#13

2240 Words
--April-- HINAWAKAN NI NOAH ang kamay niya nang pumasok sila sa malawak na banquet hall ng Walsh Hotel sa Manila. Meron prestige events ng gabing iyon kasabay ang pag launch ng bagong product commercial ng Walsh Company. Ayaw niya talaga sumama pero sobrang mapilit ang kasintahan. Hindi siya sanay dumalo sa mga Company events, kadalasan kasi naroon ang mga ibang partnership company, mga businessmen at businesswomen kasama na rin ang mga writers at reporters. Huminga sya ng malalim. Isang gabi lang naman ito. Isang simpleng black lace dress ang suot niya terno sa black tuxedo ni Noah. Noah is naturally striking with his so damn hunky looks. Lahat naman ata ng suotin ng kasintahan ay umaangat talaga ang kakisigan nito. "You look stunning, honey--pero mas maganda ka kapag wala kang suot" pilyong nakangisi ito sa kanya. Naningkit ang matang kinurot niya ng marahan si Noah sa tagiliran. "ang naughty talaga niya--ayaw paawat" Natawa ito saka hinapit siya sa beywang upang igiya siya paupo sa isang bakanteng reserved table. Pinakilala siya ni Noah sa kapatid nito na si Mr. Dawnson Walsh, ang CEO ng Walsh Company. Ito ang unang beses na nakita niya ang boss sa personal. Ang gwapo rin nito, para itong si Henry Cavill. Nang akma makikipagkamay sa kanya si Mr. Dawnson, tinapik naman agad ni Noah ang kamay nito at matalim na tumingin sa kapatid. "You're not allowed to touch my woman--" madiin sambit ni Noah sa kapatid. Natawa si Mr. Dawnson Walsh at pailing-iling. Bahagyang nag Hi na lang ito sa kanya. Si Noah talaga, may pagka-seloso rin ito. Malakas ang toyo pag may nakikita itong may kumakausap sa kanyang lalaki. Pinakilala rin siya ni Noah sa mother nito na si Mrs. Selena Walsh. Nakaka-intimidate ang postura ng Ginang. Elegante at napakaganda pa rin nito kahit may edad na. Magalang na bumati siya kay Mrs. Walsh. Bahagyang ngumiti lang ito sa kanya. Naiilang man pero pinilit pa rin niyang kalmahin ang sarili hanggang sa nagsimula na ang event. Nag e-enjoy naman siya, siguro kasi puro kwentuhan ang ginawa nila ni Noah. Kinukwento nito kung ano madalas ginagawa nito pag may events na ganoon. Natatawa siya sa mga biro ng kasintahan. Natigil lang sila sa pag-uusap ng tumayo si Mr. Dawnson Walsh at inaya rin sa stage si Noah upang magbigay ng speech sa bagong produktong ilalabas sa market. Nangingiti siya dahil sobrang lakas ng dating ni Noah sa stage lalo na ng magsimula itong magsalita, maraming kababaihan ang nakatingin sa direksyon ni Noah. Humahanga. That's my boyfriend...usal niya sa isip. Nawala lang ang atensyon niya ng may tumikhim sa gilid niya. Ang mother ni Noah, kaagad siyang ngumiti rito. "How are you, Miss Gonzaga?" blanko ang mukha nito nakatunghay sa kanya. Kinabahan siya pero pilit pa rin siyang ngumiti ng matamis sa Ginang. "I'm good, Mrs. Walsh. I actually--" "I'll be very honest with you, Miss Gonzaga. You are indeed beautiful but--I don't like you for my son." malamig na wika ni Mrs. Walsh. Para siyang sinabugan ng bomba dahil sa sinabe nito. Nakaramdam siya ng panliliit. Huminga siya ng malalim. Masyado siyang sensitive at madali siyang maiyak, pinilit niya pa rin ngumiti sa Ginang. "I'm sorry ma'am-- if you think I'm not suitable for your son. I love him and he loves me too." nakangiting tugon niya kay Mrs. Walsh. Matinding lakas ng loob ang ginawa niya upang sagutin ito. Pero andoon pa rin ang pag galang niya. Tumaas ang sulok ng labi nito at matalim na tumingin sa kanya. "Audacity. I know my son--You are just a fling to him. Flavor of the month. If I were you, I would leave him." mataray na lintaya ni Mrs. Walsh. Napailing siya. Anong klaseng ina ang sisiraan ang anak? Baka naman sinasabe lang nito 'yun upang layuan niya si Noah. Ano 'to teleserye? "I'm sorry to disappoint you ma'am. I will not leave him, unless--he's the one who initiate to break up with me." madiin niyang banat. Ayaw man niyang maging bastos pero ayaw din naman niyang magpa-api. She can be a real brat sometimes. "Boldness. Can't you see? You and my son are totally different. I don't like you because--you are just a mere employee. You don't belong to my son--he's just playing you around, and after he's done with you--he will dumped you...like you are nothing to him" mataray na pasaring sa kanya ng Ginang. Ayun na nga ba ang sinasabe niya. Tubig at langis sila ni Noah. Ang sakit lang kasi, sa mismong Ina pa ni Noah nanggaling ang panghahamak sa kanya. Isang ordinaryong empleyado lang naman siya pero nakapagtapos siya sa kolehiyo. "I don’t have the energy to pretend to like you today, Miss Gonzaga. Please--take my advice for once. You know--there are some people who come in your life pretending that they love you, only because they need you--men are like that--excuse me" matalim na lintanya sa kanya ni Mrs. Walsh saka tumayo sa upuan at may kinausap na sa kabilang table. Hindi na siya nakakibo. Nasira na ang mood niya. Tumayo siya at nagtungo sa restroom. Pumasok siya sa isang cubicle at tuluyang pinakawalan ang kanina pa niyang pinipigilan na luha. First time niyang maranasan ang ganoon pangungutya. Halos ipamukha sa kanya ni Mrs. Walsh ang gap nila sa buhay ni Noah. Naiiyak siya. Nanlililiit siya. Panay ang paghikbi niya, gusto na niyang umuwe pero baka magalit sa kanya si Noah kung bigla siyang aalis ng walang pasabe. Mayamaya pa ay kalmado na siya. Inayos niya ang sarili, nag retouch uli siya ng make up upang hindi mahalata ang namumula niyang mata. Naglalagay na siya ng lipstick ng biglang bumukas ang pinto ng restroom. Si Noah. Puno ng pag aalalang nilapitan siya nito kaagad at niyakap. "s**t--Akala ko kung napano ka na naman. What happened honey? sinusumpong ka na naman ba ng dysmenorrhea mo?--kakatapos mo lang last month diba?" sunod-sunod na tanong ni Noah. Hinaplos pa nito ang buhok niya saka ginawaran ng magaan na halik sa noo. Sobrang sweet talaga nito. Ultimo menstruation date nya ay alam nito. "Sumakit lang bigla ang tiyan ko--bigla akong nilamig" pagdadahilan niya sa kasintahan. Wala siyang balak magsumbong, wala siyang planong sabihin kay Noah kung paano siya minaliit ng Ina nito. Lumambot ang mukha ng kasintahan. Hinimas din nito ang tiyan niya. "Gusto mo na ba magpahinga? Hahatid muna kita sa room natin. hmm?" Tumango siya at nagpaubaya na siya ng ayain na siya nito na bumalik sa hotel room nila kanina bago sila dumiretso rito sa event. "Bat parang tahimik ka, may nangyare ba?" malambing na tanong ni Noah sa kanya ng makarating na sila hotel room nila. "W-Wala. Sumakit lang talaga tiyan ko.--" bigkas niya sa kasintahan. Sa kama siya agad dumiretso at humiga. "--honeyko, may tanong ako.." kapagkuwa'y wika niya kay Noah. "Hmmm, what is it?