Chapter 34- The Letter•

1588 Words

"Good afternoon po, Ma'am!" bati ni Maria kay Lucille ng madatnan niya ito sa bahay pag uwi niya galing eskuwela. "Oh, Maria, narito ka na pala. Good afternoon din sa 'yo. Gutom ka na ba? Gusto mo bang mag-merienda?" tanong sa kaniya ng ginang. Umiling siya. "Hindi po, busog pa po ako," tugon niya rito. "Ah, ganu'n ba? Okay, sige umakyat ka na sa silid mo at magpahinga. Ipapatawag na lang kita for dinner." "Sige po, salamat!" aniya. Iniwan na niya ang ginang sa sala at tinungo ang hagdan. Nang makapasok sa kaniyang silid ay nagpalit muna siya ng damit at saka sumampa sa kaniyang kama kasama ang kaniyang school bag. Nakasanayan na niya ang gumawa muna ng assignment bago ang iba pang bagay. Hinanap niya sa bag ang kaniyang notebook sa economics, dahil hindi niya makita ay inilabas na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD