CUPID 43

1826 Words
Maaga akong nagising dahil itutuloy na namin ang aking training at si Aquila ngayon ang trainer ko pero kasama din namin sina Jariah at Sven na parang marami ng energy. Ilang araw din kasi silang nakulong ni Jariah sa kanilang suite at pinagsabihan ako ni Jaja at Lorkhan na huwag silng istorbohin. Masama man sa aking loob, hindi ko na nga ginawa at sumama na lang ako kay Lorkhan sa kanyang office. Actually, naging assistant niya ako at tinulungan siya sa tambak na trabaho na kanyang gagawin. Sabi ko nga gawin na lang niya akong official na assistant niya para matulungan ko siya, matalino naman ako eh at marami na akong alam sa mga computers. Kaya lang kailangan ko ng makabalik sa training dahil matagal na akong natengga and I need my fighting strength back. Magte-train na din pala si Sven kaya mas enjoy! Tumigil ang sasakyan namin sa harap ng isang malaking dome na malapit lang sa city proper. Bumaba kami ng sasakyan at agad kong sinundan si Aquila para makita ang loob non. Binuksan niya ang kandado at tinanggal ang malaking kadena na nakapulupot sa handle nito. Binuksan niya ang malaking double doors na pinto at medyo madilim sa loob. Pumasok siya at narinig ko na may tinaas siyang switch at lumiwanag ang malawak na space na parang isang theater hall. Walang laman sa loob at makikitang matagal na itong hindi nagagamit. Pumasok rin sina Sven at Jariah na siyang nahsara ulit ng pinto. “Ang laki naman, sobrang taas ng ceiling oh!” hanga kong sabi habang tumitingin ako sa buong paligid. “It’s for your fly training, para walang humans na makakita sa inyo.” sabi ni Jariah. “I always want to learn how to fight in the air!” excited kong sabi. “Pwede na ba naming ilabas ang aming wings?” tanong naman ni Sven at ngumiti sa kanya si Jaja na abot hanggang sa kanyang mga mata. “Of course babe…” sagot niya. Nilabas ko ang aking wings at pareho kami na bumuntong hininga ng ini-stretch out namin ito and we flap it a few times para mawala ang stiffness nito. Nilabas din ni Aquila ang kanyang cool wings at muli akong napahanga sa kulay at laki nito. Although malaki din naman sa ain pero pure red siya hindi tulad ng sa kanya na nagble-blend ang mga kulay. Masaya akong lumapit sa kanya at tinaasan niya ako ng kilay. “Can I touch it again?” tanong ko sa kanya. Ngumisi lang siya at bigla siyang lumipad, napapikit ako ng konti sa lakas ng hangin na gawa non. Nasa taas na siya at nakatungtong sa isa sa mga metal bars. “Aquila naman eh!” angal ko. “Habulin mo muna ako, if you can keep up with me, you can touch my wings again.” pinaningkitan ko siya ng mga mata at lumipad na rin. Mabilis akong lumapit sa kanya pero mas mabilis siyang kumilos. Hinabol ko siya sa malawak na dome at hindi lang kami umiikot ah, nagiiba-iba siya ng direksyon, paikot, pazigzag, pababa, pataas. Ni hindi ko napansin na mabilis na tumatakbo sa ibaba sina Sven at Jariah. Habang naghahabulan kami sa ere, tinutukso pa niya ko na lalo ko pang kinainis. Hindi ko alam kung ilang oras namin na ginawa ito hanggang sa niyaya kami ni Jariah na kumain muna ng lunch na kinagulat ko. Maaga kaming umalis at ang alam ko ilang oras pa lang kaming nagte-training, tanghali na pala. Smooth akong lumanding na parang sa nakikita ko sa movies at ngumiti ako. "Okay ba ang landing ko?" tanong ko sa kanila. "Madami ka ng napapanood na superhero movies." sabi ni Jariah. "I'm practicing a cool landing para pag pinakilala na ko sa mga clan leaders eh di maganda ang entrance ko." sagot ko. "That's a good idea." sabi ni Aquila. Nagpasalamat naman ako at kumain na kami. Nagbibigay ng pointers sa akin si Aquila habang ang dalawa ay nagsusubuan ng pagkain at naglalambingan. Matalim ko silang tinignan dahil medyo naiinggit ako. Napaaray ako ng tapikin ako sa noo ni Aquila. "Focus Emlove, nakikinig ka ba sa sinasabi ko." "Yes boss!" sagot ko at napailing lang siya. Matapos kaming kumain, pahinga kami saglit para mag-settle down ang mga kinain namin. After that, lumipad na naman kami ni Aquila habang tinuruan ni Jariah ang kanyang mate kung paano makipaglaban. Nakakapagod pero hindi ako tumigil at mas lalo kong binilisan ang kilos ko. I flap my wings harder, glided smoothly in the air at napre-preedict ko na rin kung saan siya tutungo. May isang beses na muntik ko na siyang maabutan pero mas lalo pa siyang bumilis. Hindi ako makapaniwala kaya nainis ulit ako. "Ang daya naman!" inis kong sabi at tumawa lang siya. "Hindi mo kaya?" tukso niya sakin at hinabol ko ulit siya. Habang lumilipad ako ng mabilis bigla na lang parang may humatak sakin kaya napatigil ako. Sumakit ng husto ang aking ulo at bumibilis ang t***k ng aking puso. Napahawak ako sa aking ulo, I can hear voices na hindi ko maintindihan. Hanggang sa may narinig akong maliit na tinig na pamilyar sa akin. "Emmy...he-help…" sambit ng umiiyak na tinig na yon. My vision blackened and I feel myself swirling down… down… Naririnig ko ang sigaw ni Sven hanggang sa may bumuhat sa akin at ng mag-clear ang aking paningin, nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Aquila. "Emlove, ayos ka lang?" alala niyang sabi at napakurap ako. Nakita kong buhat niya ako at nasa tabi ko na sina Sven at Jariah na nag-aalala rin. "Anong nangyari? And your wings are glowing Pinky. Ano na naman bang kababalaghan ang nangyayari sayo?" tumingin ako sa aking likod at tama nga ang sinabi niya. Sunod akong tumingin kay Sven at seryoso siyang nakatingin sa akin. "Emlove…" tawag ulit ni Jaja. "So-sorry… I-I felt something." naguguluhan kong sabi. "You were falling Pinky, anong naramdaman mo? Buti na lang at mabilis kang nasalo ni Aquila." nagpasalamat ako rito at binaba niya ako. "Somebody needs my help. Jaja, narinig ko ang boses ni Zira." nanginginig ang boses kong sabi. "Humihingi siya ng tulong, sa tingin ko may kumuha sa kanila and I can track her." "What do you mean? Anong kinuha siya? Paano mo narinig ang boses ni Zira?" naguguluhan niyang sabi. "Because she gave her a feather." sabi ni Sven at tumingin kaming lahat sa kanya. "What were you thinking, Emlove?" "Akala ko myth lang sa atin yon, hindi ko naman alam na totoo pala." "What about her feather?" tanong ni Aquila. "May myth kasi about the cupid na kapag binigyan ka ng isa sa mga feather nila, nag-wish ka, it will come true. Mukhang nangyari na at kailangan ng tulong ang pinagbigyan mo." "Well I'm glad I did it dahil nasa panganib siya at maging ang kanyang kapatid. Please Jaja, tawagan mo si Lorky or si Sarina para makasigurado tayo." "Okay, okay, tatawagan ko si Sarina." tumango lang naman ako at kinuha nito ang kanyang phone. Tinawagan nito si Sarina pero busy ang line, kaya sunod nitong tinawagan si Lorkhan at ganon rin. Dahil hindi ako makapaghintay, sinabi kong hahanapin ko sila kaya mabilis akong lumabas ng dome. "Pinky, huwag ka ngang magpadalos-dalos." inis nitong