CUPID 41

1521 Words
Hindi ako mapakali habang papunta kami ngayon sa ospital. Pwede na kasing lumabas si Seven dahil normal lahat ng test na isinagawa sa kanya at malakas na rin siya. Nakakalakad na siya ng maayos at hayun, naiinip na rin habang nandoon siya dahil gusto niyang lumabas. He wants to stretch out his wings too para mawala ang stiffness niya sa likod. Pwede na rin siyang kumain ng kahit na ano pero in moderation lang muna para hindi siya magkaroon ng indigestion according to Dr. Holl. Hindi umalis si Jariah sa kanyang tabi sa paglalagi niya sa ospital and I can tell that they are closer than ever. Naging masaya naman ang pag-stay namin ni Lorkhan sa farm ng kanyang kapatid. I fully enjoy taking care of the kids and playing with them. And for the first time, nakasakay ako sa isang horse na napakaamo. He was big and black, but gentle. Tinulungan ko sila sa routine nila sa farm at nakilala ko lahat ng members ng pride nila pati na rin ang mga magulang ni Vitani. He's father is a human na siyang may-ari ng farm and he became immortal too ng maging fully mated sila ng kanyang lioness na asawa. Ganon pala yon, kaya ibig sabihin magiging immortal si Elva after ng one week nilang bakasyon sa cabin ni Orson. Ang mahirap lang eh nong umalis na kami sa farm, ayaw akong bitawan ng nga bata lalong-lalo na si Zira na gustong sumama. Na-convince ko lang sila ng sinabi ko na babalik kami at mag-stay kami ng matagal, and we sealed the deal with a pinky promise. Hindi nawala ang ngiti ni Lorkhan sa nangyaring deal ko with the kids. Masaya ako at dinala niya ako sa farm and I expressed that happiness last night ng makauwi na kami sa hotel. My body is still tingling sa ginawa namin kagabi. "Lorky, sa atin ba titira si Sven?" tanong ko sa kanya habang hawak ko ang kanyang kamay. "I don't think so, baby. Jariah wants to be by his side all the time. Tsaka mapapanatag siya pag nasa teritoryo niya ito and to spread his scent all over his place." "Saan sila titira? Malayo ba ang place ni Jaja? Gusto ko sanang makasama muna si Sven." "Sa hotel sila pansamantala titira para mapanatag kami na safe kayong dalawa. Kailangan pa ring mag-ingat lalo na at nahanap natin ang isa sa facility ng mga humans. Ganon din sina Orson at Elva." tumango lang naman ako. "Pagbalik nila fully mated na sila." tumingin ako sa kanya. "Kailan tayo Lorky?" nakita ko ang kanyang ngiti at hinalikan niya ang ang kamay ko. "Malapit na little cupid, the perfect timing is the key. Hindi isang normal na mating lang ang mangyayari sa atin. Nakalimutan mo yata na Beast King ako." "And you're a god too… Naiinip na kasi ako. I want to know if I'll go in heat so I can give you cubs that you want. Pero paano pag hindi kita mabigyan?" alala kong sabi. "Pipili ka ba ng mistress mo tapos siya ang magbibigay ng cubs sayo?" saglit siyang tumingin sakin tapos ay bigla niyang itinabi ang sasakyan. Inis ang kanyang mukha na hinarap niya ako. "Emlove, saan mo naman narinig yan? Did you google search it? Di ba hindi ka dapat laging naniniwala sa mga infos na naroon." "But it happens sa royalty ng mga humans, it also happens when royalties are ruling the world. Na kapag hindi nabubuntis ang Queen, mapipilitan na pumili ng ibang babae ang King para mabuntis siya. I've watched a documentary on it too." hinawakan niya ang aking mukha at tinitigan niya ako. "That will never happen little cupid, it would be a rejection and my beast wouldn't like it. Siguro nangyayari yon sa mga royalty to secure their throne but not with me. Okay lang kahit hindi mo ko mabigyan ng cubs basta kasama kita. And there is a little chance anyway na hindi ka mabuntis." "Pero cupid ako…" ngumiti siya at hinalikan niya ang aking labi. "And I am a god baby, nothing is impossible. Ayoko ng marinig ang bagay na yan okay, I'll get really mad. Ikaw lang ang magiging babae sa buhay ko." "I'm sorry… Hindi ko na ito babanggitin pa. I love you Lorkhan, ikaw lang din ang lalake sa buhay ko." naglapit ang aming mukha at masuyonkaming naghalikan. Tumigil lang kami ng may bumusina, at umalis na rin kami. Bumaba ako kaagad ng maka-park na si Lorkhan at kinuha ko ang pasalubong po para kay Sven na masasarap na chocolates! Nakalimutan ko ng kunatok at binuksan ko na lang ang pinto ng private