Sue’s pov
SA TATLONG araw na kasama niya si Winston sa iisang bubong ay wala silang ginawa kundi ang magsawa sa isat-isa. Lahat ng kanyang alinlangan sa lalaki ay binalewala niya. Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nagpaubaya sa lalaki. Kung ilang beses nagsanib ang kanilang mga katawan.
Hindi siya nasundo ni Feonna sa araw na pinangako nito pero ipinasundo siya nito sa driver. Pabor iyon sa kanya upang hindi nito makita si Winston.
Pagdating niya sa bahay ay nakita niya si Feonna. Nanunuod ito habang kasama ang asawa sa sala. Hindi lang siya nito secretary kundi kapatid niya ito. Kapatid niya sa ama si Feonna. Ang bahay na tinutuluyan nito ay bahay ng kanyang ama. Anak siya ng ama ito sa ibang babae. Hindi matanggap ni Feonna na nagkaroon ng iba ang ama nito kaya siya ang pinaparusahan nito. Kung hindi lang nito tinulungan ang nanay niya sa pagpagamot ay hindi siya magpapaalila sa demonyitang kapatid.
Kung sinusuka siya nito mas lalong sinusuka niya ito. Kahit minsan wala itong pinakitang kabutihan sa kanya sa halip ay puro pasakit ang binibigay nito. Kahit tutol siya sa mga pinagagawa nito ay wala siyang magawa. Hawak nito ang buhay niya.
Naalala niya ang mga kasalanan sa kanya ni Feonna. Hindi lang sa kanya kundi maging sa kanyang nanay.
Patay na ang tunay na asawa ng kanyang Papa Yuan nang dinala sila ng kanyang nanay sa bahay nito. Aminado siyang naging kabit ang kanyang nanay. Nagkasala ang kanyang ina sa pagpatol sa lalaking may asawa. Ang alam niya ay hindi alam ng kanyang nanay na may asawa ang kanyang Papa Yuan. Buntis na ang kanyang ina nang malaman ang katotohanan.
Six years old lamang siya noon nang ipakilala siya ng ama sa kanyang Ate Feonna. Ang alam niya ay eighteen years na noon si Feonna. Hindi matanggap ni Feonna na pinalitan ng ama nila ang Mama nito. Simula pa lang na tumira sila sa bahay ng ama kasama si Feonna ay pinakitaan kaagad sila ng pagkadisguto. Kapag wala ang kanyang ama ay nagmamaldita ito. Maging ang kanyang nanay ay hindi pinatawad ni Feonna.
“Ano ba talaga ang habol mo sa Daddy ko?” tanong ni Feonna sa nanay niya. Nakapamewang ito at nakataas ang kilay. Sexy kung manumit si Feonna. Ang iksi rin nito magsuot ng short. Nasa kusina ang kanyang Nanay Maylene at nagluluto. Nakaupo naman siya sa dining chair habang naghihintay sa niluluto ng ina. “For sure ang kailangan mo lang sa Daddy ko ay pera,” wika pa nito sa kanya.
“Sue, pumasok ka’na muna sa kwarto mo,” wika sa kanyang ng ina. Naiinis siya sa ugali na pinapakita ni Feonna sa kanyang inay. Mabait ang kanyang nanay ay mahal na mahal ang kanyang ama. Tatayo na sana siya at aalis nang harangin siya ng ina.
“Wag kang aalis. Mabuti nang alam mo kung anong klaseng nanay meron ka. Kabit siya ni Daddy. Alam niyang may asawa si Daddy pero pumatol pa rin siya,” wika pa ni Feonna sa kanya. Umiiyak na siya habang sinasabi iyon ni Feonna. Kahti anim na taong gulang pa palang siya ay alam niya ang ibig nitong sabihin.
“Feonna kung ayaw mo sa akin hindi mo kailangan idamay si Sue. Magkapatid pa rin kayo,” sagot ng kanyang ina.
Tumawa si Feonna sa sinabi ng kanyang ina.
“Wala akong kapatid at kahit kailan hindi ko kayo matatanggap. Nandito lamang kayo dahil kay Daddy,” wika pa ni Feonna sa kanila. Tatalikod na sana ito nang biglang magsalita ulit. “Ano kayang pwede kong itawag sa inyo?” wika pa ni Feonna. Pinaikot nito ang mga mata at nag-isip. “Patay gutom,” wika ni Feonna sabay halakhak. “Ito ang tandan niyo, wala kayong makukuha sa Daddy. Ang pera namin ay hindi pera ng Daddy dahil pera iyon ng pamilya namin,” wika pa nito sa kanila. Nagulat pa siya ng itulak siya nito. Kaagad siyang nilapitan ng ina at niyakap.
Pinilit ni Sue na maging malapit kay Feonna dahil iyon ang pakiusap sa kanya ng ama. Isang araw ay dinalhan niya ng snacks si Feonna. Pumasok siya sa silid nito dahil hindi naman iyon nakalock. Nakita niyang kasama nito ang kasintahan na si Rafael sa kama. Natigilan siya dahil hubot-hubad ang nobyo nito at nasa ibabaw si Feonna. Nang makita siya ni Feonna ay kaagad itong tumayo. Nagliliyab ang mga mata sa galit.
“Hindi ka ba talaga marunong kumatok? Palighasa kasi galing squatter kaya walang pinag-aralan!” duro sa kanya ni Feonna. Kinuha nito ang juice na dala niya at ibinuhos sa kanyang mukha. Napasinghap siya sa kanyng ginawa at patakbo na pumunta sa kanyang nanay.
Hanggang sa nagkaisip siya ay umiwas na siya kay Feonna. Alam niyang suntok sa buwan na magkasundo pa sila ni Feonna. Alang-alang sa nanay niya na nakiusap na wag niyang sagutin si Feonna kahit anong mangyari. Pilit niya na lamang itong inintindi hanggang sa mamatay ang kanyang ama. Fourteen years old siya nang mawala ang ama. Hindi niya alam na iyon na pala ang magiging kalbaryo ng kanilang buhay. Ginawa silang alipin ni Feonna. Ginawang katulong ang kanyang ina. Tatlong taon silang naging alipin nito hanggang makiusap siya sa in ana umnalis na lamang sila. Gusto niyang ipaglaban ang kanyang savings na iniwan sa kanya ng ama pero hindi iyon ibinigay ni Feonna. Wala siyang kakayahan na lumaban sa kapatid kaya ganun na lamang ang galit niya dito.
Demonyo ang tingin niya kay Feonna. Ang pang-aapi na ginawa nito sa kanilang mag-ina ay sukdulan hanggang langit. Nang umalis sila sa poder ni Feonna ay wala silang nadalang gamit na bigay ng kanyang ama. Para silang mga hayop.
ISINUMPA ni Sue si Feonna. Gusto niyang kapag nag-krus ang kanilang landas ay titingalain na siya ni Feonna pero hindi iyon nangyari. Vocational lamang ang kanyang natapos dahil na rin sa kakulangan ng pera. Mayroon siyang maliit na shop ng mga antique. Antique Colletor kasi siya. Iba ang kasiyahan niya kapag nakakakita siya ng mga bagay na Antique.
Kung siya lang ang masusunod ay ayaw niya nang makita si Feonna. Updated pa rin siya sa buhay nito. Napag-alaman niyang ikinasal na ito kay Mayor Angelo Santillan. Hindi na siya magtataka kung bakit pinakasalan nito si Mayor Angelo kahit pa sixty two na ang edad. Ang gusto ni Feonna ay fame. Ang gusto nito ay nakatuon ang spot light sa mukha nito. Ang lahat ay nakukuha nito sa isang salita lamang.
MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan niya nang pagbuksan siya ng maid ng gate. Nakatayo siya sa harap ng bahay ng kanyang Papa Yuan na ilang taon niya ring naging tahanan. Bago siya pumunta ay tumawag muna siya kay Feonna.
“Kanina ka pa po hinihintay ni Feonna,” wika sa kanya ng maid. Dinala siya nito sa may swimming pool. Napansin niyang lumalangoy si Feonna. Nang makita siya nito ay umahon na ito. Dekada man ang lumipas ay hindi niya maaaring makalimutan ang mukha nitong kakambal yata ni lucifer. Lumapit siya dito.
Pinagmasdan siya ni Feonna mula ulo hanggang paa. Wala pa rin itong pinagbago. Higit na matangkad si Feonna sa kanya. Maganda pa rin ito kahit tumanda na. Hindi na siya magtataka, may pera ito. Lahat ng gustuhin nitong ipagawa ay kaya nito.
“Alam mo bang mahal ang oras ko para maghintay sa’yo?” wika sa kanya ni Feonna.
“Natraffic lang,” sagot niya. Galing pa kasi siya ng Bulacan.
“Akala ko pa naman umasenso ka’na,” pasaring sa kanya ni Feonna. “Patay-gutom ka pa rin pala,” dagdag pa nitong wika.
“Sabihin mo ang lahat ng gusto mong sabihin,” naiinis niyang sagot. Siya ang may kailangan kay Feonna. Inaasahan niya na ang kagaspangan ng ugali nito. “May sakit si Nanay at kailangan ko ang pera,” wika niya.
“May sakit ang nanay mo? Bakit alkansiya niyo ba ako? May matago ba kayo?” nanlalaki ang matang sagot sa kanya ni Feonna. Nagpupunas ito ng buhok.
“Wala akong pakialam sa pera mo Feonna. Alam natin pareho na may iniwan sa akin si Papa. May parte rin ako sa mga iniwan niya,” matapang niyang sagot.
“Ang tapang mo na magsalita ah? Lumaki ka lang akala mo na kung sino ka,” natatawang sagot sa kanya ni Feonna.
“Desperada na ako Feonna. Kailangan ko ng pera,” matigas ang boses na wika niya.
“Bibigyan kita ng isang milyon upang mapagamot mo ang nanay mo sa isang kondisyon?” wika ni Feonna.
Tumawa siya sa sinabi nito.
“Hindi ko kailangan ang pera mo. Ang kailangan ko ay ang share ko kay Papa,” matapang niyang wika.
Tumawa si Feonna sa kanyang sinabi.
“Wala akong mana na ibibigay sa’yo. Ang pera namin ay pera ng pamilya. Sa makatuwid ay anak ka sa labas. Matatagalan kung idedemanda moa ko by that time baka malala na ang sakit ng mama mo,” wika sa kanya ni Feonna.
Ano pa ba ang aasahan niya kay Feonna? Mautak ito. Sanay itong mang-isa ng kapwa.
“Gawin mong two million. Hindi sapat ang isang milyon,” wika niya sa kapatid.
“And the condition?” tanong sa kanya no Feonna.
“Sabihin mo,” sagot niya. Muling tumawa si Feonna. Ang kabang kanyang nararamdaman ay lalo pang tumindi.
“Ang maging alipin ko sa loob ng dalawang taon,” wika sa kanya ni Feonna. Natigilan siya sa sinabi nito. “Sa akin ka titira at susundin lahat ng gusto ko,” wika pa nito. “Deal or no deal?”
“Where’s the check?” tanong niya. Kailangan niyang sakyan ang gusto ni Feonna. Hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang kanyang mana dito. Ang dalawang taon na pagiging alipin niya dito ay gagamitin niya upang makuha ang dapat na sa kanya. Kung mautak ito ay mas mautak siya.