--" lumapit naman ito sa kanya. Umupo sa may gilid ng kama sa tabi niya. "A-Are you really serious--with me? I mean, to our relationship. Kasi bigla--" "Iniisip mo bang hindi ako seryoso sayo? Honey--i love you, sobrang seryoso ako sa relasyon na 'to! Ikaw ba hindi?" biglang bumukas ang iritasyon sa mukha nito. Napataas ang tono ng boses nito. "Nagtatanong lang naman ako--" "The fact na nagtanong ka, ibig sabihin hindi ka sigurado! May balak ka bang iwan ako? God--April! Huwag na huwag okay? I'll tell you--hindi ako papayag. Kung kina-kailangan na pakasalan kita..gagawin ko para lang malaman mo kung gaano ako kaseryoso sa relasyon na'to!" puno ng inis na saad ni Noah sa kanya. Hindi niya mapigilan na ngumiti. Sapat na sa kanya ang sinabe nito. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito saka pinugpog ng halik sa mukha. "Wala akong balak iwan ka Mr. Noah Walsh. As in wala." sambit niya at mahigpit na niyakap ang kasintahan. Ang mahalaga sa ngayon ay mahal niya ito at mahal din siya ni Noah. Hinding-hindi niya iiwan si Noah dahil lang sa ayaw sa kanya ng Ina nito. *┈┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈┈ KANINA pa sila nag-uusap ni Lenny sa loob ng Donut shop. Recently, naghahanap siya ng matamis at colorful na pagkain kaya naisip niya kumaen ng donut. Inaya niya na rin ang bestfriend niya. "So, one month na kayong LDR ni Noah?" kapagkuwa'y tanong ni Lenny sabay kagat ng donut. Tumango siya. After ng prestige event, kinailangan ni Noah na magtungo sa Canada upang asikasuhin ang tatlong branch ng Walsh Hotel doon. Sa Vancouver, Montreal at Calgary City sa Canada. Kaya super busy ang kasintahan gayunpaman, nagagawa pa rin nito makipag video call sa kanya gabi-gabi. "Hindi kaya--sinadya ng wicked mother nya 'yun? Sinadya niya ipadala dun si Noah para malayo kayo sa isa't isa--may point ako diba?" ani ni Lenny sabay sipsip ng ice coffee. Napabuntong hininga siya. Naikwento niya kasi sa kaibigan ang nangyare sa kanya sa event. Kung paano siya minaliit ni Mrs. Walsh. "Well, may point ka beshy. But I don't care, me and Noah are getting stronger..naniniwala ako na kayang kaya ako ipaglaban ni Noah." puno ng kasiguraduhan na wika niya. Nagthumbs up pa si Lenny sa kanya. "Push! Wag kang papa'api sa magiging mother in law mo--" Ngumiti siya. Tama. Never siyang magpapa-api. Sa drama lang uso ang ganoon. So what, kung hindi siya gusto? Si Noah naman ang makakasama niya hindi naman ang Ina nito. Nang matapos sila kumaen ni Lenny, nag order pa siya ng isang box para sa take out, kakainin niya mamaya pag-uwe sa bahay. Nagmadali na rin umalis si Lenny dahil may pupuntahan pa raw ito. Kaya naisipan niya muna na mag ikot-ikot sa Mall tutal day off naman niya. "A-April!--" may tumawag sa pangalan niya. Si Danny. Ngumiti siya ng makita ito, hindi na siya galit sa binata. Nonsense kasi kung magagalit pa siya, masaya na siya sa bagong relasyon niya. "Hey--kamusta na?" magiliw na bati niya kay Danny. Ngumiti naman din ito sa kanya. "Good--Ikaw musta? Blooming ka--iba talaga pag nadidiligan nagbo-bloom" naging maarte ang tono ng boses nito. Natawa siya sa tinuran ni Danny at sa pag-iiba ng boses nito. Alam niya kasi ang tunay na pagkatao nito kaya hindi na ito nahihiya ipakita sa kanya at malambot na side nito. At saka, alam na rin nito na boyfriend niya si Noah Walsh. Umangkla ang kamay nito sa braso niya. Lalo siyang natawa dahil baklang-bakla ang galawan nito. "Magshopping ka?--" tanong ni Danny. Umiling siya. "mag-iikot lang sana..bakit?" Tila nahihiyang nakangiwi ito. "Ahmm--baka gusto mo mag bar hopping? Wala kasi ang bebe ko nasa Taiwan, umuwe saglit sa parents niya. Samahan mo naman ako--" nakangusong aya sa kanya ni Danny. Taiwanese pala ang karelasyon nito. Saglit siyang napaisip, medyo naiinip din naman siya. "--pero saglit lang ako a'? hindi ako pwede magtagal sa bar hmm?" pang-sang ayon niya kay Danny. Nagliwanag naman ang mukha nito at tumili ng mahina. "Bongga! I can't believe it--na makakasama kitang mag bar hopping" natawa siya. True, sino bang mag a-akala mag ex sila? Hinatid muna siya ni Danny sa labas ng bahay nila. Susunduin na lang siya nito mamayang gabi. Pero naisip niya si Noah, siguro dapat magsabi muna ako. Tumawag siya sa kasintahan. Ngunit, maka-ilang beses na siya nag dial pero walang sumasagot. Nagtaka siya. Laging nag aabang si Noah ng tawag niya kaya katakataka naman hindi nito sinasagot ang tawag niya. Nagkibit balikat na lang siya. Baka busy lang ito. Nag prepare na lang muna siya ng susuotin niya para mamaya. First time niyang papasok sa bar, may halong excitement at takot ang nararamdaman niya. Kinagabihan, sinundo na siya ni Danny. "You'll enjoy there promise! Maraming hot guy dun--" nakangising turan ni Danny sabay pilantik ng mata. "Hoy!--hindi guy hunting ang punta ko dun! sasamahan lang kita at saka hindi ako iinom okay?--" tumatawang pinandilatan niya ng mata si Danny. Danny rolled his eyes and huffed. "KJ!--wala naman boyfriend mo. Don't worry may ladies drinks naman doon." Ngumiti siya. Wala naman masama kung subukan niyang mag bar ng isang beses. Isang beses lang ito, wala ng kasunod. Iniisip din niya kasi si Noah, seloso at masyadong possessive pa naman ito. Nang makarating sa isang sikat na Bar sa BGC, Taguig. Kaagad na kumuha ng table si Danny. Mukhang sanay na sanay na ito sa lugar, maging ang pag order ng drinks nila ay ito na rin ang nagsabi sa waiter. Nang mai-reserved na ang drinks at food nila. Panay ang kwentuhan nila ni Danny, kung paano nito nalaman na bakla ito, mga adventures nito sa mga club at bar na pinupuntahan nito. Tungkol sa relasyon nito at kung bakit matindi ang takot ni Danny sa Daddy nito. Nakikinig siya at the same time tawa siya ng tawa. Masarap talaga kausap pag bakla, buhay na buhay ang usapan dahil exaggerated ito kung magkwento with actions pa. Hindi na niya napansin ang oras, saka medyo nakakaramdam na rin siya ng hilo. Napasulyap siya sa lemonade drink niya. May halong alak din ba ito? Buong akala niya ay ordinary juice lang ito. Naparami tuloy ang inom niya. "D-Danny--I..think--I should leave na, medyo nahi--hilo na kasi ako--" pauutal utal niyang sambit, nang akma siyang tatayo ay bigla siyang natumba paupo. Umiikot na ang paningin niya. Nagiging tatlo na si Danny sa mata niya, hindi na niya maunawaan ang sinasabe nito.. "S-Sorry talaga--April--Sorry" pabulong na anas ni Danny. Kumunot ang noo niya. Para saan ang sorry nito? Hindi na niya nagawang magtanong dahil tuluyan na siyang napapikit. ʕっ•ᴥ•ʔっtbc...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD