CUPID 39

1532 Words
Tuwang-tuwa ako habang nakadikit sa akin ang mga bata. Hindi sila humiwalay sa akin at kinuwentuhan nila ako ng kung ano-ano habang nakaupo kami sa sala. "Ano ba kayong tatlo, tigilan niyo na ang Auntie Emlove niyo." sabi ni Sarina ng bumalik siya sa sala na may dalang tray at may drinks at pagkain na naroon. Ay! Feel ko naman ang maging auntie kahit hindi pa kami kasal ni Lorky noh! Nakikipag-usap siya ngayon kay Vitani sa office nito. "Naku, okay lang Sarina. Ang sarap nga nilang kausap eh." sabi ko naman at nanatiling nakayakap sa akin si Zira at kandong ko siya sa aking lap. Ayaw niyang umalis kahit kunin pa siya ng kanyang ina. Ganito pala ang feeling ng may anak noh, sobrang saya pero siguradong nakakapagod din. "Ang ganda ni Zira, ang gugwapo naman ng dalawang toh." sabay pisil sa kanilang pisngi. "Mana sa kanilang ama ay kay uncle Lorkhan nila." "Akala talaga naming lahat eh human ka. So you're an Aves then. Hindi pa kita nakikita sa Aves Clan and I never seen one na may pure na red wings." "Mahirap kasing ipaliwanang kung ano talaga ako. Ang dami kasing hindi naniniwala since pigment of imagination lang kami ng mga humans." "Try me, marami na akong nakaharap na paranormal entity. Naniniwala ako sa angels pero hindi pa ko nakikita. I've met some faes, witches, vampires dahil matagal na rin akong nabubuhay. So, what are you Emlove?" "She's a cupid!" biglang sabi ni Zira at kumain siya ng cookie. Natigilan si Sarina at pati na rin sina Lev at Lavi. "Wow… That's new…" sambit niya at ngumiti lang ako. "So, Lorkhan knows this?" tumango ako. "He's the one who saved me… We were invisible roaming around the human realm tapos bigla na lang kaming nagkaroon ng physical form. Nagulat nga rin ako ng malaman kong may shifters pa dito. I am glad you are living well given the history ng shifters na sinabi sa amin. Sinabi niya na rin sa akin na siya ang Beast King and I also met your sister, Sabira. Although hindi maganda ang first meeting namin." "Oh no…" hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito. "Alam ko ang ugali ng kapatid ko at baliw siya na maging mate ni Lorkhan. I'm sorry for what she did." lungkot niyang sabi. "It's okay, naparusahan na din naman siya. Hay naku, huwag natin siyang pag-usapan." sinubuan ako ni Zira ng cookie at inabutan din ako ni Lavi ng maiinom, ngumiti ako nagpasalamat sa kanila. "Auntie Emlove, kung cupid ka, saan ka nanggaling?" tanong sa akin ni Lev at tumabi siya sa akin sa pagkakaupo. "Alam niyo, human din naman ako dati, kaya lang may nangyari siguro sa past life ko kaya ako nawala ako dito sa human realm." "Napunta ka sa heaven ganon?" curious na sabi ni Lavi. "Hindi pa, binigyan kasi kami ng second chance para mabuhay ulit. Ang pinili ko ay ang pagiging cupid, dahil bukod sa pagkakaroon ng magandang red wings, pink na hair at eyes, I also spread love to all. Para maging masaya ang lahat, katulad ng Mama at Papa niyo." "Ikaw ba ang nagbigay ng love sa kanila kaya love nila ang isa't-isa?" tanong ulit niya. "Pwedeng ako o pwede na ang iba pang cupid na tulad ko." sabay pindot sa tungki ng kanyang ilong. "You mean marami kayo?" mangha na sabi ni Zira at tumango ako. "Yes, marami kami. Alam niyo ba ang mag-count?" tumango silang tatlo. Pinakita ko sa kanila ang aking wrist na may roman numeral na tattoo. "I'm 1,050,505, Level 3 cupid. Ibig sabihin pang one million ako. Diba madami na yon?" "Nasaan ang iba? Saan kayo nagi-stay? May palasyo ba kayo?" natawa ako sa mga tanong ni Lavi. "May Cupid Headquarters kami at naka-assign kami sa iba't-ibang realms. Ako, dito sa human realm ako napunta. May nahanap din akong isang friend ko at kasama ngayon siya ni Jariah." "Si Ninong? May cupid din siya?" di-makapaniwalang sabi ni Lev. "Ang daya naman! Gusto ko din magkaroon ng cupid." nakanguso niyang sabi at napatawa ulit ako. "Lev, don't be stubborn, bata ka pa…" awat ni Sarina sa kanya. "Tsaka magkakaroon din naman kayo ng mga pinsan na cupid pag nagkaanak na ang uncle niyo at si Emlove." "YEAY!!!" sigaw nilang tatlo at namilog naman ang aking mga mata sa sinabi niya. "Hala, masyado kang advance… Sari naman eh!" sabi ko at alam kong sobrang namumula ang aking mukha. Tumawa lang naman siya. "Gusto ko strong na lioness gaya ni Mama!" proud na sabi ni Lavi. "Gu-gusto ko human katulad ni Papa…" sabi naman ni Zira at napa-awww ako at gigil ko siyang niyakap. Sumali rin ang dalawa at nag-group hug kami. Lumawak ang aking ngiti ng lumitaw si Lorkhan kasama si Vitani at nakisali na rin siya sa aming group hug. "Why are you kids suffocating my mate huh?" at kiniliti niya ang ang nga ito. Nagkatawanan naman sila at naghabulan sa malawak na sala habang si Zira ay kalong ko pa rin. "Hay naku, yang si Lev gusto din magkaroon ng sarili niyang cupid." sumbong ni Sarina. "Kung kasing laki ko lang si Uncle Lorkhan, aagawin ko sa kanya si Emlove. Mas magandang lalake naman ako, diba po?" sabi niya at humarap sakin sabay pose pa. Tumingin ako kay Lorky na amuse ang kanyang mukha pero naiirita at the same time. Narinig namin ang mahina niyang pag-growl. "Joke lang po uncle!" bawi agad ni Lev at niyakap siya nito. "Pero sabi ni Mama gagawa daw kayo ng maraming anak na cupid uncle!" excited namang sabi ni Lavi. "Yeay!" sabi ulit ni Zira at napatawa kaming lahat. Nag-usap muna kaming lahat sa sala habang naglalaro ang mga bata. Maya-maya nagpaalam sina Sarina at Vitani na magluluto ng lunch namin. Kaya iniwan muna nila ang mga anak nila sa amin para bantayan. Pinakuha ko kay Lorkhan ang dessert na binaon namin sa sasakyan niya at mabilis niya naman itong kinuha. Pinakiusapan kami ng mga bata na mag-stay pa ng isang araw dito sa kanilang farm. Hindi naman namin sila matiis kaya pumayag kami. Buti na lang may baon kaming extra na damit. Wala kaming ginawa buong araw kundi maglaro. Lumipad din ako na buhat si Zira at talagang nag-enjoy siya. Nang matapos kaming mag-dinner, halayang na-drain ang energy ng mga bata dahil sa paglalaro namin. Hinalikan ko sa noo si Zira ng makatulog siya matapos ko silang basahan ng fairy tale story. Nakatulog na din sina Lev at Lavi na binuhat ng kanilang mga magulang para dalhin sa kanilang kwarto. In-on ko ang night light ni Zira at dahan-dahan akong bumaba sa kanyang princess theme na kama at tahimik akong lumabas ng kanyang kwarto. "Gustong-gusto ka talaga ng mga bata Emlove." tuwang sabi sa akin ni Sarina habang nakaupo kami sa hanging swing na nasa porch nila at may mesa kaming kaharap kung saan nakalagay ang mga beers at nachos na nilalantakan namin. "Sobra kamo, ngayon ko lang sila nakitang ganon sa ibang tao. Ang bilis na nahulog ang loob nila sayo." sabi naman ni Vitani. "Salamat sa pagtanggap sa akin rito. Nag-enjoy talaga ako sa pag-aalaga sa mga cute niyong anak." "Hindi ka ba napagod?" tanong sa akin ni Sarina at umiling ako. "I have a good stamina, katas ng pagte- training namin ni Jariah. Medyo nasasabayan ko na rin si Lorkhan." sabay kindat ko sa aking mate at malakas naman siyang tumawa. Nakangiti lang naman siyang tinignan ng kanyang kapatid. Napatingin ako rito ng hinawakan niya ang kamay ko. "Thank you Emlove, hindi ko pa nakikita ang kapatid ko na ganyan kasaya. Wala akong pakialam kahit tao ka o cupid, ang mahalaga, masaya sayo si Lorkhan." sincere niyang sabi sa akin. "Hindi mo rin alam kung gaano ako kasaya na kasama siya Sari. I can call you that right?" bahagya siyang tumawa at tumango. "I love your kids, they are so adorable." "I know they feel the same way with you. Mukhang hindi na si Lorkhan ang favourite nila." tukso nito sa kapatid. "It's fine with me… Hindi na ako ang lagi nilang kukulitin ngayon." sagot naman niya. "Ang peaceful naman dito sa farm niyo. Maganda siyang environment para sa mga bata. Marami ba kayong alagang animals?" "Yes! Ipapasyal ka namin bukas." "Thank you!" tuwa kong sabi at napatawa naman sila. Matapos ang aming hangout sa kanilang porch, hinatid nila kami sa isang bakanteng barnhouse na sa taas non ay isang malaking kwarto. Napahanga ako dahil sa pagka country theme nito at kitang-kita pa sa malaking bintana ang mga taniman at mga puno na nakapaligid sa buong lugar. Nag-goodnight na sila at iniwan na kaming dalawa ni Lorkhan. Agad ko naman siyang niyakap ng kami na lang dalawa ang naroon. "Thank you Lorky for bringing me here at makilala ang kapatid mo. Super bait niya pati na rin ang kanyang asawa. Nakakatuwa ang kanilang mga anak." "Sa sobrang tuwa mo sa kanila parang nakalimutan mo na ko." nagtatampo niyang sabi. Masuyo ko namang hinawakan ang kanyang mukha. "Hindi daddy… Nag-practice lang ako, alam mo na, para sa future kids natin." matamis siyang ngumiti pero bigla akong napatili ng binuhat niya ako at dinala sa bathroom na naroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD