"Saan mo nakuha ang kwintas na 'to?" tanong muli ni Lucille kay Maria. Naguguluhan ang dalaga kung bakit ganu'n na lang ang reaksyon ng ginang ng makita ang kwintas niya? Ganu'n pa man ay sinagot pa rin niya ang tanong nito. "Ma'am, akin po 'yan, bigay po sa akin ng lola ko 'yan. Hindi po ako magnanakaw, kung iniisip po ninyong ninakaw ko iyan ay nagkakamali kayo. Hindi ko po magagawang kumuha ng bagay na hindi sa akin," depensa ni Maria sa kaniyang sarili. "Sino kamo ang nagbigay sa 'yo nito?" tanong na naman ng ginang na hindi iniintindi ang sinabi niya. "Ang Apo Ibyang ko, bakit po?" Hindi niya maiwasang muling magtanong dahil nawiwirduhan na siya sa kinikilos ng kaniyang kaharap. "Nasaan na siya? Dalhin mo ako sa kaniya." "Wa-wala na po ang lola ko, nabanggit ko na po ito sa inyo