The Cupid

1695 Words
Inis kong binagsak ang aking mga kamay sa table pero mas lalo akong nainis dahil lumusot lang ang kamay ko. I glare at all the humans all around the club, who are enjoying themselves, grinding, flirting with anyone who catches their eyes. Where's the love? Where's the desire? Where's the romance?! Ang nakikita ko lang ay mga taong gustong ilabas ang kanilang libog. Katulad na lang ng lalakeng nasa harap ko. Ito na yata ang ikatlong araw na may pinopormahan siyang babae with his bad pick-up line. Hindi sa iisang babae kundi iba-iba! At lahat ng mga babaeng yon, puro easy! Kumakagat agad dahil sa gwapo siya at mukhang mayaman! This is very disappointing! "What's wrong with you people?!" sigaw ko at syempre hindi rin nila ako naririnig! Hindi ako makapaniwala na ito ang pinasukan kong second life! Nong pinapili ako ng mga angels, cupid agad ang pinili ko! Akala ko magiging masaya because I want to spread love, romance, desire, na ako ang magiging daan sa isang happy ending. It was fun at first but after 5 decades, sobrang boring na! Isa pa, invisible ako, wala akong physical form para lang akong ghost na lumulutang sa mundo. Wala akong mahawakan, ni hindi ko alam ang itsura ko dahil wala akong reflection. Although I see my pink, wavy, long hair, this awesome red wings and this shimmery, silver dress is just so gorgeous! Sana nga lang maganda ako! Bumuntong hininga ako, halos lahat ng humans, their selfish and conceited! Iilan na lang ang natitirang matino dito sa human realm. I have successful matches throughout the years, nakikita ko silang masaya hanggang sa tumanda na sila pero naiwan naman akong bitter! Gusto ko rin ng love para sa sarili ko! Gusto kong may lalake na matatawag kong akin pero paano? Hindi naman ako nakikita at naririnig. Kaya ngayon kung hindi man ako nagsisisi, isa naman akong malaking ampalaya. Lumipad ako palabas ng nightclub at tumungo sa Rose Pub kung saan ko makikita ang lalakeng nagpapatibok ng aking corporeal heart. Siya lang ang dahilan kung bakit ako nag-stay dito sa human realm. Paglipad ko papasok doon, nakita ko siyang nakaupo sa harap ng bar at umiinom ng favourite niyang whiskey. Umupo ako sa stool na katabi niya at tinitigan ang pinakagwapo niyang mukha. He has a scar on his eyebrow na nagpa hot sa itsura niya, long, inky, black hair and his eyes are amber coloured. Malaki siya, malaki at maganda ang katawan na obvious pa rin kahit nakasuot siya ng suit. "Malungkot ka na naman heart ko… Workaholic ka kasi kaya wala ka ng time sa sarili mo." sabi ko kahit hindi niya ko naririnig. Naglabas siya ng cash at nilagay sa bar tapos ay inubos ang alak niya. Nagtaka naman ako, wala ba siyang type na babae ngayon at wala siyang kasama? Is he leaving without one? I cupped his cheek, tumayo na siya at lumabas tapos ay diretso na siyang umuwi. Syempre sinundan ko, sa kanyang penthouse, sa kwarto, sa banyo… I've seen him naked many times and I've seen him f*ck women already kaya walang malisya. Matapos siyang maligo at magbihis, humarap siya sa malaking glass na may view ng city. Tumagos ako sa salamin at hinarap siya tapos ay tinitigan siya ulit. Ang lungkot-lungkot ng mukha niya. Maybe he's getting tired with his routine? Kung may physical form lang ako yayakapin kita ng mahigpit tapos aalagaan pa kita. Ang lonely mo kasi dito sa malaki mong penthouse. Ang mga babaeng dinadala mo rito gusto lang ng pera mo. Bukod sa rich ka, sikat ka pa, lagi ko kayang nakikita ang napaka gwapo mong mukha sa mga magazine. I can be the woman that you deserve, ang mamahalin ka ng buong puso, kaso lang, human ka at cupid ako. Ni hindi nga kita mahawakan eh, gusto kong isuklay ang aking mga daliri sa mahaba mong buhok, haplusin ang mukha at napaka ganda mong katawan. Bumuntong-hininga siya at idinantay ang kanyang kamay sa salamin. Ginawa ko rin yon sa katapat niyang kamay. "Love… Will I ever get that?" sambit niya at nagkibit-balikat ako. "I did try heart ko, but the women who want you are all a b***h. Besides, ang tigas ng shield sa heart mo na hindi ma penetrate ng love arrows ko." sagot ko naman. Then as I stare at him, something really weird happens. Napansin ko na hindi tumagos ang kamay ko sa salamin. Sa halip, unti-unti yung nagkakaroon ng porma, pataas sa aking braso, the glittering white force spread through my body, sa aking paa, sa leeg and lastly sa mukha. Napatingin ako sa sarili ko, hinawakan ko ang buo kong katawan at hindi tumatagos ang mga kamay ko! I… I have a physical form!!! Dahil sa nangyari, hindi ko na napansin na nakalutang ako sa ere, because of my physical form I don't know how my wings would work. Natigilan ako at tumingin sa aking baba kung saan naroon ang pool. "Oh s**t!" sigaw ko at tuluyan na akong nahulog pababa sa tubig. Bumagsak ako sa malamig na tubig, iwinagayway ko ang aking mga kamay para umahon pero dahil sa bigat ng wings ko lalo pa akong lumulubog. OH NO! Hindi pwede! Ngayon pa ba ko mamamatay ngayong may physical form na ko?! Ayoko! Gusto ko pang magka lovelife! I want to tangle with a man in bed, especially with him! Only with him! Please...please...save me! Ayoko pang mamatay! Virgin pa ko! Sa pagkakaalam ko! May pumulupot na mga kamay sa katawan ko at inihaon ako sa tubig. Nakahinga ako ng malalim at napaubo! Hinila ako ng malakas na braso na yon palabas ng pool, napaluhod ako at shinake ang sarili ko na parang aso lalong-lalo na sa wings ko na waterproof pala. I reached out to them and they were so soft and fluffy. Finally! Nahawakan ko na rin kayo. Tumingin ako sa basa kong katawan, sa aking damit na manipis lang pala at bakat na bakat ang malaki kong mga dibdib. Hinila ko bahagya ang aking suot at sinilip sila, ohhh, red, pinkish n*****s. Yong baba ko kaya? Pink din kaya ang hair ko don? Bago ko pa maitaas ang dress ko, may narinig akong tumikhim at nakalimutan ko ang nagligtas sa akin. Binalingan ko siya ng tingin at napataas ang ulo ko dahil sa tangkad niya. Nakatitig siya sakin, his amber eyes shining with curiosity. “What the hell are you?” tanong niya sa malalim niyang boses na nagpapakilig sa aking katawan. Lumapit siya at umupo siya sa harap ko para magpantay ang aming tingin. Sinundan ko ang kanyang kamay na humaplos sa pink at mahaba kong buhok. Napangiti ako hanggang tenga at agad siyang niyakap. “Heart ko!!!” tuwa kong sabi at mahigpit ko siyang niyakap. Amoy na amoy ko ang napakabango niyang scent na nagpa comfort sakin. “Sa wakas nayakap na rin kita…” “Heart ko?” nagtataka niyang sabi. He grabs me at nilayo sa kanya, nahihiya naman akong umupo ulit. “Sino ka? Paano ka nakapasok rito? And is that even real?” sabay turo sa wings ko. Bigla naman akong nahiya ng todo at napayuko ang ulo ko. Aish! Padalos-dalos naman kasi ako! Mukha akong baliw sa itsura ko ngayon! Kinalikot ko ang aking mga daliri at umiwas ng tingin sa kanya para pigilan ang sarili ko na sunggaban siya ulit. “Sorry… I may look like a crazy person or a cosplayer right now." pilit kong inayos ang buhok ko at pa-demure na umupo, chest out syempre, nagbabakasakali lang! "Uhm, imposible man pero... isa akong cupid." I sheepishly answer at nag-V sign pa. Natigilan siya, hindi nakapagsalita habang matiim akong tinitigan, napunta din ang kanyang mga mata sa red wings ko. "Wow… You guys are real." di-makapaniwala niyang sabi at ngumiti ako tapos tumango. "Naniniwala ka ba? Sa mga cupid?" excited kong sabi at nagkibit balikat siya. "No, akala ko isa ka lang fiction, imagination na mga tao at ginagawang gimik tuwing Valentine's day." napanguso naman ako dahil totoo naman ang sinabi niya. "But now looking at you, bigla ka na lang lumitaw sa harap ko, you have red wings, pink hair and eyes and your bow and arrows are over there." tumingin ako sa pool at lumulutang ang mga love arrows ko habang ang heart bow ko eh nasa ilalim. Naman! Siguradong pagagalitan na naman ako ng masungit na maintenance! Tumingin ako sa aking red wings at inextend yon tapos ay tiniklop. Nakatutig lang naman siya habang ginagawa ko yon. "Yup! They are real..." tumingin siya sa taas na parang may sinasabi siya sa isip niya. "Yes, we are real. Invisible lang kami sa mga humans." mahina kong sabi. Tumingin siya ulit sakin at curious siyang tinitigan ako. "So, why did you randomly show up? Were you going to shoot me with one of your arrows?" I shake my head at tumingin ako sa langit. Ano nga bang nangyari? Nawala ba ang veil? Bakit hindi ako nahugot at nabalik sa Cupid world? Bakit walang kumokontak sakin? At bakit ang pangit ng entrance ko sa human realm! "What's that on your wrist?" para akong nagising sa boses niya at pinakita ang wrist ko kung saan naka tattoo ang aking number. "Mlove…" basa niya. "Pangalan mo little cupid?" lihim akong napangiti sa little cupid. Shucks! Kinikilig ako! "Hindi, it's my number." kalma kong sagot. I'm cupid 1 million, 50 thousand, 5 hundred and five, level 3." sabay taas ng tatlo kong daliri. Madami kaming cupids, sa laki at dami ba naman ng nilalang sa iba't-ibang mundo diba? "Roman numeral number huh? So wala kang name?" nag-shake ulit ako ng aking ulo. "Is Mlove okay with you?" hiya akong tumango at ngumiti siya. "Well Mlove, I am Lorkhan Fierce, and welcome to the human world…" natuwa naman ako pero bigla akong bumahing. Ngayon ko lang naramdaman ang lamig. "Let's get you out of those wet clothes." tumayo siya at inabot niya ang kamay sakin. Hinawakan ko naman yon at napaungol ng konti dahil parang nakuryente ako. Narinig ko din siya, baka magalit pa siya sakin kaya tumayo na rin ako. Nauna siyang lumakad papasok at sumunod naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD