitong pang-iistalk at ngayon ay minanipula niya ang mga kapatid ko at hinalikan ako na hindi ko ginusto.
Murphy Alesander Aguilar: (1 hour ago)
Ano pa ba ang ayaw niya sa akin? :(
Umabot ng 225 likes ang f*******: status niya sa loob lang ng isang oras at puro hate comments patungkol sa akin ang nabasa ko sa comment section.
Ano pa ba ang bago kay Murphy? Dati na niya itong ginagawa magmula mga bata pa kami hanggang ngayon at isa ito sa dahilan kung bakit hindi ko siya magustuhan dahil may pakiramdam talaga ako na hindi ako magiging ligtas sa kanya.
Nag log-out na ako pagkatapos at itinabi ang cellphone ko sa drawer ng bedside table. Napangiti ako ng maalala ang mga nangyari kanina.
Mabait ang limang magkakaibigan at gumaan ang loob ko nang makasundo ko si Froi. Ilang beses siyang humingi ng tawad sa mga hindi niya magandang nasabi sa akin. Si Sergio naman ay mabait rin at hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako at tutulungang magluto ng lunch at dinner namin.
Hindi lang ako gaanong komportable sa pagiging clingy ni Froi pero baka ganoon lang talaga siya; na sweet sa isang babae. Si Sergio ay tahimik lang pero magaling itong makiramdam lalo na ng mapansin niya ang pagkailang ko sa pag-akbay sa akin ni Froi.
Sa kanilang dalawa ay kay Sergio ako mas komportable at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya. Intimidating at gwapo siya kaya hindi ko mapigilan ang pamulahan ng mukha nang dahil sa kanya.
Crush ko na ba si Sergio?
Natigil lang ako sa pagngiti nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at binuksan ang pintuan.
Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Froi at may hawak itong isang baso ng gatas.
"Froi, ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Inabot nito ang hawak niyang baso ng gatas kaya kinuha ko iyon. "Naisipan ko lang na timplahan ka ng gatas para makatulog ka ng mahimbing."
"S-salamat nga pala sa gatas." nahihiya kong sabi.
Tumango siya at napansin ko ang pasimple nitong pagsulyap sa loob ng kwarto ko.
"Pwede ba akong pumasok sa loob? Gusto ko lang makita ang loob ng kwarto mo." sabi niya at inginuso ang nakaawang kong pintuan.
May ilang man akong nararamdaman kay Froi dahil naka boxer shorts lang siya at walang suot na pang-itaas ay tumango ako at pinapasok siya sa loob ng kwarto ko.
Normal lang sa akin ang makakita ng half naked na lalake dahil sa mga kuya ko pero iba pala ang pakiramdam kapag hindi mo kaano-ano ang lalakeng makikitaan mo ng ganito.
Nilagay ko sa bedside table ang isang baso ng gatas na binigay ni Froi samantalang siya naman ay umupo sa kama ko.
May malaki siyang pangangatawan na hindi naman iyong tipong pang body builder, sakto lang ito. May abs rin siya at moreno ang kutis. Matapang siyang tignan katulad ni Sergio at tiyak rin na maraming babae ang naghahabol sa kanya.
Umupo ako sa upuang malapit sa kama habang nililibot niya ng tingin ang kabuuan ng kwarto ko.
"Ang ganda ng kwarto mo, Alliah. Hindi ko lang inexpect na mapapaganda mo 'to kahit boring at plain tignan itong apartment ni Iall." Tumawa si Froi at nilagay ang magkabila niyang mga kamay sa kama.
Sa posisyon niya ay hindi ko mapigilang mapansin ang ibaba niya sa suot na gray boxer shorts. Halatang-halata iyon at hindi ko alam kung sinasadya ba niya itong ipakita sa akin o hindi.
"O-Oo. Nilagyan ko lang ng kurtina at bedsheet na dala ko ang bintana at kama para maaliwalas tignan." sabi ko at kaagad iniwas ang tingin sa kanya.
Ngumisi si Froi. "Masaya ako at okay ka lang dito sa apartment. Mababait ang mga kaibigan ko. Kung may kailangan ka ay magsabi ka lang sa kanila."
Tumango ako at ngumiti. "Salamat din sa pagtanggap mo sa akin dito, Froi. Alam kong hindi kayo sanay na may babaeng nakatira sa apartment n'yo pero hindi naman ako magiging pabigat sa inyo. Tutulong ako sa mga gawain at may trabaho naman ako."
Bigla niya akong hinila at pinaupo sa tabi niya. Nagulat naman ako.
"Huwag mo ng problemahin 'yon. Nandito kaming lima at ayaw naming iasa sa'yo ang kaya naming gawin. Magstay ka lang dito hangga't gusto mo." sabi ni Froi at bumaba ang tingin niya sa labi ko.
Tumikhim ako para agawin ang atensyon niya. Kaagad niyang inalis ang tingin sa labi ko at ngumiti na lang.
"Siya nga pala, kung wala kang gagawin sa Sabado ay gusto ko lang sana na yayain kang lumabas."
"Saan naman tayo pupunta? Wala ka bang girlfriend ngayon?" tanong ko.
Umiling siya. "Mamasyal tayo sa mall, manood ng sine, o kumain sa fastfood. Sa fastfood lang tayo kakain, ha? Masyado kasing mahal kung sa restaurant tayo kakain." nakangiti niyang sabi.
Binanggit nga pala sa akin ni Iall na lumaki sa hirap si Froi at parehong nakakulong ang mga magulang nito na binibigyan niya ng pera doon para may pambili ng pagkain at ibang mga pangangailangan ng mga ito sa loob ng bilibid.
Wala akong gagawin sa Sabado dahil day-off ko at hindi naman siguro masamang sumama kay Froi dahil mabait naman siya at baka bumabawi lang sa mga nasabi niyang masama noong nakaraang araw.
Tumango ako na nagpangiti lalo sa kanya. "Sige."
"Ayon, oh! Gagawin nating memorable ang pamamasyal natin sa Sabado." Muling bumaba ang tingin ni Froi sa labi ko at bigla akong kinabahan nang unti-unti nitong inilapit ang mukha niya sa akin.
Akala ko ay mahahalikan niya ako pero mabuti na lang at biglang dumating si Iall kaya hindi naituloy ni Froi ang gagawin niya.
Nanlaki ang mga mata ni Iall sa naabutan niya. Si Froi ay napasuklay na lang sa buhok at umiwas ng tingin sa kaibigan.
"What are you doing here, Froi?" tanong ni Iall na sumulyap sa akin bago muling binalik ang tingin kay Froi.
Parang gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko dahil nahuli niya na balak akong halikan ng kaibigan niya.
Tumayo naman si Froi at napairap. "Dinalhan ko lang ng gatas si Alliah, relax ka lang, bro-"
"Paano ako magrerelax kung naabutan ko lang naman na hahalikan mo siya?" Galit na sabi ni Iall na nagpakaba sa akin dahil baka mag-away pa sila ni Froi.
Tumawa ng sarkastiko si Froi at ngumisi. "Eh, ano naman sa'yo?"
Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Iall at may pagbabanta ang mga tingin niya kay Froi. "She's only 18 years old, and I'll never forget what you did to Sergio before-"
Biglang itinulak ni Froi ang dibdib ni Iall na ikinagulat ko.
"Anong ginawa ko kay Sergio? Hindi ko na kasalanan kung nilandi ako ng ex-girlfriend niya at pinatulan ko lang!" singhal nito.
Kanina lang ay maayos sila ngayon naman ay nag-aaway na.
"Oh, yeah? Sergio didn't mind because he isn't romantically in love with his ex-girlfriend pero maling-mali pa rin ang ginawa mo, Froi! Isang araw lang nung magbreak 'yong dalawa tapos maaabutan na lang namin bigla na nagse-s*x kayo ni Giorgia sa loob ng kwarto mo?" rebelasyon ni Iall na mas lalong nagpagulat sa akin.
Paano nagawa iyon ni Froi sa kaibigan niya? Kung nagbreak man sina Sergio at ang ex-girlfriend nito ay dapat hindi niya iyon pinatulan tanda na lang ng pagrespeto kay Sergio.
"Itikom mo 'yang bibig mo, Iall kung ayaw mong lumpuhin kita dito! Huwag mo ng ungkatin ang mga nangyari noon dahil maayos na ang lahat!" gigil na saad ni Froi.
Natahimik si Iall at bumuntong-hininga. "I'm sorry, Froi... I didn't mean to bring up the past." nagsisisi niyang sabi.
Humalaklak si Froi at nagtiim-bagang habang nakatingin ng masama kay Iall.
"Hindi ibig sabihin na mas nakakaangat kayo ni Sergio ay may karapatan na kayong maliitin ako. Huwag kayong magmalinis dahil may mga baho rin kayo sa katawan. Ito na ang huling pagkakataon na magagalit kayo sa akin kundi ay hindi n'yo alam ang mga kaya kong gawin!" Pagbabanta nito at binangga pa ang balikat ni Iall bago umalis sa loob ng kwarto ko.
Napahilamos ng mukha si Iall at ilang beses na napamura. "I didn't mean what I said to Froi," Tumingin siya sa akin at nilapitan ako.
Para pakalmahin siya ay niyakap ko siya. Niyakap niya naman ako pabalik. "Magiging maayos din ang lahat. Magkaibigan kayong dalawa at huhupa rin ang galit niya sa'yo."
"I know, Alliah, but he's too much and it's difficult to tolerate him just because we're his friends." Humarap siya sa akin at malungkot ang ekspresyon nito.
Nakikita ko kung gaano kahalaga si Froi bilang kaibigan ni Iall. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa samahan nilang magkakaibigan pero hindi naman magiging malulungkot ng ganito si Iall kung hindi mabuting kaibigan si Froi.
"Si Froi ang dahilan kung bakit napunta kami sa magandang record label, Alliah. He made an effort simply to help us in our band's journey. He also suggests to the talent manager that I send my sample songs. He's the original front man of That One Thing, as our talent manager promised, because he's the most skilled and talented to us pero nang pumatok ang banda namin at sina Sergio at Riosh ang napapansin ng mga fans ay nag-give way na lang si Froi para lang magtagal ang banda namin."
Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit iniintindi ng magkakaibigan ang ugali ni Froi. Ito pala ang dahilan kung bakit napunta sila sa mas maganda at maayos na record label. At masakit iyong siya ang pinangakuan na maging front man pero ang mas napansin ng mga tao ay sina Sergio at Riosh. Tama nga ako dahil sa kanilang lima ay iyong dalawa talaga ang kapansin-pansin.
Hinawakan ni Iall ang dalawang kamay ko at tumitig ng mariin sa akin.
Ang ganda ng kulay bughaw niyang mga mata. Pareho ng sa akin na namana ko sa half Brazilian kong Papa.
"Pero pagdating sa'yo, hindi ako papayag na mabastos ka ni Froi o ng isa sa mga kaibigan ko. As your new friend, I'm worried about you,"
"Salamat, Iall." sabi ko.
And then he kissed my forehead, making me blush like I do when I think of Sergio.
"I genuinely care about you, Alliah..."