#8

1680 Words
--Noah-- ALAS SINGKO pa lang ng umaga ay narating na nila ang bus station. Nagpasalamat siya sa naghatid sa kanila na kakilala ni Mang Roger. Lumingon siya sa paligid. Asan na si April? Bigla na lang ito nawala. Hinanap niya ang dalaga. Nakahinga siya ng matagpuan itong nasa loob na ng bus at prenteng nakaupo sa tabi ng isang may edad na babae. Napabuntong hininga siya. Mula ng magising sila kanina, hindi na ito namansin o kumibo, halatang iniiwasan siya ng dalaga. Naupo siya sa likurang bahagi ng bus, elevated kasi ang upuan sa likod, tanaw niya pa rin ang dalaga. He sighed again. Lumipas ang isang oras, napuno na ang bus at nagsimulang umandar at umalis. Habang nasa byahe, hindi niya inaalis ang tingin kay April na mahimbing ng nakatulog. Napangiti siya ng maalala ang nangyari sa kanila. Ang halik na pinagsaluhan nila. Panget man sabihin subalit hindi niya maikakaila ang attraction na nararamdaman niya para sa dalaga at nasisiguro rin niya na parehas sila ng nararamdaman ni April. Wala siyang pakialam kung may boyfriend ito. He's mine from the moment he tasted her sweet skin and soft lips. Ngayon lang siya nakadama ng matinding atraksyon sa isang babae. He want April. He will have her no matter what. Lumipas ang ilan oras, hindi niya namalayan na nakaidlip siya. Nakahinto ang bus, nagsibabaan ang ibang pasahero. Nakatigil ang bus sa isang bus stop. "Nasa Cebu na po ba?" tanong niya sa katabi. Umiling ito. "Ormoc pa lang. Mag banyo kana at bumili ng pagkaen kung gusto mo" sagot ng katabi niya. Tumango siya at dagli hinagilap ng mata niya si April. Wala na ito sa kinauupuan nito. Kaagad siyang bumaba, nagbanyo rin siya at bumili ng pagkaen. Nang makabalik siya sa loob ng bus, pansin niya na wala pa rin si April. Nasaan na naman 'yun? Nagsiakyatan na ang mga pasahero ngunit wala pa rin si April. Nagtanong na siya sa may edad na babaeng katabi ni April kanina. "Excuse me--Saan po nagpunta 'yung katabi nyo po na babae?" nakaramdam na siya ng pag aalala dahil maging ang driver at konduktor ay umakyat na rin. "Naku--may biglang humablot ng bag niya kanina, hinabol niya ata--basta bumaba siya" Shit! Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at bumaba ng bus. Narinig pa niya ang pagsigaw ng konduktor, aalis na ang bus. Pero wala siyang pakialam, mas inaalala niya kung nasaan na ang dalaga. Patakbong tinungo niya ang restroom. Sumigaw siya. "A-April!!--" sigaw niya uli. Mabilis siyang pumasok sa banyo ng pambabae. Lahat ng cubicle ay sinilip niya hanggang sa huminto siya sa dulong cubicle na nakasarado. "A-April?--" Walang sumagot pero dinig niya ang paghikbi ng tao sa loob. "April is that you?" Hindi pa rin sumagot. He sighed. Pumasok siya sa kabilang cubicle, tumuntong siya sa toilet bowl upang silipin ang kabilang cubicle. Mukha siyang ewan pero malakas ang kutob niyang si April ang nasa loob. Well, tama nga siya. Si April nga. Nakaupo ito sa toilet bowl at umiiyak. "April !--" Tumingala ito. Mugto ang mata saka inalis ang pagka-lock ng pinto. Mabilis niyang tinungo ito, lumuhod siya sa harap nito upang magpantay ang mukha nila. "Stop crying--sshh--I'm here, honey." wika niya saka niyakap ito. Pasinghot-singhot naman ito sabay punas ng tissue. "My bag--someone stole my bag. Nandoon ang cellphone at wallet ko!" lumuluhang sabi ni April at muling pumalahaw ng iyak. Ayaw man niyang matawa pero sadyang ganoon ata ito pag umiiyak parang bata. He smiled and gently caress her cheeks. Hinintay muna niyang matapos ito umiyak bago siya nagsalita. "Doon tayo sa labas--hindi ko na matagalan ang amoy dito sa loob ng banyo" nakangiwing sabi niya. Totoo naman, tinitiis lang niya ang amoy. Parang bata na tumango-tango naman ang dalaga. Binuhat niya ito, nagkunyapit naman ito sa batok niya at pinulupot ang mga hita sa beywang niya. Pinagtitinginan sila ng ibang tindera at ibang tao sa bus stop station. Napapailing na lang siya. "Ayy ang sweet naman--" dinig pa niya may nagsabi. Nakasubsob ang mukha ni April sa leeg niya tila tinatago ang mukha nito. "Umalis na ang bus--" kapagkuwa'y wika niya. Mabilis na tumitig si April sa kanya. Nanlaki ang mata. "Oh No!--Paano 'yan? saka--paano ka? sana hinayaan mo na lang ako maiwanan ng bus, pati ikaw naiwan tuloy. Grabe--ang malas talaga!" nagsimula na namang umiyak ito. Parang baby na inalo niya ito. "Shh--its fine. I was worried to you, kaya hinanap kita. I can't leave you behind--sabay tayong pupunta ng Cebu okay? trust me--" malambing na saad niya sa dalaga upang mapanatag ang loob nito. Umupo sila sa waiting area. Kumaen na rin sila. Nagtanong na din siya sa tindero ng food stall kung meron pang bus na pabyahe pa-Cebu. Ang masaklap, kinabukasan pa uli magkakaroon ng bus. "A-Ako na ata pinaka malas na babae--" bagsak ang balikat na bulong ni April. Sinabe niya kasi na wala ng bus na darating ngayon. "--na stranded sa bagyo, naligo sa baha, nagka-dysmenorrhea, ninakawan ng bag at ngayon, naiwanan ng bus. Ano pa--ano pang susunod na kamalasan?!" April clenched her teeth and really sound irritated. Hinawakan niya ang kamay nito. "Parang mas okay pa nga ang nangyare--" saad nya ng nakangisi. Kumunot naman ang noo nito. "saang part ang OKAY dun? palibahasa kasi hindi ikaw 'yun minamalas." pa-ismid nito wika. Natawa siya ng marahan. "Makakasama pa natin ang isa't isa ng matagal--di ba okay 'yun?" nakangising tugon niya saka kumindat pa. Hinampas siya ni April sa balikat. "B-Baka nakakalimutan mo inis ako sa'yo! paulit-ulit kong ipapaalala may boyfriend na ako!" gigil na sabi nito. Pilyong ngumisi siya. "Talaga lang? Kung maka-kapit ka sakin kanina para kang koala. At saka--ipapaalala ko rin sayo na wala akong pakialam kung may boyfriend kana. I-break mo na 'yun--dahil from now on, you.are.mine.now. gets?" pinagsiklop pa niya ang kamay nila pero mabilis na hinila ni April ang kamay. "Nope! Never! I'm not yours. Never akong makikipaghiwalay sa boyfriend ko. Duh--ngayon lang nga kita nakilala. gets-getin mo mukha mo!" paasik na sabi nito saka nakasimangot na umusog sa kabilang upuan. Pero imbes mainis sa sinabe ng dalaga, natuwa pa siya. She really looks cute lalo pag naiinis at nakasimangot. "Okay If you say so. Tara--doon tayo." kibit balikat na sabi niya. Nilingon ni April ang tinuturo niya. Merong maliit na apartelle sa tapat ng bus stop station. Wala naman kasing ibang choice kundi mag antay na naman hanggang bukas. Though, may naisip na siyang ibang paraan para makauwe kaso nag e-enjoy pa siyang kasama ang dalaga. Ayaw pa niyang mawalay dito, dahil oras na makarating na ito sa Cebu sigurado siyang hindi na niya makikita ito. Mukhang desidido talaga ang dalagang ituloy ang plano nito para sa boyfriend nito. He sighed. He have to do something to woo her. Tila mabait na batang sumunod naman si April sa kanya. Tahimik lang at hindi na kumontra. Akala nya kasi kokontra ito. Nang makapasok sa loob ng apartelle. Nagbook siya ng isang kwarto. "Dalawa tayo diba? Bat isang kwarto lang kinuha mo?" nakataas ang kilay ng dalaga. He smirked. "May pambayad ka? Okay sige--kuha ka ng sarili mo room. No problem." Huling-huli niya ang pagpipigil nitong hambalusin siya. Nakakuyom ang dalawang kamay nito. "Argh!--fine!" Pagak siyang natawa. "Parang hindi tayo magkatabi matulog kagabi--parang bago ka naman." Umingos ito. "Kasi wala tayong ibang choice doon! Ngayon meron!" "Oops--ikaw ang walang choice, dahil nawala wallet mo. Wala kang choice kundi magpakabait sa akin." he sarcastically smiled at her. "Pwede mo naman akong i-libre! Nakakainis ka! Sinasadya mo 'to!" gigil na wika ni April. "Nagpaiwan na nga ako sa bus para sayo tapos ako pa ang nakakainis--grabe, suklian mo naman ang kabutihan ko sa'yo." nang iinis na wika niya. Gusto lang niyang asarin ang dalaga. Binigay na sa kanya ang susi. Kaya dumiretso siya sa hagdanan paakyat sa second floor. Room 214. Nang makapasok sa room 214, may maliit na TV, may maliit na banyo, may maliit na electric fan at isang single bed. Mukhang konting yugyog lang ay kakalas na ang kama. Napailing siya. Okay na rin pang isang gabi. "Paano tayo magkakasya sa single bed na yan? Kung kinuhaan mo rin sana ako--look, naghihingalo na ang kama." gigil na gigil na wika ni April saka mabilis na hinubad ang sapatos at padabog na pumasok sa banyo. Natawa siya dahil sa inakto nito. "Kasya tayo riyan basta--walang milagrong magaganap. Kakayanin pa rin tayo ng kama." nilakasan niya ang boses para marinig ni April. Bigla naman bumukas ang banyo. "Milagro? Baliw ka! Alisin mo lahat ng ka-demonyohan sa isip mo dahil may boyfriend ako! Subukan mo lang talaga Noah! and besides--I have red days!" Malakas na wika ng dalaga saka pabagsak na sinara uli ang pinto ng banyo. Natawa siya ng malakas sa sinabe nito. "Kahit red days--kayang kaya ko pa rin gawan ka ng milagro!" pahabol na biro niya. Mas lalo siyang natawa ng marinig ang pagmumura nito sa loob ng banyo. Prenteng nahiga naman siya sa kama. Hindi malambot ang kama mukhang mahihirapan siyang makapagpahinga. Napabuntong hininga siya. Kinuha niya ang cellphone. May signal na. Nabasa niya ang text ng kuya Dawnson niya. Nag reply siya. Lumabas muna siya ng kwarto saka tinawagan ang kuya niya. Sinabe niya rito ang nangyare sa kanya. "Okay, ipapasundo kita diyan ng chopper, bigyan mo ko ng complete address kung nasaan ka mismo then ako ng bahala--at andito na ako sa Cebu, ngayon na ang last shoot para sa commercial--" "S-Sorry kuya--wala ako naitulong diyan-" "Nah--its fine as long as you okay. See you tomorrow" Binaba na niya ang tawag saka nagtungo sa front desk ng apartelle upang alamin ang address ng lugar. Eto na ang magiging huling gabi nila rito. Isasama niya ang dalaga at aagawin niya ito sa tuod nitong boyfriend. He smiled.. ˎ₍•ʚ•₎ˏ itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD