"Huh! Talagang ginawa ni Liam 'yon?" Hindi mapaniwalaan ni Olga ang ikinuwento ng kaibigan na si Maria. "Yes, believe it or not. Hindi ko na siya kilala ngayon. Natatakot na ako sa kaniya," pagsusumbong ni Maria. "Kailangan mo na talagang humiwalay sa kaniya, gawin mo na hanggat maaga pa," utos ni Olga. "Hmm... mukhang seryoso ang pinag uusapan ninyo ah. It looks so important. Care to tell me what it is?" Sabay na napaigtad ang magkaibigan sa gulat. Hindi nila inaasahan na bigla na lang susulpot si Liam sa kanilang harapan. Ang buong akala ni Maria ay umuwi ito sa kanilang probinsya dahil iyon ang paalam sa kaniya ng nobyo. Dadalawin daw nito ang mga lolo at lola niya roon. Humila ng upuan ang binata at pumuwesto ng upo paharap sa dalawa. "Ka-kailan ka pa nandito? Akala ko ba uuwi ka
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books