room. Natigilan ako ng makita na walang suot na shirt si Sven at parang minamanyak siya ni Jaja! Mabilis akong kumilos at sumampa ako sa likod ni Jariah at sinabunutan siya. "Aray! What the f*ck?!!! Pinky ano ba!" malakas nitong sabi. "Ikaw! Pinagsasamantalahan mo na agad ang kaibigan ko! Lalabas pa lang siya sa ospital ano ka ba Jaja! Ang manyak mo!" bumitaw ako sa kanya ng hinapit ako sa baywang ni Lorkhan at binuhat palayo sa bestfriend nito. Inis na inis naman ang mukha ni Jariah ng humarap siya sakin at pinandilatan ko siya ng mga mata. "Sumosobra ka na ah!" inis niyang sabi sa akin at binelatan ko lang siya. Nagsuot naman ng shirt si Sven at hinawakan niya si braso si Jaja para pakalmahin ito. "Nakakainis ka na Pinky ah! At hindi ako manyak noh!" "Weh? Eh bakit nakahubad si Sven kanina? Hindi ka na ba makapaghintay? Ako nga kahit nilandi ko si Lorky, ang tagal niyang bumigay." "Emlove, wala siyang ginagawa sakin. Tinutulungan niya lang ako." sabi ni Sven. "At gusto ko din naman na manyakin niya ko, pero dapat ako lang." sabay kindat niya rito. Napakamot naman ng batok si Jariah at tumawa ako. "Ang landi mo!" sabay yakap ko kay Lorkhan. "Ready ka na ba? Ito nga pala, pasalubong ko sayo." at inabot ko sa kanya ang hawak kong paper bag na naglalaman ng chocolates. "Gusto mo bang mamasayal?" "Hindi pwede Pinky." sabat ni Jariah at napa-pout naman ako. "Bakit hindi?! You can't keep him forever in a room!" angal ko. "Baby, hindi mo kasi naiintindihan. Nakuha natin si Sven sa facility hindi ba? His life is at risk too kaya makikilala siya ng mga humans na nakakita na sa kanya." sabi ni Lorkhan at binaba niya ako. "Hangga't hindi pa natin nakikita ang ibang facility, hindi siya pwedeng gumala. Besides, I can occupy all his needs." tuksong sabi ni Jariah sabay hapit niyang sa bewang ni Sven. Ngayon ko lang napansin na mas matangkad ito kaysa sa aking kaibigan but they both have the same build. "I decided to color my hair too, parang ang distracting kasi pag makihalubilo na ako sa mga humans." "Ang cute kaya!" angal ko ulit. "Cute pag sayo, and weird kung sakin. Besides, I always wanted to colour my hair. Madali lang naman siguro." "Gusto ko yan! Mag-order na lang tayo sa online. Pati na rin ibang damit at gamit mo. Marami akong ituturo sayo!" tuwa kong sabi at lumapit sa kanya. "Salamat ah… Kaya kita bestfriend eh!" "Oo naman! Pareho pa tayong maganda. Let's go na, marami din naman pwedeng gawin kahit nasa hotel tayo. We can go swimming in the pool, may spa, may tennis court, may malapit na golf course pero hindi ko pa nasusubukan ang mga yon. Busy din ako eh." "Asus! Busy ka na nakikipaglandian sa mate mo kamo." sabay kurot niya sa aking tagiliran. "Ihhhh… Ikaw din naman eh, masaya pa rin kahit wala ako." at kinurot ko din siya. "Tama na ang harutan niyong dalawa. At ikaw Pinky, huwag mo ngang landiin ang Sven ko, sakin siya okay. He's my mate, he's going to be my partner in life." "Oh tapos? Bakit ko naman siya lalandiin eh kapatid ko yan. Masyado kang seloso, kaya ka laging nasasaktan kay Lorkhan eh. Naku Sven, bantayan mo ng mabuti toh." "Subukan niya lang magloko, magloloko din ako." banta niya at natigilan si Jaja. Pareho kaming tumawa at nauna kaming lumabas ng kwarto na magkahawak kamay. Nakabusangot ang mukha ni Jariah habang nasa sasakyan kami hanggang sa makabalik na kami sa hotel. Namangha siya ng makarating kami roon, may suit din siyang cap para hindi magstand out ang kanyang magenta pink na buhok na parang kita hanggang sa ibang planeta. "Emlove, sobrang sosyal naman dito. It's all marble, si Lorkhan ba ang may-ari nito?" pabulong niyang sabi sa akin. "Sila ni Jariah, partners ang mga yan sa business world." sagot ko sa kanya. "Yayamanin pala ang nabingwit natin! High five!" napahagikgik naman ako at nag high five nga kami. Kinuha ni Lorkhan ang kamay ko, hinawakan naman ni Jariah ang kamay ng aking kaibigan at iginaya kami sa loob. Binati ko si Aquila na kasalukuyang head security ngayon. Buti nga at pumayag siya, mas gusto niya kasi ng spy duties. I wonder kung sino pa ang sentinel ni Lorkhan? Nandoon kaya sila noong nasa lab kami? Oh well, makikilala ko din naman sila, sa ngayon, magsasaya ako kasama ang aking matalik na kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD