Sue’s pov TILA nasa alapaap si Sue sa piling ni Winston. Isa na siyang ganap na Mrs. Sue Agerre. Hinding-hindi na mawawala sa kanya si Winston. Wala nang magagawa pa si Feonna para paghiwalayin silang dalawa. Mag-asawa na sila. Walang mapagsidlan ng tuwa ang kanyang puso. Hindi lamang siya ang masaya kundi maging si Winston ay napakasaya rin. Ayaw niya nang isipin pa ang bukas na naghihintay sa kanilang dalawa pag-uwi nila ng Manila. Ang mahalaga ngayon ay magkapiling sila ni Winston. Wala na siyang mahihiling pa. Walang kasawaan at walang kapaguran ang pag-iisa ng kanilang mga katawan pagkatapos nang kanilang kasal. Unforgettable memories ang biglaan nilang pagpapakasal. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. HINDI mapigilang mapaliyad ni Sue nang maram