sabi sa akin. "Nararamdaman ko Jaja, I can feel that she needs my help. Baka tuluyan pa siyang mapahamak pag wala pa tayong gawin. Andito naman si Aquila eh, we can find them together tapos tatawagan na lang namin kayo." "Alpha, she's right." sabi ni Aquila. "Sasamahan ko siya at babalitaan kita kung totoo ngang may kumuha sa kanila. Tawagan mo ulit si Lorkhan and tell him what happened." "Papatayin na ako non. Fine! Ikaw Pinky huwag kang gagawa ng magpapahamak rin sayo at huwag na huwag kang haharang sa tank. You get me?" ngumiti ako at tumango. "Sasama din ako, I want to help." sabi rin ni Sven at nakita ko na tatanggi sana si Jaja pero in the end pinayagan na rin. "Go, ako na ang bahala sa iba. Tell me kung nasaan kayo at susunod kami." nagpasalamat ako at niyakap siya tapos ay lumipad na kaming tatlo. Tumigil na sa pag glow ang wings ko at sana, sana okay lang si Zira. Lorkhan's POV Agad kong kinuha ang aking phone at sinagot ito ng makitang tumatawag sa akin ang aking kapatid. Mukhang kinulit siguro siya na tawagan ako o kaya gusto nilang makausap si Emlove. Ayaw mahiwalay ng mga bata sa kanya and I really love it when they call her auntie Emlove. Kitang-kita ko na gusto siya ng mga ito and they are really happy with her. "Lorkhan, Lor…" rinig ko sa boses niya na nanginginig at mukhang takot. "Anong problema Sarina? Are you crying?" "Oh my god Lorkhan, may mga humans na umatake sa farm. Hindi naman sila nakalapit dahil may nakakita agad sa kanila. We went and handle it at pinapunta ko ang mga bata kasama ang iba sa safe room." "Are there any casualties?" alala kong sabi at napatayo ako sa aking kinauupuan. "Wala, nasugatan ang iba pero hindi naman malala pero ang mga bata, my children Lor, nawawala sila." napahigpit ang hawak ko sa aking phone at napuno ng galit ang buo kong katawan. "Anong gagawin ko? Hindi namin alam kung saan maghahanap. We can't smell their scent, they don't have any trace. Tulungan mo kami, please brother…" "I'm sorry Sarina at nangyari ito. How did they even find out about your place? Pupunta ako dyan, I will help you okay. Mabilis lang ako." nagpasalamat siya at in-end ko na ang call. Mabilis naman akong lumabas sa aking office at nagbilin sa aking secretary. Tinawagan ko din ang aking mga tauhan para pumunta kami sa farm. Maging si Jariah ay tinawagan ko din para ipaalam ang nangyari. "Thank god you called!" sabi niya ng sinagot niya ang tawag ko. "Listen, something weird happened earlier pero ang sabi ni Emlove, narinig niya ang ang boses ni Zira na humihingi ng tulong." natigilan naman ako. "I need to talk to her, give her the phone." utos ko pero narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Sorry man, pero lumipad siya kasama si Aquila and Sven to track the kid down. Alam daw niya kung nasaan ito, it's about wishing to a feather or something. Pero kanina ko pa tinatawagan si Sarina para malaman kung totoong nawawala ang mga bata." "Katatawag lang ng kapatid ko sakin at nawawala nga ang mga bata." napamura siya. "Where are you right now?" "Sinusundan ko sila, Aquila turn on the tracker of his phone." "I will track you too, kasama ko ang iba. Be alert and don't ever let her out of your sight." "Okay Lor… Alam mo, kakaiba talaga ang mate mo." mangha niyang sabi at bahagya lang akong natawa. Pagkatapos ng pag-uusap namin, tinawagan ko si Sarina at sinabi sa kanya ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD